3rd Person.Lumipas pa ang ilang araw , Hanggang sa Dumating ang kaarawan ng ama nila Sandra at Sarah. Busy ang buong katulong dahil sa mangyayaring Party mamaya.
Medyo mag kakaroon din kasi ng Bonggang Birthday dahil makalipas ang ilang taon ngayon lang sila nag saya ng wala si Sarah.
Alas Otso ng Gabi gaganapin ang naturang birthday party. Imbitado ang mga kilalang Negosyante at Iba pang mga Businessman at Business woman.
Alas singko ng hapon ng Dumating sila Sandra sa Bahay ng Kanilang magulang. Gusto kasi nitong tumulong kahit sa pag aayos ng susuotin ng mga magulang.
"Anong theme ng party mommy?" Tanong ni Sandra sa Ina habang tinitignan ang mga naka latag na mga damit sa kama.
" Formal lang anak. " Sagot ng kanyang ina.
Hindi na nag salita si Sandra Bagkus ay Pinili na nya ng Damit na susuotin ang Ina.
Sa labas naman ng Bahay ay Anak ni Sandra na tuwang tuwa dahil sa dami ng nakasabit Lobo. Humagalpak pa ito ng tawa tuwing may Pumuputok.
"Look Daddy yung balloon pumutok." Humagikgik ang batang si Reign.
Umiling naman ang Kanyang Daddy Habang Tumatawa.
" What's Funny baby?"
" Ayaw nila kay Lolo at Lola." Natatawang sabi nito. " Kasi naman e. They're Old na tapos may Balloons pa!" Sabag tawa ulit nito.
Natawa nalang si Justine sa Inaakto ng Anak. Pero ng makita nya ang Oras ay niyaya na nya itong pumasok sa Loob para makapag Bihis.
Nakita ni Sandra ang papasok na anak kaya naman agad nya itong Tinawag.
"Hon , Baby. Let's go! mag bihis na tayo 7:00 na." Tawag nya dito.
Kumaway naman ang anak nya sa kanya habang karga ng asawa.
Nang Sumapit ang Alas Otso ng Gabi ay Napakarami ng Tao , Maluwag naman ang Kanilang Garden kaya hindi masikip ang Venue.
Ang Lalaking Valineger at Babae ay Agad sinalubong ang mga bisita para i-welcome. Napaka kaganda ng party , hindi lang basta isang pangkaraniwang.
Nasa party din ang mga kaibigan ni Sarah na si Victoria at Gwen kasama ang kanilang mga anak at asawa binati ni si Mr Valineger ng Happy Birthday bago sila Umupo sa kanilang Upuan.
Si Sandra naman ay kasunod ng kanyang magulang kasama ang Asawa at si Reign , bawat negosyante o bisita ay ipinakikila sila ng ama.
"Mr. Corpus this is my daughter , Sandra." Pakilala ng ama "And her husband and daughter, Justine and Reign."
Nakangiting nakipag kamay ang Pamilya nya ganon din ang batang si Reign
Nang dumating ang oras ng pag papasalamat para sa mga dumalo ay tinawag na si Mr Valineger kasama ang pamilya nito.
" Goodevening everyone , Lubos po akong nagpapasalamat a inyong pag dating sa special kong kaarawan. Just enjoy the night thankyou so much." Sabi ni Mr Valineger.
Nang Ihain ang pagkain ay tsaka lamang Dumating si Sebastian Vohn Eninalde. Naging extra popular ito sa party dahil nadin sa pagiging sikat nitong Business man marami ang gustong lumapit dito pero ito ay agad dumiretso sa Table ng kanyang Biyenan.
Naka suot ito ng isang Itim na Suit , kita ang malalaking katawan nito dahil sa hapit nito. Napaka gwapo ng lalaki ngayon gabi , bakas din sa mga babaeng dalaga ang pag kamangha nila sa lalaki.
"Happy birthday papa." Bati nya sa lalaki. Malamig man ang boses mahahalata mo naman sincere ito.
Nakatingin sa kanya ang buong pamilya , pati si Reign ay tuwang tuwa ng makita si Seven , kaya naman umupo si seven katabi nito.
Ilang minuto pa ang lumipas , Tahimik pa ang party dahil kumakain pa ang mga bisita.
Ngunit naging maingay ang lahat ng may dumating na hindi ni inaasahan bisita.
-
Guess who? Don't vorget to Vote!
BINABASA MO ANG
Sarah Maldita II (COMPLETED)
HumorAnother Year, Another Smile, Another Tear, Another Happiness, But there Can never be Another You. - SARAH. SARAH MALDITA Part 2. ?