18

3.6K 66 15
                                    

Nagaalab ang Dibdib ko , Bawat Hakbang ko ay Mabibigat Ramdam ni Vicky ang Galit sa Bawat Hakbang ko papasok sa Lugar kung nasan ang Asawa ko at Ang Ahas nyang babae.

Nang Matanggap ko ang Text ni Vicky at Nang matapos akong umiyak ay Agad ko siyang Tinanong kung saan Hotel iyon , Sinabi kong wag na siyang sumama pero ng Dumating ako ay Nakita ko na agad siya sa Labas ng Hotel. Bakas ang Kaba sa Muka nya.

"Mygod. Sarah Calm Down! What if Hinatid lang Dahil lasing si Felomina?" Pag papakalma ni Vicky sakin.

Mas lalo naman akong Nag init sa narinig.

Lasing? Posible Lasing silang Parehas! Ang isipin kong Mag katabi sila sa kama at sa Sobrang lasing nila ay may nangyayari na sa kanila ay nakakapag pa isip na Gusto kong Pumatay ng Tao.

Hinarap ko ang Isang Staff na nasa Front Desk. Binati nya kami.

"Goodevening ma'am."

Hindi ko siya sinagot bagkus ay Diniretso ko na siya agad ng Tanong.

"Meron bang nag Check in dito na Sebastian Eninalde ang Pangalan?" Mapait pero Galit kong sabi.

Nahalata ata nito ang Galit sa Itsura at Boses ko kaya mabilis itong nag pipindot sa Computer na nasa harapan nya.

Marahan itong Tumingin sakin.

"Yes Ms. He's with Ms Felomina-"

"What room number?" Putol ko sa sinasabi nya.

"I-Im s-Sorry ma'am But We didn't-"

" I said anong Room number nila!?" Sigaw ko. 

"Sarah , Calm Down Please. " Ramdam ko ang paghila sakin ni Vicky pero marahas kong Tinanggal ang pagkakapit nya saking Braso.

Bakas na ang Takot at pagkaka putla sa muka ng Staff.

"S-Sorry ma'am b-bu-"

Hinampas ko ng Malakas ang Front Desk na nasa Harapan ko. Narinig ko pa ang Pagsigaw nila dahil sa Pagkagulat.

"I Said. Anong. Room. Number Nila!?" Galit na Galit kong sabi.

Napayuko ang Staff. May mga Lumapit ng Ibang Staff para kausapin ako pero Hindi ko sila Pinansin.

"Ma'am nakakaistorbo po kayo sa mga naka Check in." Banayad na sabi ng Manager ata nila.

Tinignan ko siya.

"Ako makaka Istorbo? Pano ko sila maiistorbo kung lahat sila ay nasa Kwarto !? Tanga kaba o Bobo!?"

Inawat ulit ako ni Vicky. may Tinatawagan siya sa Cellphone nya pero hindi ko maintindihan kung sino.

Nakita ko ang Gulat sa muka ng Manager nila.

"Ma'am Kung ako po sa inyo aalis na po ako kung ayaw nyo pong tumawag pa kami ng Pulis."

"Edi Ikaw ang Umalis! Oo Sige , Tumawag ka ng Pulis para naman kapag Lumabas na ang asawa ko at ang Kabit nya ay Sila ang Ipapakulong ko kasama ka!" Galit kong sabi.

Hinarap ko ang Staff na Babae na kausap ko kanina.

"Room Number." Binabaan ko na ang Boses ko. Sobra Sobrang pag titimpi ang Ginagawa ko ngayon.

Tumingin siya sa Gilid ko kung nasan ang manager nila maya-maya ay may Tinignan ito sa Computer bago humarap sa akin.

"S-Sa Room number 17 po sa Second Floor." Utal nyang sabi.

Hindi na ako nag salita at Dumiretso agad sa Elevator. Nakita ko ang Pagsunod ni Vicky sakin.

"Anong gagawin mo Sarah?" Kinakabahan nyang tanong.

"Kung anong nararapat Gawin." malamig kong sabi.

nang makarating kamo sa Second floor ay Mabilis kong Hinanap ang Room 17. Nang makita ko ito ay Padabog ko itong Kinalampag.

"Who's There?" Rinig kong Malanding Boses ng Babae.

Nang Bumukas ang pinto ay Bumungad sakin ang naka Tapis ng Twalya na si Felomina. Halata ang Gulat sa muka nya ng Makita ako pero mayamaya ay Nakita ko ang Maliit na ngisi sa Kanyang Labi.

Muling nag alab ang Galit sa Dibdib ko.

"Bitch!" Rinig kong sabi ni Victoria.

"Where's my Husband?" Malamig kong sabi.

"Oh? Si Seven ? nasa Banyo pa-"

Hindi na niya natuloy ang Pagsasalita ng Mabilis ko siyang Tinulak para umalis sa dadaanan ko. narinig ko pa ang Aray nito dahil sa Pag Hulog sa Sahig.

Papasok sana ako sa Kwarto ng May Lumabas don.

"Mina Who's Ther-" Nang Iangat ni Seven ang Kanyang mata saki  ay nanlalaki ito . Hindi makapaniwala nandon ako sa harapan nya at nahuli ko sila.

Napatingin ako sa Kanya. Naka Boxer Short lang siya at Mukang kaliligo lang.

"L-Love what are-"

Isang Malakas na sampal ang Ibinigay ko sa Kanya.

"Putangina mo Sebastian!" Galit na Galit kong Sigaw.

Hiningal  pako sa Ginawa ko. Nang maka bawi siya sa nangyari ay Pilit nya akong Inaabot pero Umiwas ako.

"Asshole! Napaka walanghiya mo! Pinagkatiwalaan kita pero Ito lang ang Gagawin mo sakin? Tangina Seven! Ginago moko!" Ang Butil ng aking Luha ay Pumatak. Halos mag Sikip ang Puso ko lalo na ng makita ko ang Takot sa Muka nya.

No! Niloko ka nya.

"All this Time. Hindi pa pala ako Ang Lubos mong Mahal! Dahil Hanggang Ngayon yang Putanginang Babae padin na yan ang Gusto mo!" Turo ko kay Mina na Masama ang Tingin sakin.

"No Love. Pakinggan moko , It's not what you think Love ..-" Nanginginig ang Boses nya.

Umiling-Iling ako sa Kanya at Pinunasan ang Luha na walang Sawang Umaagos sakin Mga Mata.

"T-Tama na Seven. S-Sobrang sakit na. S-Sobra kana..  Mag H-Hiwalay nalang tayo.." Sabi ko at Tsaka siya Tinalikuran.

-

Sarah Maldita II (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon