Hindi parin makapaniwala si Red at Dante sa suot ni Venus. Nakat-shirt kasi at mahabang palda ang suot ng dalaga itinali rin nito ang mahabang buhok."Ano ang sinisilip silip mo dyan Dante? You're driving nerdy baka gusto mo iuna kita sa impyerno?" sita ng babae.
"Mahal, huwag ka naman ganyan kay Dante" ani Red.
Bigla na lang siyang tinutukan ni Venus ng kutsilyo sa leeg medyo dumiin ito kaya lumabas ang dugo rito. Nagulat si Red kung saan nakuha nito ang patalim.
Sa labis na gulat ni Dante at nagpagewang gewang ang kotse nila.
"Dante, focus on your driving" kalmadong saad ni Red.
Kinabig ni Dante ang manibela saka inihinto sa gilid.
"Did you really wanted to kill me that much Venus?"
"S-Sorry nagulat lang ako"
nag-iwas ito ng tingin."Sir Red,gusto mo dalhin na kita sa hospital?" ani Dante.
"Konting sugat lang ito Dante dumaan na lang tayo sa pharmacy para bumili ng gauze."
"Hindi na kailangan,meron ako sa bag. Dante umalis ka dyan sa driver sit ako na ang magmamaneho" matigas na sabi ni Venus.
Nag-exchange sina Dante at Venus ng upuan.
"Akin na ang leeg mo para magamot ko" ani Venus.
Kumuha si Venus ng alcohol saka ipinahid sa leeg ni Red saka inihipan pagkatapos ay nilagyan ng gauze at adhesive tape.
"Ayan tapos na, hindi ka na mamatay niyan."
"Salamat,mahal" pang-aalaska niya sa dalaga.
"Tigilan mo ako sa katatawag mo ng ganyan kundi tutuluyan na talaga kita" banta ng babae.
"Utos ni Mr.Oh gusto niya dapat daw magkaroon tayo ng tawagan para mapaniwala natin ang mga tao sa isla" katwiran ni Red.
"Tawagin mo na ako sa kahit ano 'wag lang 'yan."
"Alright."
Nang makarating sa Palawan ay sumakay sila ng bangka para makarating sa isla.
Maraming mga tao ang nag-abang sa kanila sa dalampasigan. Meron din kasing mga turista ang nakasabay nila papuntang isla.
"Kayo ba si Mr. and Mrs. Guzman?" lapit ng isang matandang babae.
Siniko ni Venus si Red.
"Tayo ba 'yon?" bulong ng dalaga.
"Hindi ka kasi nakikinig kahapon. Ay opo Aling Sita kami nga ho. Ako po si Marcelo at ito naman ang asawa ko si Ligaya" pagpapakilala ni Red.
Biglang natawa si Venus sa tabi ni Red kaya naalarma ang binata, masisira pa yata ang misyon nila.
"Naku 'wag niyo ho akong pansinin may naalala lang ho ako" ani Venus.
"Ang mabuti pa ihatid ko na kayo sa dampa."
Isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at nipa. May mumunting sala na nagdudugtong sa kusina at may isang kwarto. May CR din sa likod ng bahay.
"Isa lang ho ang kwarto?" tanong ni Venus.
"Ang sinabi kasi ni Mr.Oh ay mag-asawa ang titira dito pansamantala sa isla kaya 'yan na lang ang hindi ko pinarerenta sa mga turista" katwiran ng matanda.
"Ah sige ho Aling Sita, salamat ho sa paghatid dito sa amin" ani Red.
"Naku wala 'yon, nga pala kung kailangan niyo ng tulong ay nasa tapat lang kami ng bahay ninyo."
Nang makaalis ang matanda ay kinopronta ni Red ang dalaga.
"Ano ba naman Venus, muntik mo na tayong ibuking kanina. Hindi nila pwedeng malaman na hindi talaga tayo mag-asawa."
"Okay I got you,Marcelo. Hahaha Marcelo talaga? Bakit? Si del Pilar ka ba?" halakhak pa ng dalaga.
"Sige,mang-asar ka pa."
"Akin na ang mga damit mo ilalagay ko na sa tokador."
Sinundan ni Red ang babae sa kwarto at pinagmasdan lang ito habang maingat nitong tinutupi ang kanilang mga damit at inilalagay sa tokador. Mayamaya bigla na lang sumimangot ang dalaga.
"Oh ano ang nangyari sayo?"
"Bwisit na nerdy na 'yon puro duster at palda naman itong pinamili niya anong akala niya sa akin babae sa panahon ni Lapu lapu."
"Kailangan mong makibagay dapat hindi nila mahalata na manilenya ka at pinaaalahanan lang kita kapag nasa labas ka huwag na huwag mong ipakita iyang pagiging brusko mo."
"Oo na."
"Why should you try to make a smile hindi iyong gusto mong lumpuhin lahat ng nakakasalubong mo."
Isang matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ng babae.
"See? I told you."
"Oo na ngingiti na" at ngumiti ito ng pilit.
"Try to be more relax. Your smile should not be force."
"Tsk.whatever."
"Siya sige lalabas na muna ko hahanap lang ako ng makakain natin ngayong gabi."
Nang makabalik si Red galing sa pamimili ay nadatnan niya natulala si Venus sa may sala. Ginulat niya ang dalaga.
"Por vida de un mil caballos!!"naisigaw ni Venus.
"Nagulat ba kita? Hahahaha sorry. Ano nga pala ang sinabi mo?"
"For the life of one thousand horses!Animal ka muntik mo na akong mapatay!" bulyaw sa kanya ng dalaga.
"Sorry. Nandito na pala ang pagkain natin. Luto na ang mga ito iinitin ko na lang mamaya."
"Ikaw ang bahala. Maglalakad lakad lang muna ako sa may dalampasigan."
Nang marating ni Venus ang dalampasigan ay naupo siya malapit sa isang puno. Malamig ang hangin at rinig na rinig niya ang hampas ng alon. Niyakap niya ang sarili ng maramdaman ang ihip ng hangin.
Sa mga pagkakataong iyon bumabalik sa alaala niya ang unang ina. Kung hindi lang sana ito namatay ay maayos ang naging buhay niya at sana'y nakapagtapos siya ng kolehiyo.
Noon gusto niya maging guro pero winasak iyon ng magaling niyang amain. Ilang taon ba siya naghirap sa piling ng malupit niyang amain. Hindi pa nga nagkasya ay dinala rin siya nito sa isa pang demonyong lalake.
Nangingitngit lamang ang kalooban ni Venus kaya minabuti niya ng umuwi sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?