Chapter 1 (Special Case:Dayukdok Bandits)

1K 16 2
                                    


This is a work of fiction.Names,characters,
business,places and events are product of authors imagination.
Any resemblance of actual person living or dead and actual events are coincidental.
Never published without the authors permission.
Thank you.

Naputol ang tulog ni Red dahil sa kariring ng kanyang cellphone kaya tamad niyang kinuha ito sa mini table.

"Hello."

"Red, I need you to the office right now" saad ni Mr.Oh.

Si Mr.Oh ay director ng agency kung saan siya nagtatrabaho bilang detective.

"Copy that sir."

Mabilis na umalis siya sa kama at tinungo ang banyo. Matapos maligo ay lumabas siya ng kwarto at nadatnan niya ang girlfriend na si Louise na nagkukumahog sa kusina. Niyakap niya ang babae mula sa likod.

"Good morning love" bati niya rito.

"Hmm..morning. Breakfast?"

"Nope. Pinatawag ako sa opisina kaya kailangan ko magmadali. Sorry kung hindi na kita maihatid."

"It's okay, I can grab a taxi."

"Alright. Bye, I have to go."

Isang mabilis na  halik sa labi ang iginawad niya rito bago lumabas ng pinto.

They were live-in for almost five months now. Payag naman ang kani kanilang magulang tungkol dito. Louise is an elementary teacher mahinhin ito, maganda at napakaunderstanding.

Para sa kanya si Louise ang tipong babae na mamahalin mo hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa taglay nitong kabaitan. Nang makarating siya sa first class building ay mabilis siyang pinapasok ng security guard.

Nakasabay niya pa papasok ang isang kasamahan na detective, si Dante isang baguhan sa Agila. Alyas lamang ang ginagamit nito pero ang totoo talagang pangalan nito ay James Silvestre.

Sa katunayan isa silang high class undercover agents na pinamumunuan ni Mr.Oh ang director ng Agila,ang pangalan ng agency nila. Ang Agila ay isang private investigation services.

"Good morning boys!" halakhak nito nang makita sila.

"Good morning Mr.Oh" tugon nila.

"Maupo kayo."

Nang makaupo sa mahabang sofa ay binalingan sila ng matabang director.

"Ipinatawag ko kayo dahil I wanted both of you to work in a special case given by the police."

"Anong klaseng kaso sir?"

"Robbery."

"Robbery lang naman pala sir bakit niyo pa tinanggap? I bet kaya na naman iyon ng mga kapulisan" walang kagatol gatol na saad ni Red.

"I know pero hindi ito simpleng pagnanakaw lang Red. Dahil ninakaw ay ang mga delikadong baril ng mga police."

"Sa pagkakaalam ko nakaimbak ito sa isang secured place sir?" ani Dante.

"Yes, but apparently ay nahighjack ang sasakyan ng mga pulis habang ililipat sana sa bagong lugar. So gentlemen I wanted you to look into this bandits who were responsible in this case."

"Pwede ba namin makita ang detalye ng nakawan sir?" saad ni Red.

Ibinigay ng director sa kanila ang mga papel kung saan nakadetalye ang petsa at lugar ng pinangyarihan.

"Dante, gusto ko pumunta ka sa istasyon ng pulis at humingi ka ng karagdagang impormasyon" utos ni Red rito.

"Yes sir."

Tumango siya rito at mabilis na kinuha ang susi ng kotse at pinasibad ito sa lugar kung saan mismo nangyari ang highjacking. Nagmanman muna si Red sa paligid.

Luminga linga siya at nakita niya ang bagay na kailangan. May CCTV  camera sa isang tapat na establishimento. Agad niya itong pinuntahan.

"Good morning sir, pwede ko ba makita ang CCTV footage ninyo last Saturday?"

"Sino po sila?"

"Agent Sandecker."

