Nasapo ni Red ang pisngi na sinampal ni Venus. Nagulat si Venus ng tinulak siyang marahan ni Red sa wall ng unit nito saka itinukod ang dalawang kamay sa gilid ng mukha niya."At ano Red sasaktan mo rin ako?!" sigaw ni Venus.
"Ssssh..." saway ni Red saka inamoy nito ang buhok niya.
Natameme si Venus sa ginawa ng binata.
"I really want to smell you like this Venus" anas ni Red sa tainga niya.
"Aalis na ako."
"You're not going anywhere! Hindi mo alam ang pagpupuyat na ginawa ko kagabi habang kayakap ka ni TJ."
"Hahaha bakit nagseselos ka? At sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Hindi na Red kaya bitawan mo ako dahil may trabaho pa ako."
Binitawan ni Red ang dalaga. Napasabunot siya sa buhok.
"And one more thing Red mamayang gabi baka hindi mo na kayanin ang makikita mo kaya kung ako sayo turn off the cam bago ka pa mabaliw rito" she smirked.
Nasuntok ni Red ang dingding.
Pinaparusahan talaga siya ng dalaga sa naging plano niya.Nang gabing iyon ay umuwing nakainom si TJ hindi naman ito ganoon ka lasing.
Nakita niyang dinala ni Venus sa kwarto si TJ at pinahiga sa kama.
Tumingin ito sa camera kaya tila siya ang tinitingnan ng babae pagkatapos ay ngumiti itong mapang-asar.Shit! What was she doing? naisaloob ni Red.
Hindi naman ganoon kalasing si TJ kaya nakakaya parin nitong tumayo. Gagawin na ni Venus ang iniisip na paraan para makuha ang susi ng drawer sa may study room.
Sinadya ni Venus na magsuot ng maiksing pantulog at magpakita ng cleavage. Sisiguraduhin niyang kakagat si TJ sa pain na hinanda niya.
"Sige na TJ matulog ka na. May gagawin lang ako sa kusina" saad ni Venus.
Pero imbes na mahiga ay hinila siya ng lalake pahiga. Sinimulan siya nitong halikan sa labi, sa leeg.
"Shit! Sino magsasabi na magagawa ko pa itong muli kasama ka Thea" he said between his kiss.
"Sige lang TJ magsawa ka habang asawa mo pa ako" anas ni Venus.
He start to unbuttoned her nighties when Venus stop her.
"Let me TJ" ngisi niya rito.
Bumangon si Venus sa pagkakahiga saka siya na ang nagtanggal ng butones hanggang tuluyan nang nabuksan ang damit at nalantad ang bra ni Venus. Muli siyang hinalikan ng lalake sa leeg.
Mabilis na kinuha ni Venus ang itinagong injection na may pampatulog sa kanyang nakataling buhok at mabilis na itinusok sa walang kamalay malay na TJ. Mayamaya lang ay nawalan na ng malay ang lalake.
Mabilis niyang isinuot ang roba at tinawag si Dante."Yes Ms.Venus?"
"Buksan mo na ang study room bilis. I got the keys."
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
AzioneShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?