Nagday off muna si Red ng isang linggo para lumipad sa Chicago para bisitahin ang inang may sakit. Hindi na sumama si Louise sa kanya dahil may pasok ito sa eskwela. Nang makarating sa ospital ay dumiretso siya sa kwarto ng ina.Nasa bahay lang ito at dinadalaw lang ng kanilang family doctor. Nang buksan niya ang pinto nakita niya ang ina na nakamasid sa bintana.
"Hi mom, I'm home."
"Oh, my dear Red Klee. Akala ko hindi mo talaga ako dadalawin son."
"Maaari ba naman syempre namimiss ko na ang maganda kong ina. At isa pa mom,stop calling me with my two names."
"Sus! Binola mo pa ako. Hahaha ikaw talaga bakit ba ayaw na ayaw mong tinatawag kitang Klee?"
"Mas maganda ho ang Red."
Kinuha ang second name niya kay Paul Klee na may close tie sa french art.
"Kailan ka dumating?"
"A while ago. Where's everyone?"
"Your father visit his navy collegues while your two sisters do the grocery."
"Si Manang Lita pala?"
"Ayun kasama din ng dalawa. Hindi mo isinama si Louise hijo?"
"Alam niyo naman mom na busy iyon sa school."
"I see. Anyway, kailan niyo ba balak magpakasal, you're not getting any younger Red."
"Mom, kung ako lang ang tatanungin gusto ko na makasal kaso kilala niyo naman si Louise gusto niya muna magfocus sa trabaho niya."
"Make it soon Red because Louise is a good catch gusto ko na siya para sayo."
"I got you mom,okay. You want to eat mom? I can cook something."
"Hmmm...hindi pa ako nagugutom pero pwede kong tikman ang luto mo."
"Kaya mahal na mahal kita mom."
Sinundan siya ng ina sa kusina.
"Mom,hindi niyo naman kailangan sumunod rito."
"Gusto kita makitang magluto son. Nga pala kumusta ang trabaho mo sa Agila?"
"Ayos naman."
"Good. Teka ano ba ang lulutuin mo ngayon?"
"Sinigang, alam kong matagal niyo ng hindi natitikman iyon."
Mayamaya dumating na rin ang dalawa pang kapatid ni Red.
"Oh look who's here,our handsome brother" ani Georgia ang matandang kapatid ni Red.
"Hello kuya, when did you arrive?" tanong ni Fei ang nakababatang kapatid ni Red.
"This morning. How are you sis?"
"We're good."
"What's the commotion all about?" ani Georgia.
"I'm cooking."
"Oh! So you can cook?"
"Yeah,natuto ako sa Pilipinas. Actually si Manang Lita talaga ang nagturo sa akin. Salamat manang."
"Hahaha naku wala iyon" saad ng matanda.
"Where is ate Louise,kuya?"
"Nasa Pinas,hindi na siya nakasama dahil may pasok siya."
"Sad" komento ni Fei.
Malapit talaga ang loob ng nakababatang kapatid niya kay Louise. Nadala niya na kasi minsan ang nobya sa Chicago.
Lumingon ang lahat ng pumasok si Frederick Sandecker.
"Hi everyone. Oh you're here son?"
"Hi dad."
Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan ng mag-ama.
"Mr.Oh called me earlier he said you are here so I go home immediately."
"I have my day off for a week."
"How's Agila?
"Everything was good."
"I found out Venus Herrera is in Agila?"
"You know her?"
"Of course I once encounter her at the ship. You know what, she's a good fighter. Send my regards to her son."
"Sino si Venus Herrera?" sabat ng ina ni Red.
"Kasamahan ko siya sa Agila mom."
Pinakita niya pa sa ina ang picture nito. Nakunan niya ito noong nasa Casa Angelus sila at ngumiti ito. Hindi niya mapigilan na hindi kunan ng litrato ang babae dahil unang pagkakataon na ngumiti ito ng hindi pilit.
"Si Venus Herrera? Naku! Hindi ako pwedeng magkamali si Thea Ignacio ito. Oo tama si Thea nga, nagbago ng konti ang hairstyle niya pero siya ito."
"Thea Ignacio?"
"Oo naku ang bait ng batang 'yan at sobrang hinhin pa. Naalala ko noong kumain ako sa restaurant ay pinahiram niya ako ng tsinelas dahil napansin niya siguro na sumasakit iyong paa ko sa suot kong heels."
"Mabait,mahinhin? Baka nga mom napagkamalan niyo lang eh hindi naman po mahinhin 'yan, nanglulumpo nga 'yan at isa pa magaspang po ang ugali niyan."
"Red!" saway ng kanyang ina.
"I'm sorry I don't want to judge but it's the truth mom."
Palaisipan parin para kay Red ang sinabi ng ina. Sino nga ba si Thea Ignacio? Naalala niya nabanggit din ito ni Venus sa Casa Angelus.
Kung si Venus at si Thea ay iisa ano ang tunay na nangyari na ang Thea noon ay ibang tao na ngayon? Posibleng may kakambal ang babae?
Hindi man maintindihan ni Red ang sarili ay gusto niyang malaman ang nakaraan ng dalaga pero alam niyang hindi madali iyon. She has wall enveloped her personality and she would not let anyone in.
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Natapos rin ang pamamalagi ni Red sa Chicago. Nang biyernes din ng umaga ay nagpaalam na siya sa mga magulang at kapatid.
"Promise to keep in touch son" lumuluhang saad ni Miranda sa anak.
"I would mom."
He waved them goodbye.
Sinundo siya ni Louise sa airport. Pagbaba niya ng eroplano ay agad niyang nakita ang kasintahan.
"Hi. How's the trip?"
"Tired."
"Hmm...nagluto ako ng paborito mong adobo."
"Excited na tuloy akong makauwi" biro niya sa dalaga.
"Kumusta sina tita?"
"They were good. Nagsermon pa nga bakit hindi daw kita isinama."
"Hahaha sa bakasyon kamo dadalaw tayo doon."
A/N:
Love will die soon!😊✌
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?