Pinakita sa kaniya ang CCTV footage pero wala naman siyang napansin na kakaiba na maglilead sa kanila sa kaso. Humingi siya ng copy sa CCTV footage at nagdesisyon na pag-aralan ito sa office sa Agila.

________________________________________

Pinanood ulit ni Red ang footage at may napansin siya. Ang isang lalake na kasama sa highjacking ay may tattoo  na bungo sa braso.

"Hmmm...Saan ko ba nakita ang tattoo na ito?" kausap ni Red sa sarili.

"Sir, nakuha ko na ang ibang impormasyon sa mga pulisya pero I don't think na makakatulong ito sa kaso" ani Dante na nakabalik na pala.

"Hayaan mo na. Anyway, Dante I wanted you to look a tattoo like this. May nakita ka bang ganito na tattoo?Nakita ko na ito but I just forgot where I saw this."

"Hindi pamilyar sa akin ang tattoo na bungo pero may alam akong site para malaman natin agad."

Mabilis na lumapit si Dante sa kinaroroonan niya at may kung anong kinulikot sa computer then mayamaya pa tumambad na sa kanila ang iba't ibang uri ng tattoo.

He scroll down at hindi kalaunan ay nakita din nila ang bungo na tattoo. Base sa site ay marka ito ng isang samahan na tinatawag na Dayukdok Bandits na katumbas ng salitang gutom na gutom.

Gustong matawa ni Red sa pangalan ng grupo pero alam niyang delikadong grupo ito at mahihirapan sila malocate ang pinagtataguan ng mga ito.

"Paano mo nalaman ang site na 'yan?" tanong niya kay Dante.

"Isa akong mahusay na hacker bago pa maging miyembro ng Agila."

"I see. Bueno! Ang kailangan na lang natin ngayon ay ang exact location ng mga Dayukdok Bandits."

Lumipas ang tatlong araw ay nagkaroon sila Red ng informante na nakakita sa mga Dayukdok. Agad pinuntahan nila ang nasabing informante. Itinuro ito ang address ng isang abandonadong establishimento.

Madilim na nang marating nila ang lugar na itinuro ng informante na mas naging advantage sa kanila kumilos ng hindi nahahalata. Minanmanan muna nila ang buong lugar upang makasigurado na tama nga ang lokasyon na binigay sa kanila ng informante.

Hindi naglaon ay may dumating na truck na may nakapaskil na bungo sa labas. Kumuha si Red ng telescope at tiningnan ang mga dumating at tama nga sila pugad na nga ito ng mga Dayukdok.

"Dante, you can fight right?" baling ni Red sa kasama.

Tumango ito. Sininyasan niya ito na mauuna siya sa pagpasok. May kanya kanyang baril sila ng lalake kaya alam nila na makakalaban sila. Mabilis na nagkubli sa mga damuhan sina Red at Dante na nakasunod dito.

Mayamaya may namataan si Red na isang guwardiya sa pinto. Dahan dahan siyang pumunta sa likuran nito bago ito dinaluhong at malakas na sinuntok. Sunod ay pumunta naman si Red sa control room para patayin ang connection ng kuryente. Mabilis nilang isinuot ang mga dalang night vision goggles upang makakita sila sa dilim.

Nang mamatay ang mga ilaw ay nagsimula na silang kumilos.

Hinanap nila kung saan itinago ng Dayukdok ang mga baril. Hindi kalaunan ay napansin na din sila ng kaaway kaya nagkaroon na sila nang palitan ng putok.

Dalawa lang sila kontra sa miyembro ng Dayukdok pero para ano pa at naging miyebro sila ng Agila.They were trained to fight.

Ilang oras din ang ginugol nila para tuluyang mapabagsak ang mga miyembro ng Dayukdok. Nang matagpuan nila Red ang mga baril ay mabilis siyang tumawag sa director para magpadala ng back-up.

Matapos ay naturned-over nila ang mga baril sa pulisya.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon