Sarah Pov.Nagising ako kinabukasan na para bang may kulang , agad akong bumangon para tignan kung meron na akong katabi sa higaan ngunit waka. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa labis na pag iyak kagabi.
Nasan na siya? wala paba?
Siguro nasa baba lang? kumakain o kaya ay kasama si Zhavia sa labas ng garden?
Ngumiti ako at agad nag isip ng mga positibong bagay , he loves me so ibig sabihin mag s-stay siya , babalikan nya ako.
Pumasok ako sa aking CR para maligo , ngayong araw kailangan konv maging masaya , dahil ngayon I'll show my love for him.
Nang matapos akong maligo ay agad akong bumaba ng kwarto , simple lang ang bahah. Tahimik pa ng makababa ako alas sais palang ng umaga kaya alam kong tulog pa ang iba.
"Goodmorning daddy." Bati ko kag daddy ng makita ko sa sala habang nag babasa siya ng news paper.
Nag angat siya ng tingin sakin at ng makitang naroon ako ay ngumiti siya at itinuro ang upuan sa harapan nya. Mabilis naman akong umupo
"How's your sleep?" He asked.
Maliit akong ngumiti , dahil sa totoo lang hindi ako okay kagabi ng natulog ako.
"Okay naman daddy.."
Binaba nya ang news paper na hawak nya at tinignan ako ng mabuti.
" I saw seven last night , he's leaving. Saan siya pumunta?"
Bahagya akong nagulat sa kanyang tanong kaya napaayos ako ng upo.
"W-wala pa ba siya daddy?"
Umiling si daddy.
''Don't worry , baka mamaya ay nandito nayon. " He said.
Tumango at ngumiti.
"Siguro nga po , baka tulog pa hanggang ngayon. "
" May nangyari ba kagabi ha? may problema ba?" Tanong nyang muli.
Napaiwas ako ng tingin. Kahit anong iwas ko alam kong itatanong nya iyan dahil sa kilos at pamamaga ng aking mata.
Umiling ako.
"Daddy , you think mali ang ginawa ko kagabi?"
"Why? what did you do?"
" Pinaalis ko si seven.. and i think .. mali ang ginawa ko." Mahina kong sabi.
Tumahimik si Daddy at sumimsim sa kanyang kape , nang ibaba nya ang kape ay umayos siya ng upo.
" Yes anak , mali ang ginawa mo dahil may mga bagay na mas magandang pag usapan kaysa paalisin diba? "
Tumango ako.
" I made a reckless decision again, parang inulat ko nanaman ang karaan. " Malungkot kong sabi.
Hinawakan ni daddy ang aking kamay.
" Mahal ka ni seven anak , wag mong pag dududahan ang pag mamahal nya sayo , dahil nung umipisa palang pinakita nya na iyon sayo pati narin sa amin , we're happy dahil alam namin ng mommy na oras na mawala kami ay mag aalaga na sa inyo ni Sandra , at yun ang mga asawa nyo."
"Pero bakit ako dad ... hindi ko makita ang pag mamahal na nakikita nyo na ibinibigay ni seven sakin? Daddy pinagdududahan ko ang pagmamahal niya sakin.." Nangilid ang luha saking mata. Ang sakit isipin na ganto ako sa kanya , pero siya ayon at labis ang oag mamahal sakin ngunit pinag dudahan ko pa.
"Alam kong mahirap kalimutan ang nangyari noong nakaraan , pero mali ang ginawa mong decision anak. Lahat ng mag asawa ay dumadating sa ganyan problema ngunit dapat alam nyo kung paano maayos ang lahat dahil anak kahit kaila hindi sagot ang pag alis at pangiiwan sa problema. "
"I was so hurt that time dad , pumasok sa isip ko na hindi ako sapat para sa kanya na kailangan kong malaman kung ano pabang kulang sakin."
Ngumiti si daddy.
"You're perfect. I hope you'll know that , he's lucky to have you , you have a good heart anak. "
Tumulo ang luha saking mata. Akala ko ay ubos na ito ngunit heto nanaman siya.
Sumapit ang Tanghalian at wala padin si seven , kanina pa tanong ng tanong si Zhavia kung nasan si seven ngunit wala akong maisagot.
"What time siya pupunta mommy?" tanong ni Zhavia.
Inayos ko ang suot na salamin.
"I don't know baby , siguro maya-maya ay nandito na ang daddy mo." Ngiti ko.
"Mommy , malapit na birthday natin dalawa right?"
Tumango.
"Yes , why may gusto kaba para sa birthday mo? do you want a big birthday party? or a swimming pool party?" Tanong ko.
Umiling ito.
"I don't want that mom , wala pa akong masyadong friends dito. "
"So anong gusto mo?"
"hmm , I want to travel with you and with dad , punta tayo sa Disneyland. " Nakangiti nyang sabi.
Ngumiti ako.
"Oh , i like that. Okay sasabihin ko sa daddy mo mamaya pag punta , kailangan na nating makapag book ng flight."
Zhavia was so happy. She's so excited dahil ito ang unang pag kakataon na mag sasama sama kami.
Dumating ang kinagibahan wala padin si Seven , nag kakatinginan na kami ni daddy ngunit lagi nya akong nginingitian at sinasabi na pupunta din yon.
Ti-nry kong tawagan ang secretary nya dahil alas dies na ng gabi , tulog na si zhavia saking tabi.
"Hello?"
[ Yes po ms. eninalde? ]
" I just want to ask kung nandyan pa sa office si Seven?"
[ Ah? wala po siya madam , naka leave po si Sir , sabi nya po nung isang araw ay mag babakasyon po daw kayo kaya po mag le-leave siya , hindi po siya pumasok ngayon madam.]
"Ah Okay thank you."
Nang maibaba ko ang tawag ay halos humagulgol ako , nasan na siya? bakit wala pa siya.
I tried to call him but his phone is off.
"Oh god please." Umiiyak kong sabi.
Nag pabalik balik ako sa labas ng bahay hanggang sa mag alas dos ng madaling araw , pilit na akong pinapasok ni Sandra , halos sampalin nya pa ako ng umiyak ako sa harapan niya.
"Oh my god Sarah , wala pa siyang dalawang araw na nawawala , wag kang tanga. Muka kang gago dyan sa labas kakahintay at umiiyak kapa! Matulog kana , bukas nandito na iyon. Tingin mo ay hindi yon pupunta? Baliw! Mahal ka non kaya imposibleng hindi yon pupunta dito." Galit nyang sabi.
Wala akong ngawa kundi ang Pumasok sa kwarto at mahiga sa kama. Siguro nag oalamig lang iyon , siguro bukas nandito na iyon. Mahal nya ako kaya babalik siya.
Babalik siya Sarah , wag kang mag alala. Aalis pa kayo kaya babalik siya.
Nakatulog ako sa pagod , inalis ko muna ang isipin para bukas.
-
BINABASA MO ANG
Sarah Maldita II (COMPLETED)
HumorAnother Year, Another Smile, Another Tear, Another Happiness, But there Can never be Another You. - SARAH. SARAH MALDITA Part 2. ?