Sensitive scene follows. You can skip.Kinabukasan dahil Sunday nakaoff duty sina Red at Dante nagpaalam muna sila sa pamunuan ng Poseidon para pumunta saglit sa siyudad.
Inimbita kasi sila ni Castillo sa isang engagement party dahil magpapakasal na pala ito at si Katherine.
Umuwi saglit sa bahay si Red para magbihis. Isang white polo na pinatungan niya ng dark blue suit with burlywood colored pants ang napili niyang suotin at pinares niya ang Paul Newman Rolex na wrist watch.
Samantala isang strapless black evening gown naman ang napiling suotin ni Venus at white two inch stilletos. Earrings lang ang kanyang napiling accessory.
Isang busina ang narinig niya sa labas. Nang lumabas siya napangiti siya nang makita ang kotse ni Red. Agad niyang binuksan ang pinto sa gilid nito.
Napansin niya kung gaano mas naging gwapo ito sa suot. Medyo cluttered ang pagkakaayos ng buhok nito pero mas dumagdag ang appeal nito.
"Are you done checking me out?" taas kilay na saad ni Red.
"I just love your look tonight."
"Salamat, tara na?"
Tumango siya rito. Nang makarating sila marami rami na ang bisita.
"Hello couples" bati ni Venus kina Castillo at Katherine.
"Buti naman nakarating kayo. Akala ko hindi na dahil sa may kanya kanya kayong misyon" ani Castillo.
"Pwede ba naman iyon Castillo. We are a team, remember?" saad ni Red.
Dinala sila ni Castillo sa table ng mga ito at naroon din sina Dante at Denisse.
"Sige na kumain na kayo and were having a drinking session later buddies" palatak ni Castillo.
"At sino magbubuhat sayo? Ako?" pagtataray ni Katherine.
"Hahaha pwede din."
At tulad nga ng napag-usapan nagkaroon ang team nila ng drinking session.
"Okay everyone name your drinks!" anunsyo ni Katherine.
"Raspberry Margarita" ani Denisse.
"Beer" saad ni Dante.
"Vanilla Peppermint Martini" Venus said.
"Wine for me" ani Red.
"What? Seriously wine babe?" tanong ni Venus.
"I will be driving woman you know that."
"Tsk.boring."
"Waiter! Please pakikuha ng mga order nila" utos ni Castillo.
Ilang baso na ang nainom at si Dante hindi na nakayanan nakatulog na sa mesa. Si Denisse naman medyo tipsy lang. Si Castillo inakay na ni Katherine sa loob ng kwarto. And here is Venus still holding her glass. Tough!
"Venus, enough drinking halika na umuwi na tayo" ani Red.
"Sshhh ho-hum boring, jerk let me go!"
"Hahaha sige dyan ka magmatigasan sa lasing Red" kantiyaw ni Denisse.
Nilagok ni Venus ang isang bote ng alak pero inawat na siya ni Red. Nagpaalam na si Red kay Katherine dahil sa lasing na lasing na si Venus hindi na nito kayang maglakad pa. Binuhat ito ng binata at ipinasok sa kotse.
Tama ang naging desisyon niya na hindi magpakalasing kundi sa hospital sila pupuluting dalawa. Inihatid ni Red ang babae sa apartment nito.
"Hey you, put me down! Kaya ko pa *hik* maglakad" saad ni Venus.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?