Chapter 54 (Curiosity)

92 3 0
                                    


Sila Red,Dante,Venus at Georgia na lang ang pumunta sa fire party malapit sa dagat at ang matatanda ay nagpahinga na. Hindi na rin sumama si Fei sa kanila.

Masaya ang fire party. Isang bonfire ang ginawa sa shoreline. Nagkaroon din ng variety show pagkatapos ay disco.

"Hindi ko akalain na masaya din pala itong fire party nila" ani Venus.

"Yeah, hindi naman ako usually sumasama sa mga ganito ngayon lang."

"Why? Huwag mong sabihin ikaw iyong tipong seryoso sa buhay?"

"Hindi naman kaso sobrang busy ko lang talaga dati sa Agila."

"Halika sayaw tayo!" hila sa kanya ng dalaga.

"Hey akala ko ba hate mo ang sumayaw?"

"Slow music lang, disco kaya ito kaya tara na."

Past twelve na natapos ang fire party kaya late na nagising si Venus kinabuksan.

=================================

Naglakad lakad muna ang dalaga sa may buhanginan nang nilapitan siya ni Lileth.

"Good morning" bati nito.

"Same here. Ano ang nakain mo tila mabait ka yata sa akin?"

"Wala naman. Anyway, boyfriend mo pala si Red?"

"Ah iyon ba,oo, bakit?"

"Wala naman sinisigurado ko lang.

"Sina tita Miranda nakita mo ba?"

"Nasa banana boat."

First time hindi sila nagtarayan ng babae. Pero nagtataka parin si Venus kung si Lileth nga ang nagpapatay sa kanya. Ano ang dahilan nito?

Sa naalala niya wala naman siyang ginawa na kasalanan dito. Ito pa nga ang may atraso sa kanya.

Mayamaya, nabigla siya nang may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. It was Red. Sa tinagal tagal nila nagiging clingy na ang binata sa kanya.

"Nag-iisa ka yata dito, akala ko ba magsisurfing kayo ni Georgia?" tanong nito.

"Nasa banana boat daw sila kasama si tita. Mamaya na lang siguro kapag medyo malakas na ang alon."

"Nagbreakfast ka na?"

"Wala pa, hindi pa ako nagugutom. Naimpatso yata ako sa kinain kong chicken legs kahapon."

"Hahaha nilantakan mo ba naman lahat sa box eh hindi ka maimpatso."

"I just crave for it."

"Hindi kaya buntis ka babe?"

She make a funny face. Malabo kasing mangyari ang sinasabi ni Red they use protections when they do it once on his house.

"Gusto mo magswimming tayo?"

"Mamaya na din siguro."

"Red, halika samahan mo ako sumakay tayo sa banana boat!" anyaya ni Lileth.

"Babe?"

"Okay lang. Sige na, sumama ka na sa kanya."

Nagtataka si Red sa mga ikinikilos ng dalaga tila may kakaiba rito. Hindi niya lang pinansin at sinundan na si Lileth.

Nang makaalis si Red agad na kumilos si Venus. Bumalik siya sa hotel at lihim na pumasok sa kwarto ni Lileth.

Nakita niya ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa kaya kinuha niya. May password ang babae. At sa lahat ng password ay pangalan pa talaga ni Red ang nakalagay. Napailing na lang siya.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon