Ipinarada ni Venus ang motorbike sa labas ng gate."Ma'am ano ang kailangan nila?" usisa ng guard.
"Kakausapin ko lang si Lileth."
"Sige ma'am ipapaalam ko muna kay Ma'am Lileth. Ano po pala ang pangalan ninyo?"
Mabilis na binunot ni Venus ang pistol na dala at itinutok sa guwardiya.
"Detective Venus Herrera. Ngayon buksan mo itong gate, bilis!"
Agad na pumasok si Venus at kumatok sa pinto.
"Ano po ang kailangan nila?" tanong ng kasambahay.
"Si Lileth, ilabas mo iyang amo mo."
"Yaya sino ba 'yan?" tawag ni Lileth.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyong babae."
"Ano ang ginagawa mo dito?"
"Hmp. maniningil ako Lileth."
"Red, kausapin mo nga itong girlfriend mo hindi ko gusto ang inaasal sa pamamahay ko mabuti pa paalisin mo na siya" sabi ng babae kay Red.
"Talaga hindi mo nagustuhan? Pwes! Ito ang mas hindi mo magugustuhan."
Umigkas ang kanang kamay ni Venus at sinampal ang kaharap.
"How dare you!" galit na galit si Lilet habang sapo ang kaliwang pisngi.
"Kulang pa iyan sa ginawa mo sa akin Lileth!" bulyaw ni Venus.
"Ano ang ginawa ko sayo? Nahihibang ka na ba?"
"Ikaw ang nahihibang, hayop ka! Pero sige sa presinto ka na lang magpaliwanag."
"Ano ba ang ginagawa mo?"
"May warrant ako kaya sumama ka ng tahimik."
"What? No way!"
"Huwag mo akong subukan Lileth. Hindi mo alam ang kaya kung gawin."
"Really? But for me you're just a manang and a fool girl Thea" pagtataray ng babae.
"Really?"
Nilabas ni Venus ang baril at inilapit sa kanang bahagi ng dibdib ni Lileth.
"Venus tama na 'yan" saway ni Red.
"No way Red! Ano? May naalala ka Lileth?"
"What are you talking about?"
"Ito ipaalala ko sayo. It was Tuesday one in the afternoon in April 10,2015. Naalala mo ang araw na 'yan hindi ba? Ako naalala ko lagi ang araw na iyan dahil mismo sa petsa na 'yan inutusan mo ang isang lalake na patayin ako. You don't know how much I suffer that day bitch!" nanggagalaiti na saad niya rito.
Pity escape her vocabulary that day.
"Bakit may ebidensya ka ba sa mga ibinibintang mo sa akin?"
"Ebidensya lang ba? Oh ito!" pinakita ni Venus ang video tape na hawak.
"Saan mo nakuha 'yan?"
"At your house, bimbo! Now I assure you'll rot in jail Lileth."
Wala ng nagawa si Lileth kundi sumama sa kanila sa presinto. Pormal siyang sinampahan ng kaso ni Venus.
Umamin si Lileth na ang rason kung bakit nito pinapatay si Venus ay para makuha ang lawfirm dahil gusto nito na siya ang mamahala sa firm.
Napag-alaman din nila na wala naman talagang nagbabanta sa buhay ni Lileth at si Rafael lang ang nagtitext rito.
Umuwi na muna ng apartment ang dalaga para magbihis ng racer outfit bago lumabas para pumunta sa racing stadium. She needs to calm herself.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?