Chapter 37 (Loving her was so hard)

163 6 0
                                    


Matapos makuha ang mga cakes ay lumakad naman sila Venus kasama sina Jelay at Anna para maghanap ng damit na susuotin sa gaganapin na party. Pumasok sila sa isang boutique para makapamili ng damit.

"Hindi ba mahal rito Venus? Alam mo naman wala kaming pera"
nag-aalalang saad ni Anna.

"Huwag kayong mag-alala, my treat."

"Ayos lang ba talaga? Kita mo mahal oh."

"Aanhin ko naman ang pera hindi ko naman 'yan madadala sa libingan ko kaya i-treat ko na lang sa inyo. Sige na pumili na kayo ng gusto ninyong dress tapos pumili na rin kayo ng sandal."

Matapos nilang makapamili ay dumaan sila sa parlor para magpapedicure at manicure.

Maganda si Jelay kaya gusto ni Venus na lumutang pa ang ganda nito. Pinakulot niya ang dulo ng buhok nito na bumagay naman sa mukha nito habang nagparebond naman si Anna.

"You two look pretty" saad niya sa dalawa.

"Hindi ka magpapaayos ng buhok?" tanong ni Jelay.

"Pinahighlight ko lang ang brown hair ko. Anyway, mamaya Anna pwede ipabraid ko sayo ang buhok ko 'di ba alam mo naman?"

"Yup, ako ang bahala."

It was seven in the evening the visitors are starting to arrive in the area. Nakarosy brown off shoulder dress si Jelay habang si Anna ay black tube dress.

Isang light gray flowy halter dress hanggang talampakan naman ang napiling suotin ni Venus.

"Wow! Ang ganda mo Venus" ani Jelay.

"Salamat."

Lumabas na silang tatlo sa venue. May mesa na nakalaan para sa kanila.
Napansin ni Red ang paglabas ni Venus kasama sina Jelay at Anna, kahit simple lang ang make-up ng dalaga ay agaw pansin parin ito sa mga dumating na bisita. Umupo ito sa tabi niya.

"You're gorgeous" bulong niya sa tainga nito.

He felt her tense a bit saka ngumiti.

"Baka mainlove ka sa akin Red."

"Matagal na akong inlove sayo Venus" tinitigan niya ang dalaga sa mga mata.

"Uy Red baka matunaw ang kaibigan ko niyan ah" biro ni Jelay.

"Hahaha well, I can't help myself lalong lalo na maganda ang nakaupo sa tabi ko."

"Tigilan niyo ako" malamig na wika ni Venus.

"Tayo na lang ang mag-usap Dante" baling ni Jelay kay Dante.

"Ha? Bakit ako? Nandyan naman si Anna."

"Ikaw ang gusto kong kausap eh."

"Hindi Dante ang pangalan ko alyas ko lang 'yon."

"Ganoon?"

"I'm James Silvestre."

________________________________________

Ipinakilala na ng emcee si Zeus bilang birthday celebrant.

"Allow me to welcome our birthday celebrant Zeus Herrera. Zeus, give us your short opening."

"Hi everyone, thanks for all being  here. Just enjoy the night, thank you" ani Zeus sa micropono.

"And for formality can we witness a dance from the birthday celebrant?" saad ng emcee.

Nagulat si Venus ng sa kanya maglahad ng kamay ang kapatid.

"What are you doing brat?" gulat na tanong ni Venus.

"Can I have a dance with my beautiful sister?"

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon