Epilogue

4.8K 54 2
                                    

Picture ni Sarah na buntis! 👆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Picture ni Sarah na buntis! 👆


Seven pov.

Paano nga ba nasusukat ang pagmamahal mo sa isang tao? sa pag bibigay ba ng mga gamit at sa mga pagbibigay ng rose at chocolate?

Ako kasi hindi ako ganon.

When you love someone hindi mo susukatin ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya , dahil kung mahal mo ang isang tao kusa ka nalang mapapagawa ng mga bagay na alam mong mamahalin ka din nya.

Yan yung nagawa ko ng makilala ko si Sarah , hindi man siya yung babaeng madaling suyuin hindi man siya yung babaeng malambing okay lang. Kasi sa bawat simpleng gawa nya para sakin nararamdaman ko ang pag mamahal na binibigay nya sakin.

I was so stupid ng sabihin ko sa kanya ang tungkol kay mina. Hindi ko manlang naisip na asawa ko siya na kahit sinong babaeng lumapit sakin ay pagseselosan nya. I was so scared ng iwan nya ako sa pangalawang beses. Nung una palang ay halos mabaliw na ako pano pa kaya nung pangalawa.

I thought wala na akong babalikan nung una nya akong iwan pero ng balikan nya ako ay hindi ko na siya pinakawalan.

She's my dream girl.

Yung para bang tuwing nandyan siya ay ang swerte-swerte ko. Parang siya yung lucky charm ng buhah ko. When we get married ako na ata ang pinaka maswerte sa lahat dahil bukod sa pinakasalan nya ako. Sakin nya lang binigay ang kanyang puso. Kaya naman sobrang tanga ko ng dumating nanaman kami sa puntong nag kahiwalay kami.

Oras palang ng wala siya ay sobra na akonv nagungulila , bakla man pakinggan pero hindi ko kaya ng wala siya.

Kaya eto ako ngayon alipin nya sa lahat ng gusto nya.

"Sebastian!!!!!!!!!!!!" Halos maibato ko ang hawak kong plato dahil sa sigaw ni Sarah. Iniwan ko ang mga platong hinuhugasan ko at mabilis na tumakbo sa kanya.

Naabutan ko itong nayuko sa kama namin habang ang katawan ay nasa lapag.

"What the hell ! what happened to you love!?" I'm so scared lalo na ng makita ko ang mga kamay nyang naka sapo sa napaka laki nyang tiyan.

Kabuwanan nya na ngayon kaya doble ingat kami sa mga ginagawa namin.

"Tangina Seven! Can't you see? manganganak nako!!!!" Galit nyang sigaw ng tumingin sakin.

Ang luha sa kanyang mga mata ay nag mistulang gripo dahil sa dire-diretsong pag patak ng luha nya. Para bang pinipiga ang puso ko sa twing nakikita siyang umiiyak.

Agad akong lumapit sa kanya para sana kargahin siya ngunit sinampal nya ang aking kamay.

" Tawagin mo si daddy! " Umiiyak nyang sigaw.

"What? sa hospital ko na tatawagan ang pamilya mo Sarah! manganganak kana't lahat ayaw mo padin na hahawakan kita! baka lumabas ang anak natin ng wala sa oras!" Nag pa-panic kong sabi.

Sarah Maldita II (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon