Welcome back Sarah!
SARAH Pov.
Hawak ko ang baso ng Whiskey at tahimik na naka tanaw sa magandang tanawin dito sa tagaytay. Nang makauwi ako galing ibang bansa ay dito ako nanatili , mas pinili kong dumito kaysa sa manila.
Ilang taon nga ba akong nawala? Halos pitong taon din. pero sa pitong taon na iyon madami ng nag bago sakin. Natuto akong mag isa , tumayo gamit ang sariling pera at mamuhay sa pamamagitan ng aking sarili.
Nang gabing iyon ay umalis agad ako ng Bansa para pumunta sa US , mabilis na asikaso anv passport ko dahil nadin sa pera na binayad ko.
Huminga ako ng malalim para alalahin ang nangyari noon , Nabalitaan kong patay na ako dito sa pilipinas. Lumabas iyon sa isang Website sikat ang Pamilya ko kaya ang mga balita ay agad nakukuha para ikalat sa lahat.
Sa totoo lang gusto ko nang umuwi ng mga oras na iyon , hindi ko mapigilan ang hindi masaktan ng makita ko ang litrato ng mga magulang ko habang umiiyak sa harapan ng isang bangkay na hindi naman talaga ako.
Ang babaeng iyon ay si Tamara , Siya ang nag ayos ng lahat sakin bago ako umalis , dahil hindi ko naman dala ang lahat ng Cash ko ay ibinigay ko sa kanya ang wallet at kwintas ko at iyon ang ipinang bayad sa kanya. gustuhin ko man kumuha ng pera sa bangko ay hindi ko na nagawa dahil malapit ng umalis ang eroplano na sasakyan ko.
Mugto ang aking mga mata ng makarating ako sa US , Isang Credit card lang ang aking dala na pwede sa lahat ng bansa.
Marami akong napagdaanan bago ko makuha ang trabaho ko bilang isang Executive Assistant ng isang nagmamayari ng malaking company sa US dahil nadin sa kaalaman at galing ko sa mga bagay ay Tumaas agad ang Posisyon ko.
Si Charles David Oxy. Ang boss kong naging matalil kong kaibigan , Siya ang tumulong sakin para maka bangon sa hirap na dinanas ko ng umalis ako ng bansa.
"I want to help." Iyan lagi ang sinasabi nya kapag may mga bagay siyang binibigay sakin.
Isa siyang Half Filipino dahil ang kanyang Ina ay Taga pilipinas , Nagpupunta siya dito minsan sa pilipinas kapag may kailangan asikasuhin ang Company nila na nadito , ang Daddy nya ay patay na at ang Mommy nya ay may Pamilya na dito sa pilipinas. Minsan gusto nya akong isama dito sa pilipinas para pumasyal sa pamilya ko pero lagi akong tumatanggi.
Hanggang sa Dumating ang araw na inakala ng lahat na wala na ako. Umuwi kaming dalawa sa pilipinas para pumunta kung saan naka burol ang Inaakala nilang ako. Gusto kong Pumasok sa loob at sabihin na buhay ako.
Pero nang makita ko ang Nakangiting Muka ni Sebastian ay nag paalab ng galit sa akin dibdib. Bakit? masaya siya na wala na ako na patay na ako kaya naman ngiting-ngiti siya habang ako ay nakaburol!
Ang Balak kong Pag pasok sa loob ay Hindi na natuloy , Umalis ako doon ng may poot ang puso.
Kung yan ang gusto nyong paniwalaan bahala kayo! Ako , Mamumuhay ng tahimik at hindi na muling mag papakita pa sa inyo kailanman.
-
#11 in Humor! Yehey! 💜
BINABASA MO ANG
Sarah Maldita II (COMPLETED)
HumorAnother Year, Another Smile, Another Tear, Another Happiness, But there Can never be Another You. - SARAH. SARAH MALDITA Part 2. ?