Chapter 34 (Behind the Scar)

152 3 0
                                    


Sa sumunod na araw ay nagsimula ng magtrabaho si Venus sa law firm. Buong araw siyang nagbabasa ng mga kaso na ipinapadala sa kanila para bigyan ng abogado.

Sanay naman siya sa ginagawa dahil hindi malayo ang trabaho niya sa Agila.

"Dante,pakitimpla nga ako ng juice please."

"Sige Ms.Venus."

Ilang saglit pa ay may kumatok.

"Come in" saad niya.

"Tama nga pala ang sinabi nila ikaw na pala ang bagong boss rito."

"Lileth?"

"It's nice to see you Thea."

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Bakit bumalik ka pa ha?"

"Bakit? Natatakot ka dahil ako na ang nakakasama ni TJ sa bahay o baka mawalan ka ng pagkukunan ng mga luho mo?"

"Malaki na pala ang ipinagbago mo. Dati mukha ka lang basahan."

"Lahat nagbabago Lileth. Nga pala baka gusto mong sumama sa akin magshopping para mabilhan naman kita ng mga bagong damit. You know binigyan kasi ako ng malaking pera ni TJ sayang naman hindi ko magamit."

"No thanks but I have money. Nga pala dinalaw lang talaga kita aalis na rin ako. At isa pa pala sa akin natulog ang asawa mo noong nakaraang gabi. Bye Thea, see 'ya."

Hayop na TJ hindi parin pala nagbabago, pero wala siyang pakialam kung saan man matulog si TJ ang tanging iniisip ni Venus ay kung saan tinatago ng lalake ang mga documents para matapos na ang misyon niya.

Pagod na pagod siya sa pag-uwi sa condo kaya pinagmaneho niya muna sa kotse si Dante. Binigyan si Venus ng kotse ni TJ. It was red BMW.

"Iidlip lang ako saglit Dante gisingin mo na lang ako kapag nasa condo na tayo."

"Sige Ms.Venus."

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang gabing iyon ay hindi na naman umuwi si TJ katwiran ng binata ay nasa trabaho ito.

"Dante may nahanap ka na ba?"

"Wala pa nga Ms.Venus."

"Hindi ba alam mo maghack? Halika gusto kong buksan mo ang code dito sa study room ni TJ."

"I'll try."

Marami pang kinulikot si Dante bago mabuksan ang pinto ng study room ni TJ. May nag-iisang mesa rito na napapaligiran ng book shelf.

"Dante, simulan mo na ang paghahanap. Dyan ka sa bookshelf ako dito sa mesa" ani Venus.

Ilang oras ang iginugol nila sa paghahanap sa bawat files pero hindi nila ito mahanap. Hanggang may isang drawer ang nakalock.

"Dante, I guess I found the documents. Nasa drawer rito" saad ni Venus.

"Guys, paparating na si TJ" ani Red sa kabilang linya.

"Shit! Talaga bang may lahing kabute iyang si TJ kung kailan malapit na natin makuha ang mga dokumento ay saka naman niyang sulpot" inis na sabi ng dalaga.

"Bilisan niyo dyan malapit na siya sa unit!" sigaw ni Red.

"Nakikita mo naman ang ginagawa namin 'di ba, nagkukumahog na nga kami dito!" sigaw din pabalik ni Venus.

At sa kabutihang palad ay nagawa naman nilang ayusin lahat ng files sa mesa at lumabas ng study room ng hindi naabutan ni TJ.

Nagkunwaring tulog si Venus pagdating sa kwarto. Kahit ang totoo ay hingal na hingal siya sa kakatakbo para makapunta sa kwarto.

Naramdaman niyang humiga sa tabi niya si TJ saka siya niyakap. Kahit papaano ay nakatulog si Venus ng hindi binibigwasan ang katabing asawa.

◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

Kinabukasan paglabas ng kwarto ng dalaga ay nakabihis na si TJ.

"Maaga kang papasok?"

"May problema sa isa kong negosyo kaya kailangan ko ng umalis."

Hinalikan siya nito sa labi. Pinigilan ni Venus ang sarili na hindi masuka sa paghalik nito.

Pagkatapos niyang maligo ay naghubad siya sa harap ng salamin. Hinawakan niya ang peklat sa kanang bahagi ng kanyang dibdib hinaplos niya iyon habang pikit ang mga mata.

*flashback*

Hindi na natiis ni Thea ang pambababoy sa kanya ng asawa.
Maagang natulog siya nang araw na iyon dahil pinagbuhatan na naman siya ni TJ ng kamay kanina ng magkamali siya ng dala rito ng dokumento.

Naalimpungatan siya nang makarinig na mahihinang ungol sa kabilang kwarto. Lumabas siya para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.

"Aah...Lileth you are really so good in bed" narinig niyang anas ni TJ.

"Syempre TJ hindi naman ako katulad ng manang mong asawa."

Sa labis na galit ni Thea ay mabilis niyang binuksan ang pinto at naabutan niya si Lileth on top of her husband. Umiiyak na sinugod niya ang dalawa.

"Mga hayop kayo! Dito pa talaga sa bahay niyo 'yan ginawa! Hindi na kayo nahiya sa akin lalong lalo ka na Lileth!" sinabunutan niya ang babae.

"Bitiwan mo nga ako Thea!" itinulak siya nito kaya napaupo siya sa sahig.

"Tama na iyan Thea! Ako parin ang may-ari ng bahay na ito at ako ang magdesisyon kung ano ang gusto kong gawin sa pamamahay na ito!" bulyaw ni TJ.

"Ganyan ka na ba talaga ka walang hiya TJ!"

"Lumabas ka dito ngayon din Thea!Labas!" pagtataboy ni TJ.

Nagdesisyon si Thea na umalis na ng bahay dahil hindi niya na kaya ang pinagagawa sa kanya ni TJ. Nagpalaboy laboy siya sa daan ng may huminto na SUV sa tapat niya hanggang basta na lang siya binaril ng nakabonet na lalake.

*end of flashback*

Idinilat ni Venus ang mga mata and realization hits her. Mabilis na tiningnan ni Venus ang direksyon ng camera kung saan nakatago ito sa headboard ng kama. Mabilis niyang isinuot ang roba at pumunta sa katabing unit.

Napangisi si Red sa nakitang galit sa pagmumukha ni Venus inaasahan niya na susugurin siya ng babae. He heard the doorbell.

Binuksan niya na ang pinto bago pa sirain ni Venus ang doorbell ng unit niya.

"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Red rito.

"Pwede ba Red alam kong alam mo kung bakit ako nandito" galit na saad ng babae.

"Ewan ko" nagkibit balikat si Red rito.

"Bwisit ka talaga Red aamin ka o sisirain ko iyan mukha mo!"

"Ano ba ang aaminin ko sayo?" kumunot ang noo niya rito.

"Na binobosohan mo ako!" she said through greeted teeth.

"Ikaw ang pabaya Venus sino ba may sabi sayo na maghubad ka gayong alam mo naman na may camera sa kwarto ninyo ni TJ."

"Pero bakit mo tiningnan?!"

"At bakit hindi? Alam mong minomonitor ko ang camera. Isa pa wala ka naman dapat ikahiya dahil nakita ko na lahat 'yan" tiningnan ni Red ang babae.

"You!" isang sampal ang pinadapo ni Venus sa pisngi ng binata.

Nasapo ni Red ang pisngi na sinampal ni Venus.

A/N:
Whoa!😆

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon