Before returning back to Cebu ay naisip ni Venus puntahan sina Jelay at Anna sa isla para isama sa Cebu."Sasama ako sayo sa isla" ani Red.
"Okay, do what you want."
Para mapabilis ang pagpunta nila sa isla ay humiram si Venus ng private chopper na pagmamay-ari ng Agila.
"Inutusan ko si Castillo somewhere hija I'm afraid hindi mo magagamit ang chopper" pahayag ni Anton.
"It's okay dad nakalimutan mo na yata tinuruan mo ako how to use the chopper."
"I see,sige ikaw na bahala. Kaya mo ba mag-isa?"
"I have Red with me."
"Sige,take care."
Nagtungo na sila kung saan ang chopper.
"Hindi ko alam na marunong ka pala mag- operate ng chopper."
"My dad taught me noong nasa US intellegence team ako."
Nakarating din sila sa isla. Nang papalapag pa lang ng chopper ay nagulat na ang mga tao roon.
Bumaba si Venus followed by Red.
"Venus,Red? Naku buti naman nakabalik kayo rito" ani Aling Sita.
"Hindi rin ho kami magtatagal sina Jelay at Anna po?" tanong ni Venus.
"Uy Ligaya ay este Venus pala kumusta?" ani Jelay.
"Ito ayos naman. Nga pala kaya kami naririto dahil gusto ko sana isama kayo sa Cebu ni Anna birthday kasi nang kapatid ko iyon kung okay lang sa inyo Aling Sita at Ka Berto."
"Ayos na ayos lang sa amin" sabi ni Ka Berto.
Isinama nila pabalik sa Maynila sina Anna at Jelay. Sa roof deck ng Agila sila lumapag.
"Hindi ko akalain na marunong ka magpalipad ng chopper Venus grabe idol!" biro ni Jelay.
"Hahaha gusto mo turuan kita?"
"Naku 'wag na baka dyan pa ako matsugi."
"Sa apartment ko muna kayo magpalipas ng gabi dahil bukas pa ang flight sa Cebu."
"Ayos lang sa amin" saad ni Anna.
"Nga pala Red make a call for me. Tawagan mo si Dante, make him ready for the flight tomorrow."
"I will."
"Sige,magkita na lang tayo sa airport bukas."
Isinama ni Venus sina Jelay at Anna sa apartment niya.
"Ang ganda naman nitong apartment mo Venus" hindi mapigilan ni Anna ang mapahanga.
"Anong maganda Anna e wala ngang ka design design itong apartment ni Venus" saad ni Jelay.
"What? Black is beautiful Jelay."
"Oo pero miyembro ka ba ng kulto puro black na lang nakikita ko sa bahay na ito. Ni wala ka man lang pictures. Hideout ba ito?"
Natawa siya sa sinabi ng babae. Kaibigan na ang turing niya dalawa kaya wala na sa kanila ang mga asaran at biruan.
"Gusto mo maging designer ko?"
"Sorry pero mahal ang TF ko" biro ng kaibigan.
"Ay ginalingan talaga ng kaibigan ko oh! Hahaha Alam niyo ba salamat talaga sa inyong dalawa kung hindi dahil sa inyo hindi parin ako nakakangiti ng ganito."
"Hanggang kailan ka ba magpapasalamat sa amin ha Venus?" wika ni Anna.
"Oo nga nakukulili na iyong tainga ko" biro ni Jelay.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?