( R h i a n)
Kasalukuyan akong nagbibihis para humiga na sana, kasi gabi na. Biglang may kumatok sa pinto ko, kay binilisan ko ang pagbihis ko at binuksan ito.
"Oh ate. " Nagulat naman ako kung bakit sya yong nabungaran ko.
"Anong oh ate ka dyan, bakit nakapantulog ka na?" Takang tanong ni ate sakin.
Nagtaka din naman ako sa tanong nya.
"Syempre, matutulog na ako, gabi na diba? Saka maaga pa ako buwas." Sagot ko sa kanya.
"Nakalimutan mo bang may iniwan kang mga salita sakin kanina? Hindi mo na sana ako pinaasa pa." Sabi ni ate na tipong nasaktan.
"Hala si ate. Ano ba kasing sinabi ko kanina. Umayos ka nga, humuhugot ka na naman." Sagot ko sa kanya.
"May lakad diba tayo ngayon, sabi mo sasama ka. Kaya dali na, magbihis ka na dahil sayang ang oras." Sabi niya saka ako tinulak papasok sa kwarto ko.
"Oo nga pala. Sige, wait lang." Sabi ko sa kanya at sinara ang pinto.
Bakit ko ba nakalimutan na may lakad kami. Hay nako.
So yon, nagbihis na ako at lumabas na kaagad. Nagpaalam na si ate kay mama at papa, nagtaka pa nga sila kung bakit kasama ako ni ate, pero nginitian ko lang sila, kaya okay na sila.
Hindi kasi ako mahilig gumimik kaya ganyan sila.
Sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa sinasabing lugar ni ate.
Nakarating kami sa isang resto bar, ito pala yong sinasabi ni ate, parang hindi naman ako nababagay dito, pero wala rin naman akong choice kasi nandito na ako.
Naglakad kami papasok ng bar at may tumawag kay ate, kaya napalingon kami, kumaway ang mga ito at kumaway din si ate at naglakad kami papunta sa kanila.
Nagyakapan sila at pagkatapos pinakilala ako ni ate sa kanila, mga kaibigan pala nya ang mga ito.
"Kat, kapatid mo? Malayong malayo sayo ah." Sabi ng isang kaibigan niya at tumawa pa ito ng malakas.
"Tigilan mo ako ha? Pareho kaming maganda, okay!" Sagot ni ate at itinabi sa mukha ko anv mukha nya.
Napatango nalang ang mga kaibigan nya.
Umorder na ng pagkain ang mga kaibigan nya at drinks na rin.
Nilibot ko ng tingin ang lugar, maganda ito, pero hindi ko lang talaga gusto ang mga ganitong lugar.
Magandang kasama ang mga friends ni ate, pareho pareho silang mga hugotira, kaya natatawa nalanga ko. Maya maya dumating na ang pagkain namin kaya tumahimik na sila at seryosong kumain.
Wow, pagkain lang pala ang magpapatahimik sa kanila eh.
Habang kumakain, biglang nagsalita yong friend ni ate.
"Kat, look." Sabi nito at may tinuro sa may bandang likuran ko.
Napalingon naman si ate at biglang napamura.
"What a Small world." Sabi ni ate.
Kaya napalingon ako para tingnan kung sino ang tinutukoy nila.
"Shit, small world nga!" Ang tanging nasabi ko at lahat sila napatingin sakin.
Pero hindi ako nagpahalata, at nagpakabusy na ulit ako sa pagkain ko.
_____
( G l a i z a )
Kadadating lang namin sa lugar ng kaligayahan, napangiti na kaagad ako.
Pagkapasok namin, napataas ang kilay ko. I like this place. It's so beautiful.
"Do you like it? " Tanong ni Chynna sakin.
"Yes, thank you." Sagot ko sa kanya.
At pumunta na kami sa pinareserve nyang table for us.
Umorder na kaagad kami at habang naghihintay sa order namin, nagkwentohan na rin kami.
"Chynna, kumusta na pala ang buhay mo?" I asked. Hindi kasi kami mahilig magkwentuhan ng seryosong mga bagay, pero ngayon feel ko ang ganitong topic. "
"Seryoso ka? Yan talaga ang tanong mo? "Natatawang sabi nya.
Tumango lang ako at alam nyang seryoso ako.
"Well, ito single pa rin. Tsaka about naman sa company namin, wala akong problem kasi pumunta man ako o hindi sa office, okay lang, basta nagagawa ko ang trabaho ko." She answered at napatango naman ako. Mabuti pa sya, marunong sa pagpapatakbo ng business.
"Kaw, kumusta?" Tanong nya sakin.
"Single din, you know naman na ayoko ng may karelasyon. Sakit sa ulo lang yan. Mas mabuti ang single kasi walang problemahin. "Sagot ko sa kanya.
"Hindi mo pa kasi nakikita ang taong para sayo kaya ganyan sinasabi mo. Basta ako naghihintay lang din ako sa forever ko." Sabi ni Chynna.
Hindi ko na sya sinagot, timing rin naman na dumating na anv pagkain namin. Kaya doon na kami nagfocus.
After naming kumain, umorder kami ng isang bucket ng san mig light. Ganito kasi kami magbonding, at kaligayahan ko rin ito. Ito lang ang gusto kong gawin sa buhay, maglakwatcha, uminom at kahit na ano pa, basta wag lang ang seryosong buhay na nangyayari sakin ngayon.
"Glaiza, lingon ka bilis." Biglang sabi ni Chynna.
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"Basta, I think you'll gonna like it." She said at kumindat sakin.
Kaya napalingon naman ako. Hinanap ng mata ko ang sinasabi nyang magugustuhan ko. At ng makita ko, napatingin ako kay Chynna.
"What a small world. Dito pa talaga kami magkikitang muli." Sabi ko kay Chynna.
"Yeah, right. Baka para talaga kayo sa isa't isa." Sagot sakin ni Chynna.
"Joke ba yan? Kasi kung hindi, lagot ka sakin. Tsaka what happened between me and her is over. " I said.
"Really? Tawagin ko kaya sya." Sabi niya sakin at biglang sumigaw ng "Katrina."
"Shit! "Sinapak ko si Chynna at napalingon sa kinaruruonan ni Katrina.
"Shit!" Mura ko ulit ng may makita akong isang familiar na mukha sa table nila Katrina.
Tiningnan ko sya ng mabuti at inalala kung sino sya.
Sya si Rhian Ramos.
Oh well, napakaliit nga talaga ng mundo, at magkasama pa silang dalawa.
"Natulala ka dyan. In love ka na kay Katrina noh? " Tanong ni Chynna.
"No! Never." Sabi ko sa kanya at uminom.
I guess this will be an interesting night.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.