Chapter 22 (Asawa Ko)

195 6 0
                                    


Kahit naman alam ni Red na kaya ni Venus ang sarili ay nag-aalala parin siya na maiwan itong mag-isa.

"Sure ka ba na kaya mo lang
mag-isa?" tanong niya sa dalaga.

"Oo, ikaw na rin mismo ang nagsabi na harmless ang mga tao dito. At isa pa hindi sila sasantuhin ng baril ko."

"No killing Venus" matigas na sabi ni Red.

"If I should, I would Red."

"Ganoon na ba kasimple ang pumatay sayo Venus?"

"Simple para sa mga halang ang kaluluwa."

"Ilang tao na ba ang napatay mo?"

"I just killed once to survive, alam kong kilala mo ang leader ng isang gang na napatay ko sa Japan and I am willing to make it twice sa mga taong may atraso sa akin."

Ikinuyom ni Venus ang kamao. Napapitlag ang babae ng hawakan siya ni Red sa kamay.

"I will not let your beautiful hands got dirty" matiim siyang tiningnan ni Red.

Iniwas ni Venus ang tingin at bumitaw sa hawak ng binata.

"Sige na,umalis ka na mukhang nasa dalampasigan na sina Ka Berto."

Kinabukasan ay maagang bumangon sa higaan si Venus ininit niya na rin ang ulam na sobra kagabi. Mayamaya may kumatok.

"Sino 'yan?"

"Si Jelay ito anak ni Aling Sita."

Pinagbuksan niya ang babae.

"May kailagan ka?"

"Ahm Ligaya gusto mo magbenta ng kwintas na gawa sa seashells?"

"Busy ako" matipid niyang wika.

"Busy? Eh lagi ka nga nandito lang sa loob ng kubo ninyo."

"Basta wala akong panahon dyan. Sige na may gagawin pa ako" pagtataboy niya sa babae.

Imbes na umalis ay hinila siya ni Jelay sa isang maliit na mesa sa isang lilim na puno.

"Uy Jelay nariyan ka na pala" ani ng isang babae.

"Siya si Anna kaibigan ko anak ni Ka Berto at siya ang makakasama natin sa paggawa ng mga kwintas" pahayag ni Jelay.

"Teka lang eh hindi pa naman ako pumapayag dito ah. Siya sige aalis na ako."

Akmang aalis na si Venus ng hilahin siya paupo ni Jelay. Bibigwasan niya na talaga ang babae kung hindi lang siya nakadisguise.

"Paano ba ito?" ani Venus sa dalawang babae.

"Sundan mo lang ako" saad ni Anna.

"Pansin ko buhat ng dumating kayo lagi ka lang nasa loob ng bahay buti pa si Marcelo nakakasalamuha namin rito" pahayag ni Jelay.

"Hindi kasi talaga ako nakikisalamuha kahit noong nasa Agila pa ako."

"Agila? Narinig ko na 'yan hmmm tama sikat na agency iyan sa Maynila."

"Ang Agila na tinutukoy ko ay isang kalye sa Bohol."

"Ahw,ganoon ba. Anyway kung ako naman magkaroon ng asawa na kasing gwapo ni Marcelo ay hindi na talaga ako lalabas at kahit buong araw kami sa loob ng kwarto ay ayos lang."

"Hoy Jelay, iyang bibig mo talaga!" saway ni Anna.

"Ano? May sinabi ba akong masama? Kapag nasa kwarto lang may gagawin agad ikaw Anna ha green minded ka girl."

Hindi tuloy mapigilan ni Venus ang matawa. Hindi namalayan ni Venus ang sarili na nakikisabay na rin siya sa mga kwentuhan ng dalawa.

"Ligaya paano mo ginagapang sa gabi si Marcelo ay este paano mo nakilala si Marcelo?"

"Hahaha nagkakilala kami sa isang parke sa Bohol. Ayun nagandahan daw siya sa akin kaya niligawan niya ako."

