Sa sumunod na umaga ay sinundo nga ni Dante si Venus. Nagtungo sila sa isang mall."Anong ginagawa natin dito Ms.Venus?"
"Bibili ng mga damit mo. I will make you pretty Silvestre."
Napalunok si Dante ng makita ang nakangiting si Venus. Pagkatapos ipinamili ng damit ay nagpunta naman sila sa isang parlor. Nagpatulong si Venus sa isang bakla i-assemble ang wig ni Dante. Si Venus na mismo ang nag-apply ng makeup sa binata.
Pinagsuot niya lang si Dante ng doll shoes para hindi ito mahirapan sa paglalakad. Madali lang gawing mukhang babae si Dante dahil gwapo ang binata kapag natanggal ang salamin nito.
"Oh my God you're so pretty Dante!" bulalas ni Venus.
"Sa tingin mo hindi na tayo mabubuking ng asawa mo?"
"May tiwala ako sayo Dante,we can do it."
Tumango si Dante. Nagtungo na sila sa condo ni TJ.
"Red, all set" ani Venus kay Red sa pamamagitan ng earpiece.
"Nakamonitor na ako."
"Good. Let the game begin."
Sinadya ni Venus magsuot ng slit na dress at magpakita ng cleavage para akitin si TJ. Nagdoor bell ang dalaga mayamaya ay pinagbuksan siya ng kasambahay.
"Good morning ho ma'am" bati nito.
"Ang sir TJ mo?"
"Natutulog pa po."
"Gisingin mo please ang sabihin mo narito si Thea ang asawa niya."
Agad na tumalima ang kasambahay. Ilang saglit pa ay kasama na nitong lumabas si TJ na nakaroba pa.
"Hi" bati niya.
"Nandito ka ba for the divorse papers?
"Actually hindi ako pumarito para doon.(sigh) Napag-isip-isip ko TJ na hindi dapat ako makikipaghiwalay sayo dahil nagsumpaan tayo sa harap ng simbahan na mamahalin kita for better or for worse."
"Finally you come to your senses woman. Sinabi ko na sayo hindi mo rin ako matitiis hahaha" ngisi ni TJ.
Feeling ni Venus she deserved an acting award sa ginagawa niya. Sa lahat ng mga pagpapanggap niya ramdam ni Venus na humuhusay na siya sa
pag-acting. Pwede na siya magside line bilang bida sa mga teleserye."Okay this calls for a celebration. Manang get some wine for us" utos nito sa kasambahay.
"Anyway, dala ko na ang mga gamit ko nasa baba lang."
"Ipaakyat mo na lang."
Tinawagan ni Venus si Dante na umakyat at dalhin ang maleta niya.
"Sino siya?" tanong ni TJ ng makita si Dante.
"She is Danny my personal assistant."
"Hello sir TJ" bati ni Dante.
"Hindi ko gusto ang assistant mo Thea" matigas na sabi ni TJ.
Patay! Mabubulyaso pa yata sila sa plano.
"Bakit? What's wrong with my assistant?"
"Hmm..hindi ko lang gusto ang aura niya."
Napalunok si Dante ng titigan siyang malapitan ni TJ. Naging maagap naman si Venus tumayo siya at nilapitan si TJ.
"Mahal? (gustong masuka ni Venus ng bigkasin niya 'yon). Chill, she's just my assistant" hinaplos ni Venus ang braso ng binata.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?