Chapter 57 (Poseidon)

107 4 0
                                    


Kahit kailan talaga pasaway ang dalaga lalo na sa mga road rules.

Nakahinga naman ng maluwag si Red kahit papaano eh ligtas silang nakarating sa isang restaurant.

"Damn woman, you're giving me a heart attack there."

"Chill babe, I am a pro."

Pumasok na sila sa loob. It was a cozy place. Kung baga instagram like restaurant. Umorder na sila ng pagkain.

"Hmm...masarap pala ang pagkain nila dito noh. Ngayon lang ako nakapunta dito" palatak ni Red.

"See I told you. Dito kami kumain ni tatay last time and they really have great service."

"Kumusta na pala si tito?"

"Ayos naman. Bumalik na siya sa paghandle ng lawfirm namin para hindi na din daw ako mahirapan pa."

"That's good."

"Nga pala tinanggap ko na ang isang special mission na nirekomenda ni Inspector Felix  sa akin last time. So pansamantala ay hindi na muna ako makaduty sa Agila."

"What case?"

"Rape. A certain man who was a creep psycho stalker lingering on these teenage girls."

"Interesting! Baka naman makursunadahan ka na naman ng stalker na 'yan?"

"Malabong mangyari iyon kasi mostly ang mga victims niya ay teens."

"Alright then. Let's eat."

Ilang araw ang lumipas ay nagsimula ng magtrabaho si Venus sa bagong misyon nito.

=================================

Samantala si Red naman ay naassign sa barko ng Poseidon kasama ang marine forces. Sila ang pwersa na nangangalaga sa karagatan.

Iniimbistagahan nina Red at Dante ang isang marine area na masyado ng polluted sa hindi malamang dahilan. With the assistance of some marine biologist ay inaalam nila ang sanhi ng naturang problema.

Kinuha ni Red ang diving apparatus para sumisid at mag-inspection sa paligid.

Napansin niya ang isang tubo na natatakpan na ng buhangin at seaweeds. Sa unang tingin ay hindi ito mapapansin ng iba. Nagsimula siyang maghukay at tila may pinanggagalingan ang tubo na nakita niya.

Nagdesisyon siyang umahon at sabihin sa mga marine biologist ang nakita niya.

"May katabing isla ba ang lugar na 'to?" tanong ni Red.

"Meron pero it was a private property at wala pang nakakapasok sa islang iyon."

"Bakit naman?"

"Dahil bali balita na isang pirata ang may-ari ng nasabing isla kaya wala sa aming team ang naglakas loob na pasukin ito."

"Dante, gusto ko maghanda ka. Sa susunod na araw sisisid tayo ulit para alamin kung tama ako sa aking hinala na ang tubo ay galing nga sa isla."

"Copy sir."

☆☆☆

Dalawang pulis naman ang nakasama ni Venus sa naging misyon niya si SPO3 Galvez at SPO1 Cayetano.

Unang pinuntahan nila ang mga kuha ng CCTV pero nakahood at mask ang lalake kaya hindi makilala ang identity nito. Ang huling biktima ay swerte na nakaligtas mula sa kamay ng suspect.

"Maaari mo bang ilarawan sa amin ang mukha ng suspek?" tanong ni SPO3.

"Hindi ko po nakita masyado ang mukha niya pero chinito po siya."

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon