Nang makarating sa police station ay nakipagkita si Venus kay Lucas. Ang babae na ang nagvoluntaryong makipag-usap sa lalake dahil ramdam niya na aamin ito sa kanya. Gagamitin niya ang ganda para linlangin ito."Sigurado ka ba Venus na kaya mo ito? Nakakalimutan mo na yata hindi basta basta si Lucas. Siya ang former leader ng wreck gang" ani Red.
"Gusto ko lang makita siya ng personal at malay mo makumbinsi ko pa ang Lucas na iyon."
"Okay,isuot mo na ang earpiece."
Pumasok si Venus sa stasyon. Kinausap niya ang jail guard na gusto niyang makausap si Lucas.
"Thea? Thea ikaw nga ba 'yan?" ani Lucas.
"Ako nga po."
Nagtataka si Venus kung bakit kilala siya ni Lucas.
"How are you hija?"
"Ayos lang ho."
"My son told me na umalis ka raw ng walang paalam sa kanya? Mabuti naman nakita ka na ni TJ."
And that was it. Hindi akalain ni Venus na ang anak pala ni Lucas ay walang iba kundi ang demonyo niyang asawa.
"What brings you here hija?"
"Ah gusto ko lang dumalaw sa inyo nabalitaan ko kasi kay TJ na nakakulong kayo."
Halos pagsakluban ng langit at lupa si Venus sa mga nalaman. Mas dumoble ang kanyang galit para sa lalake.
"Venus" nag-alala si Red rito.
"Ang laki kong tanga hindi ko nalaman na si Lucas pala ang ama ni TJ."
"Ano ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Dante.
"Magpapatuloy tayo sa misyon I will tell dad about it. Anyway, guys we need to make a plan kailangan natin malaman kung anu-ano pa ang naging negosyo ni Lucas para makakuha tayo ng ebidensya na kasabwat rin si TJ rito."
"Babalik na ba tayo ng Agila Ms.Venus?"
"Hindi muna. We need to plan it this time. Sa apartment tayo Dante."
Nang makarating ay agad na pinaupo niya sa sala ang mga kasamahan. Nagbihis muna siya kanina pa kasi sumasakit ang paa niya sa takong na suot.
"Ano ang gusto niyong kainin o inumin?" tanong ni Venus.
"Black coffee please" Red.
"May softdrinks ka Ms.Venus?" ani Dante.
"Meron. Sige hintayin niyo na muna ako."
"Ano ang magiging plano?" saad ni Red.
"Bakit hindi mo na lang tanungin sa kanya Ms.Venus total asawa mo naman si TJ" suhestiyon ni Dante.
"Alam natin na hindi magsasabi ng ganoon si TJ, maskin noong magkasama pa kami ay itinatago niya lahat ng ginagawa niya sa akin."
"Venus can we talk?" ani Red.
Hinila ni Red si Venus sa may kusina.
"May naisip ako pero kailangan ko ang partisipasyon mo Venus?"
"Ano ba 'yan?"
"Ipagpaliban mo na muna ang pagfile ng divorse kay TJ."
"At bakit ko naman gagawin 'yan?"
"Ang balak ko ay magpanggap ka na makipagbalikan sa kanya pero ang totoo ay alamin mo lahat ng negosyo niya."
"What? Gusto mo na makipagbahay bahayan na naman ako sa lalakeng 'yon ha Red? Alam mo higit sa lahat kung ano ang mga pinagdaanan ko sa lalakeng 'yon. How could you do this to me?" bulyaw ni Venus.
"Lower your voice Venus. Ang sa akin lang naman this our only chance para malaman ang mga negosyo ng wreck gang."
"At ako? Paano naman ako Red, buong buhay ko kinasusuklaman ko si TJ nandidiri ako sa lalakeng 'yon. Tapos ngayon gusto mo ipagpaliban ko ang divorse?"
"Hindi naman madali sa akin na gawin ito alam mong mahalaga ka sa akin Venus at hindi ko hahayaan na saktan ka pa ni TJ ulit."
"Pero bakit?"
"Dahil gusto kong makulong na ang hayop na TJ na 'yan" matigas na sabi ni Red.
"Akala ko ba mahal mo ako? So lahat ng sinabi mo sa isla kasinungalingan lang?"
"Totoo ang lahat ng iyon. Please..hindi ito tungkol doon."
"Hindi na ako maniniwala pa sayo ulit. Gagawin ko ang gusto mong mangyari pero pagsisisihan mo ito Red."
"Venus..."
"Enough. Hindi na ako makikinig pa sayo you evil scummy rat!"
Tinalikuran siya ni Venus kaya naikuyom niya ang kamao.
"Dante, starting tomorrow magpapanggap ka bilang personal assistant ko. Pupuntahan natin ang asawa ko."
"Ano...pero Ms.Venus?"
"Para sa Agila ito Dante. Sa mga kasamahan natin na pinatay ng wreck gang lalong lalo na kay Mr.Oh."
"Sige Ms.Venus payag ako. Ano ang gusto mong ipagawa sa akin?"
"Magkita tayo bukas. Sunduin mo ako rito sa apartment."
"Copy that."
"Then we are settled pwede na kayong umalis dahil magpapahinga na ako."
"Kung pupunta ka na kay TJ always wear the earpiece at may ibinigay na rin ako kay Dante na mga cam to monitor you and TJ" ani Red.
"Alam ko Sandecker, hindi mo na kailangan sabihin sa akin."
"Pinapaalala ko lang."
"Wooh! I smell tension here" bulalas ni Dante.
"Pakilabas na ang lalakeng 'yan Dante at nag-iinit ang ulo ko" utos ni Venus.
Hinila na ni Dante si Red sa labas.
"Hindi mo naman ako kailangan hilahin Dante."
"Sorry sir pero kanina okay kayo ni Ms.Venus tapos ngayon may LQ na naman kayo?"
"Tigilan mo ako Dante LQ ka dyan ni hindi pa nga kami ni Venus."
"Hindi pa kami? Pero mahal mo na ano?"
"Syempre naman,siya lang naman itong ayaw maniwala sa akin."
"Hayaan mo sir Red naniniwala ako sayo. Gagawa din ako ng paraan para magustuhan ka na ni Ms.Venus."
"Aasahan ko 'yan ah hahaha."
"Yes sir" at sumaludo pa si Dante sa kanya.
A/N:
Keep on reading guys!
Marami pang kaabang abang na mangyayari.❤😊
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?