Isinama nina Jelay at Anna si Venus na magbenta sa pwesto nila sa katabing resort. Maraming turista ang naroon. The resort was quite fame around Palawan kaya dinadayo ito."Necklaces sir ma'am? Bili na ho kayo mura lang. Marami pa kayong souvenirs na pwedeng iuwi. Lapit na lapit mga suki presyong murang murang abot kaya sa bulsa" pagtatawag ni Jelay ng mga turista.
May patingin tingin lang sa mga benta nila kaya lumabas tuloy ang pagkamaldita niya.
"Ano? Titingin tingin ka na lang sir? Kasi kung hindi ka bibili lumayas ka na sa tindahan namin" matigas na bulalas ni Venus rito.
"Bibili po ako heto po pera keep the change na rin po."
Matapos maibigay ang souvenir ay tumakbo na ito paalis. Sobrang gulat na gulat sina Jelay at Anna sa ginawa ni Venus.
"Wow! Ang galing mong manghatak ng customer Ligaya!" namamanghang saad ni Anna.
"Oo nga amazing!" ani Jelay.
Gustong himatayin ni Venus sa mga sinabi ng dalawa hindi naman panghahatak ng customer ang ginawa niya kundi pagpapaalis. She thought the two was just sarcastic pero talaga palang tuwang tuwa ang mga ito.
=================================
Nakita niya si Red na busy sa pagkukumpuni ng pwesto ni Selya. Ang rami yatang alam ng binata kahit anak mayaman ito.
"Walang hiya talaga ang Selya na 'yan alam ng nandito lang si Ligaya pero kung makadikit kay Marcelo wagas" ani Jelay.
"Huwag mo na lang silang pansinin Jelay" saway ni Venus.
"Kung ako sayo dalhan mo kaya ng maiinom ang asawa mo at ipakita mo doon sa Selya na ikaw ang asawa."
"Oo na ng matigil lang kayo."
Kumuha ng baso ng tubig si Venus saka lumapit sa binata.
"Asawa ko heto dinalhan kita ng tubig uminom ka muna" malambing niyang sabi sa kay Red.
"Ligaya?" halatang nagulat ito sa paglapit niya.
"Hi asawa ko" ngumiti siya rito ng kay tamis.
Kinuha ni Red ang tubig saka ininom.
"What are you doing?" mahinang usal ni Red.
"I am playing my role as a wife. Nakukulili na ang tainga ko kina Jelay at Anna kesyo ganito ganyan" bulong ni Venus rito.
"You are so sweet asawa ko" pinisil ni Red ang pisngi ng dalaga.
"Did you just pinch me?" she flashed him a glare.
"Paparating na si Selya" ani Red.
"Marcelo?" tawag ng babae.
"Selya, si Ligaya asawa ko."
"Ah ikaw pala ang asawa? Tsk.manang naman pala" mataray nitong bulong.
"Hi Selya" todo ngiti ni Venus kahit gusto niya ng bigwasan ang kaharap.
"Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka naman kailangan dito."
"Ah iyon ba may nakapagsabi kasi sa akin na meron daw ulupong na aaligi aligid sa asawa ko kaya hinahanap ko lang" ngumiti ulit si Venus.
Ramdam ni Venus na madidislocate na yata ang jawline niya sa kakangiti kay Selya. Hinila siya ni Red malayo kay Selya.
"Venus,ano ba ang ginagawa mo? Huwag kang makipag-away kay Selya.
"Aray ko" daing ni Venus.
"What's wrong? May masakit ba sayo?"
"Masakit ang bibig ko. Bwisit! Nangawit yata sa kakangiti ko sa ulupong na 'yan."
"Ulupong? Si Selya?"
"Iyon ang bansag nina Jelay at Anna. Siya sige babalik na ako sa pwesto namin tutulungan ko muna ang mga bruha."
"Sige patapos na din naman ako rito. Susunod din ako."