"Ay ang romantic! Sana makakita rin ako ng kagaya ni Marcelo" at tumingin pa sa langit ang dalaga na tila nananalangin.

"Mangarap ka ng gising Jelay walang magkakainterest sayo tingnan mo nga itsura mo mukha kang manang" pambabara ni Anna.

"Nagmumukha lang naman tayong manang dahil sa suot natin.Tingnan mo itong palda ko ipinamana pa sa akin ito ng nanay ko. Ang blouse ko naman kupas na pwede ng gawing basahan" reklamo ni Jelay.

"Manang pala talaga ang itsura natin?" natanong ni Venus sa dalawa.

The two nod. No wonder ganoon din ang sinabi ni TJ kay Thea dati.Tsk.

"Oh bakit bigla kang sumimangot dyan Ligaya?" sita ni Anna.

"Dahil sa sinabi mo na mukha tayong manang."

"Sus! Hayaan mo na, ikaw wala ka ng problema dahil may Marcelo ka na."

"Tama!"

Maraming nahuling isda sina Red sa pagsama niya sa laot kina Ka Berto.

"Paano ba iyan Marcelo eh sumama ka sa amin maya sa palengke dahil ibibenta natin itong mga nahuli natin."

"Sige Ka Berto."

"Itay!" tawag ni Anna ang anak ni Ka Berto.

Napansin ni Red na kasama nito si Venus. Nakita niyang itinulak nina Jelay at Anna ang dalaga sa gawi niya.

"Uy kayong dalawa ah malilintikan kayo sa akin" banta ni Venus sa dalawa.

"Punasan mo naman ang pawis ng asawa mo Ligaya ikaw talaga 'wag ka ng mahiya" biro pa ni Jelay.

Kinuha ni Venus ang panyo na nasa balikat saka idinampi sa noo at pisngi ni Red. Ramdam naman ni Red ang diin sa bawat pagdampi nito.

"Sobrang diin naman ng pagpupunas mo asawa ko."

"Asawa ko?!" namilog ang mga mata nito sa gulat.

"Ah oo a-asawa ko kasi maganda iyong may diin para may kasama ng pagmamasahe."

Batid ni Red na sobrang inis na ang babae pero hindi siya nito mapagbuhatan ng kamay lalo na at nasa paligid niya ang mga tao.

Nakita niya naman halos mangisay na sa kilig sina Jelay at Anna.

"Sige uuwi na muna ako Ka Berto tawagin niyo na lang ako kapag pupunta na tayo ng palengke" ani Red.

Matapos lang maisara ni Red ang pinto ay umarangkada na naman ang bibig ni Venus.

"Asawa ko talaga? Huh!"

"Ayaw mo naman ng mahal kaya asawa ko na lang" katwiran niya sa babae.

"At talagang mangangatwiran ka pa! I almost got a heart attack in front of them!"

"Just go with the flow Venus! Hindi sila pwedeng maghinala sa atin."

Pabagsak na umupo si Venus sa kawayang upuan.

"Nga pala mabuti naman at nakihalubilo ka na sa mga tao rito."

"Kailangan kong gawin iyon para sa misyon ng matapos na ito at makabalik na ako sa Manila."

"May nakapagsabi sa akin na habang nasa laot ako na nabalitaan nila dito ang tungkol sa nawawalang kwintas. Pero ayon kay Ka Berto imposible mangyari iyon dahil ng gabing iyon nasa laot lahat ng kalalakihan dito sa isla para manghuli ng isda."

"Hmm...kung ganoon isa lang ang magiging conclusion niyan isang dayo ang nagnakaw o baka naman talaga hindi ito lalake."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Posibleng babae ang nagnakaw ng kwintas. Hindi bale ako na ang bahala dyan."

"Ano ang gagawin mo?"

"Wala akong gagawin dahil alam kong mahuhuli at mahuhuli ko rin siya."

Pagkatapos kumain ni Red ay nagtungo siya kasama si Ka Berto at iba pang tagaisla sa palengke para ibenta ang mga huling isda.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon