Ang mga empleyado ng fastfood ay nagset ng mga mesa sa open field para sa bata. Nagsilbing emcee naman si Venus."Okay everyone kumportable na ba kayong nakaupo?" ani Venus.
"Opo!" sabay sabay na sigaw ng mga bata.
"Kung ganoon nagugutom na ba kayo?Gusto niyo na ba kumain ng spaghettie? Sinong gusto ng burger at fries? At syempre hindi mawawala ang chicken joy. Dahil behave kayong lahat, bibigyan namin kayo niyan lahat."
Tuwang tuwa ang mga bata habang kumakain makikita sa bawat kanila na nasisiyahan sila.
Hindi alam ni Red na may softside pala si Venus lalo na sa mga bata, iba sa nakita niya na marahas ito sa naging laban sa underground.
At ngayon niya lang nakitang ngumiti ang dalaga iyong tunay na ngiti na walang halong pagkukunwari.
"Hi. Okay ka lang?" tanong nito sa kanya.
"Yes,matagal ka na ba dito?"
"Part time worker ako dito dati nang inampon ako ni dad. Mula niyon naging stakeholder na ako rito. At bawat linggo dinadalaw ko ang mga bata dito."
"Hindi ko alam you do charity works like this."
"Dahil ba sa pag-uugali ko?"
Marahang tumango si Red dito.
"Ginagawa ko ito dahil dito lang nabubuhay si Thea Ignacio."
"Ha? What do you mean by that?"
"Ang dami mong tanong. Anyway, halika ipapakilala kita sa mga bata" sabay hila sa kanya ng dalaga sa gitna.
Pumunta sila sa mga bata.
"Hello mga bata, magpakabusog na kayo dahil guest who's with me, si Kuya Red at makikipaglaro siya sa inyo later."
"Ha? Anong laro?" bulong ni Red kay Venus.
"Since nandito ka na lang din dapat may gawin ka din."
Pagkatapos kumain ng mga bata ay nakipaglaro na sila sa mga masscot. Nakita din ni Venus na hinila ng mga batang babae si Red. Naupo muna saglit sa isang stool si Venus at nagkasya na lamang tingnan ang mga bata na nagtatalon sa tuwa.
"Maraming salamat talaga Ms.Venus kundi dahil sayo hindi ganyan kasiya ang mga bata ngayon" ani Cleo ang caretaker sa Casa Angelus.
"Naku wala 'yon masaya ako na nakatulong ako sa inyo."
"Ang gwapo naman ng kasama mo Ms.Venus, boyfriend mo?"
"Hindi, kasamahan ko lang sa trabaho."
"Ay bagay kayo!"
"Hahaha Cleo taken na 'yong tao."
"Ngek! Sayang naman."
Napapailing na lang siya rito.
Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na sina Red at Venus sa mga bata."Can I join you this Sunday?"
"Wala ka bang ibang magawa?"
"Sige na Venus, pagbigyan mo na ako. By the way, pwede kong isama si Louise?"
"Ikaw ang bahala. Sige na mauna na ako."
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Nang sumunod na linggo ay dinala nga ni Red si Louise sa Casa Angelus naroon na rin si Dante.
"Pasok kayo maupo muna kayo rito" ani Cleo at itinuro ang isang mahabang sofa.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
AksiShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?