"Marcelo pwede mo muna ako tulungan rito" ani Selya ng makalapit sa kanila.
"Sige na asawa ko magtrabaho ka na paalala lang nakikita kita kahit sa malayo" ani Venus.
Nang makabalik si Venus sa pwesto nila ay nadatnan niyang nakasimangot si Jelay.
"Ano ang nangyari sa babaeng 'yan?" tanong ni Venus ka Anna.
"Kanina pa kasi kami hindi nakakabenta. Pero sanay naman kami may mga araw talaga na matumal ang benta" saad ni Anna.
"Do you have a cassette or something?"
"Nasa bahay bakit?" ani Jelay.
"Sayawan mo ang customer kung gusto mo makarami ng benta."
"Tama! Sige kukunin ko na hintayin niyo ako rito."
Tawa ng tawa si Venus sa pagsasayaw ni Jelay. Hindi naman kasi marunong ang babae sadyang malakas lang talaga ang loob nito.
"Halina mga sir at ma'am bili na kayo at pumili" ani Anna.
Natuwa ang mga turista kay Jelay kaya naubos nila ang mga souvenirs na benta.
"Salamat talaga Ligaya kundi dahil sayo hindi mauubos ang tinda natin."
"Ginawa ko lang kawawa naman kasi itong pwesto natin."
"Hi girls nakita ko maraming bumili dito kanina ah" saad ni Red ng makalapit sa pwesto nila.
"Naku sinabi mo pa Marcelo at dahil 'yan sa asawa mo. Siya lang naman ang nakaisip ng pakulo namin kanina" ani Jelay.
"Ang mabuti pa magligpit na tayo para makauwi na" wika ni Anna.
Matapos magligpit ay sabay sabay na silang apat umuwi. Papalubog na ang araw kaya magandang pagmasdan ang buong isla.
"Marcelo,Ligaya dito sa isla nakagawian na namin tuwing full moon ay magkaroon ng kaunting kasiyahan at salu-salo. Punta kayo ah" masayang anunsyo ni Jelay.
"Ligaya?"
"Bakit ako?"
"Kung hindi ka pupunta ay hindi na rin ako pupunta" ani Red.
"Hmp. Sige na pupunta na tayo."
Dumalo nga sila Red at Venus sa nasabing kasiyahan.
"Uy naririto na pala ang
mag-asawang Mr.and Mrs.Guzman" anunsyo ni Ka Berto nang makarating sila."Salamat ho sa pagsalubong Ka Berto" ani Red.
"Ligaya halika dito kayo maupo malapit sa amin" tawag ni Anna.
Pagkatapos nang kaunting
salu-salo ay nagkaroon ng palaro."Okay! Mamamayan ng bagong paraiso inanyayahan ko lahat ng mag-asawa rito sa harapan at maglalaro tayo" anunsyo ni Aling Sita.
"Uy Ligaya,Marcelo sumali kayo. Mag-asawa daw dali na!" pagtutulakan ni Jelay.
"Hindi ako mahilig sa laro" pagtutol ni Venus.
"Ngayon lang naman 'wag ka ng KJ dyan. Marcelo mabuti pa hilahin mo na itong asawa mo sa harapan" sulsul naman ni Anna.
"Inay sasali po sina Ligaya at Marcelo!" sigaw ni Jelay.
Dahil alam na ng karamihan ay wala ng takas sina Red at Venus kundi ang sumali.
"At dahil nandito na ang lahat ng mag-asawa. Ang laro natin para sa gabing ito ay tatawagin nating 'Follow your Heart'. Simple lang ang mechanics ng game kailangan piringan ang mga babae tapos ilalagay namin sa iba't ibang pwesto ang kanilang asawa at kapag nahanap na nila ito ay kailangan halikan ng babae ang asawa at sila ang tatanghaling panalo" pahayag ni Aling Sita.
A/N:
I'll follow your heart,follow me back.❤
Tama na Cha,uwi na!😂🔪🔫💉🔨
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
AksiShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?