Chapter 20 (Nightmare)

162 4 0
                                    


Nang gabing iyon matapos nilang kumain ay naglatag si Venus ng kutson sa kama na gawa din sa kawayan.

"Dito na lang ako sa papag matutulog" ani Red.

"Dito ka na sa tabi ko matulog, malamig dyan sa papag alam mo naman gawa sa kawayan nakakapasok parin ang hangin. Malaki naman ang kama,kasya lang ang dalawang tao" paliwanag ni Venus.

"Sigurado ka ba? Alam mong lalake ako Venus."

"So what? Pinagdudahan ko ba iyang pagkalalake mo? Anyway suggestion ko lang naman iyon, kung magmamatigas ka at gusto mo magkapulmonya eh 'di sa papag ka matulog."

"Payag na ako."

"Papayag din naman pala ang dami pang sinabi. Basta number one rule no invasion of privacy. Sa kanan ako sa kaliwa ka ang mga unan na ito ang magsisilbing demarcation line. One wrong move and your dead, maliwanag?"

"Oo na sige na matulog na tayo lumalalim na ang gabi oh."

He hate it masyado yatang naparami ang inom niya ng kape kanina kaya nahihirapan siya ngayong matulog. Nilingon niya ang katabing si Venus at nakitang mahimbing ang tulog nito.

"Hmmm...maamo naman pala talaga ang mukha niya kapag tulog" ang naisaloob ni Red.

*flashback*

Natapos  na rin ni Thea ang highschool kahit puro sermon at sakit sa katawan ang natatanggap niya sa amain.

"Hoy! Ano na naman ang tinutunga tunganga mo dyan ha Thea?
Nag-aambisyon ka naman na magkolehiyo? Pwes! Itigil mo na 'yan dahil hinding hindi mangyayari ang iniisip mo."

"Tiyong, magsisikap pa po ako ng doble. Hayaan niyo ho kapag nakatapos ako iaahon ko kayo sa kahirapan."

"At kailan pa mangyayari iyon kung uugod ugod na ako? Ang mabuti pa magbihis ka dahil may pupuntahan tayo."

"Saan po?"

"Isa pang tanong Thea masasaktan ka sa akin!"

Tumahimik na lang si Thea at sinunod ang nais ng amain. Dinala siya nito sa isang napakagarang bahay.

"Tiyong, kaninong bahay ito?"

"Hindi ba sinabi ko sayo na itigil mo 'yang pagtatanong mo at sasamain ka talaga sa akin bwisit ka!"

Pumasok sila at pinaupo ng mga kasambahay sa isang sofa.

"Look who's here,what can I do for you Mang Carding?" saad ng isang binata.

"Good morning po senyorito TJ. Heto na po ang anak kong si Thea. Thea, ano ba lumapit ka kay senyorito."

"Hello po senyorito. Ako po si Thea."

"Hahaha 'wag mo na ako tawaging senyorito" magiliw nitong saad.

"Sige po."

"At 'wag mo na din akong i-po dahil magiging asawa mo na ako" bulong nito malapit sa tainga niya.

Nanlambot ang tuhod ni Thea hindi dahil sa kinikilig siya kundi takot para sa sarili dahil hinatid lang naman siya ng amain sa isa pang kampon nito.

Hindi alam ni Thea na naibenta na pala siya ng kanyang amain kay TJ Masamayor bilang asawa. At ang walang hiyang matanda nagpapakasaya sa nakamit na pera.

Nagkaroon ng marangyang kasalan. Halos lahat ay nagsasaya at nagsasabing maswerte daw si siya na nakabingwit ng mayaman pero hindi nila alam na impyerno ang kahahantungan niya.

Iniyakan niya ang araw ng kanyang kasal.

*end of flashback*


================================

Nagulat si Red ng makitang may tumulong luha sa mata ni Venus. Ano kaya ang nasa paniginip ng babae? Sino kaya ang mga nanakit sa kanya kahit sa panaginip ay lumuluha ito.

Nang sumapit ang madaling araw nagising si Red na wala na sa kanyang tabi ang dalaga.

"Venus?" tawag niya rito.

Lumabas si Red para hanapin ang babae. Natagpuan niya ang babae sa likod bahay doing some shadow boxing.

"Venus? Ano ba iyang ginagawa mo baka may makakita sayo dito?"

Ngunit hindi siya pinansin ng babae.

"Venus, I am talking to you."

"Fight with me Red."

"Okay,I will play with you this time. Gusto ko na rin naman mag-exercise."

Habang nagkakarate ay nag-uusap sila.

"May problema ka ba?" pagsisimula ni Red.

"Wala akong problema!" at sinipa siya ni Venus mabuti na lang nailagan niya.

"Sabi ko naman sayo you can tell me."

"Bakit nahanap mo na ba si TJ Masamayor?"

"Sino ba siya? At bakit mo siya hinahanap?"

"Malaki ang atraso niya sa akin" isang round kick ang pinakawalan ng dalaga kaya napahiga sa may buhangin si Red pero di kalaunan ay tumayo ulit ito para sumuntok.

"Anong atraso? Isa pa anong kinalaman sayo ng asawa ni Thea Ignacio?"

"Paano mo nakilala si Thea Ignacio?"

"Kilala siya ni mom at iyong si Aling Tasing na pinagbilhan natin ng tiles."

"Mom? Paano siya nakilala ng mommy mo?"

"Naikwento sa akin ni mommy na nagtatrabaho daw si Thea noon sa isang restaurant at nakita niyang nahihirapan si mom sa heels na suot kaya pinahiram daw siya ng tsinelas nito."

"Ahw, ganoon ba."

"So ano ang kinalaman mo kay Thea at kay TJ?"

Biglang natigilan ang dalaga kung kaya't natamaan siya ng suntok ni Red. Nalasahan ni Venus ang dugo sa kanyang labi.

"Sorry."

"Hindi mo kailangan magsorry."

Dali daling pumasok ang babae sa dampa.

"Hindi na ako mangungulit na sabihin mo sa akin Venus pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako para makinig."

Tinignan lang siya nito saka pumasok sa kwarto.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon