Confused

1.2K 54 6
                                    

( R h i a n )

Mayroong pumasok na mga tao hindi ko lang alam kung ilan sila kasi madaming footsteps ang naririnig ko.

Inayos ko ang tuwalya ko, kasi natatanggal na. Nakaka inis talaga ang kalagayan ko ngayon.

Tapos may lumapit sakin at tinanggal ang tela sa bibig ko. Agad agad akong nagsalita.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit nyo ako kinidnap?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot.

"Hello. Marunong ba kayong magsalita?" Asar kong sabi sa kanila. Alam ko namang naririnig nila ako, ayaw lang nilang magsalita.

Maya maya, mayroong pumasok na ang ingay ng takong. Babae ito, sigurado ako.

Nagbubulungan sila kaya naman mas lalo akong naalarma.

"Anong binubulung bulong nyo dyan? Parinig naman ako." Biro ko sa kanila pero wala akong natanggap na sagot. Napabuntong hininga nala ako.

Maya maya, may lumapit sakin at nagsalita.

"Wear this." Sabi niya. Familiar ang boses nya sakin pero hindi ko matukoy kung sino, kasi parang ngungo syang magsalita.

Nilagay nya sa mga kamay ko yong sinasabi nyang isuot ko daw.

Hinawakan ko ito, at feeling ko sobrang namumula ako ngayon sa hiya at galit.

"Bastos ka ah!" Sabi ko sa kanya at tinapon sa kung saan ang bra at panty na binigay sakin.

Kung pano nya nalaman na wala akong suot na ganun, ewan ko, basta nakakainis.

"Isuot mo na yan, I'm sure naiilang ka sa kalagayan mo." Sabi ulit nya sakin at binigay ang panty at bra.

May point naman sya. Nakakabwesit lang talaga. Kung hindi kasi nila ako kinidnap, malamang nakabihis na ako ngayon.

Hindi ko sya sinagot, tinanggap ko nalang ang mga ito.

Hindi ko alam kung nakatingin sila sakin, pero wala na akong pakialam. Isinuot ko ang mga ito na hindi tinatanggal ang tuwalya sa katawan ko.

"Good." Sabi ng boses.

Pumalakpak sya ng dalawang beses, at may nagdatingan ulit na mga tao.

Aba'y dumadami na sila, sabi ko sa isip ko.

May dalawang umalalay sakin at tinulungan akong tumayo sa isang malambot na upuan.

Napapaisip ako kung anong ginagawa ko dito? Itatali ba nila ang leeg ko at aalisin ang upuan? Wag naman sana.

"Please kung ano man ang binabalak ninyo sakin, wag nyo nang ituloy, masama yan." Sabi ko sa kanila.

Dahan dahan nilang hinugot ang tuwalya mula sa katawan ko.

"Ano ba?!" Tinakpan ko ang bandang ibaba at itaas na bahagi ng katawan ko.

Tapos may sinuot sila sakin, hindi ko alam kung damit ba ito o tela, o kung ano basta wala akong tiwala sa kanila.

Naisip ko si Glaiza kung nandito din kaya sya. Sana naman okay sya.

"Glaiiiiiiiizzzzza." Sigaw ko.

Pero wala akong narinig na sagot.

Wala sya, sana okay sya. Sana. Kahit ako nalang ang maghirap at mawala basta sana okay sya.

Pagkatapos nilang maisuot sakin ang damit na ito, may lumapit sakin at mukhang aalisin na ang piring ko sa mg mata.

"Finally!" Sabi ko sa kanila. Lagot talaga sila sakin. Ipapakulong ko talaga sila pag nakatakas ako dito.

Nang maalis na ang piring ko, saka ako dumilat ng dahan dahan at napanganga nalang ako sa nakita ko dahil confused ako.

_____

( G l a i z a )

May isang lumapit sakin at tinanggal ang takip ko sa bibig.

"Mga bwesit kayo. Ano bang kasalanan ko sainyo para gawin ito sakin? Nasan si Rhian?" Tanong ko kaagad sa kanila.

Wala akong natanggap na sagot.

"Bingi ba kayo?!" Sigaw ko sa kanila.

Maya maya lumapit sakin yong mayroong maingay na heels.

"Just relax." Sabi nya.

Teka, kilala ko sya.

"Solenn?" Tanong ko.

"Ako nga. Now change your undies. Here, take it." Sabi nya at binigay sakin ang bra at panty.

"How could you do this to me? Anong kasalanan ko sayo? Tsaka nangbabastos ka ba? Nakita mo ng may suot na ako, papalitin mo pa ako." Galit kong sabi sa kanya.

"Your smell is annoying kaya palitan mo na yan and do what I say pagkatapos." She sound authoritative.

"Bahala ka sa buhay mo. Ayoko!" Sagot ko sa kanya.

Bakit ba kailangan kong magbihis? Pakialam nya ba sa amoy ko.

Hindi ako gumalaw at hindi rin sya sumagot.

Maya maya may lumapit sakin at sinubukang tanggalin ang hook ng bra ko.

"Lumayo ka sakin. Ako na!" Sabi ko sa kanya. Wala naman akong choice, kundi sundin sila baka makita pa nila ang lahat sakin kung hindi ko sila sundin. Ang tanong ko lang is bakit?

"Towel." Sabi ko. Tas binigyan naman ako. Kaya nagbihis na kaagad ako.

"Pag ako nakatakas dito, lagot ka talaga sakin Solenn." Sabi ko sa kanya.

Tapos inalalayan nila akong magsuot ng pantalon, at damit.

"Baka lamigin ka, nakakahiya naman sayo." Sabi sakin ni Solenn.

Sinubukan kong hawakan sya, pero hindi ko alam kung san sya nakatayo.

Now I know na hindi dapat ako magtiwala sa kakikilala ko palang, lalo na kay Solenn.

Maya maya, dahan dahang inalis sakin ang takip sa mga mata ko, kaya pagbukas ng mga mata ko, nagulat ako sa nakita ko.

"Please don't be mad at me." Sabi ni Solenn.

I'm so confused right now. Umupo ako sa silya na inupuan ko kanina at tinitigan si Solenn, pati na rin ang suot ko.

*****

Short Update lang muna ha? Pagod si Author eh.

Sana mag enjoy kayo sa pagbabasa sa Chap na ito.

Goodnight po.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon