Nagpanggap si Venus na nagtitimpla ng kape ng pumasok si TJ."Hi,hindi ka yata nakauwi kagabi?" sita ni Venus.
"Don't start my day with your nagging Thea,mainit ang ulo ko."
"Bakit may nangyari ba sa opisina?"
"Ang mga tauhan ko palpak ang trabaho kaya muntik na kaming masundan ng kalaban."
"Kalaban?"
"Kalaban sa negosyo ba,boba!"
Tawagin ba naman siyang boba nitong TJ gusto niya ng sipain ang pagmumukha nito. Nagsalita si Red sa kabilang linya.
"Calm down,Venus! Anyway nasundan nina Castillo ang van nila pero bigla na lang nawala" ani Red.
Nilapitan ni Venus si TJ.
"You want coffee?" at ibinigay niya rito ang kapeng ginagawa bago umupo sa tabi nito.
"Thea,gusto ko ikaw na ang mamahala sa kumpanya habang iniintindi ko ang ibang negosyo natin."
The Masamayor has a law firm company. Mga bigating abogado ang nagtatrabaho roon pero wala silang kaalam alam na ang CEO nila ay miyembro ng wreck gang.
Kumbaga ang kumpanya na iyon ay pantakip lang sa mga illegal na negosyo nina TJ at Lucas.
"Talaga?"
"Kakasabi ko lang hindi ba?!"
"Well,thanks. Buti naman hindi mo na ako ibuburo sa loob ng bahay tulad ng ginawa mo noon."
"Because you are no longer the Thea I used to know."
Dahan dahang lumapit si TJ sa kanya at inamoy ang buhok niya.
"Noon manang ka lang but look at you right now you are fresh" at hinimas pa nito ang braso niya.
Mabilis na hinawi ni Venus ang kamay nito kaya tiningnan siya ng masama ni TJ.
"Feisty! Lumalaban ka na sa akin Thea?" at hinila nito ang buhok niya.
"Kung ako sayo bibitawan mo ang buhok ko TJ" banta niya.
"Pinagbabantaan mo ba ako Thea?" nanlilisik na ang mata ni TJ.
Pero hindi nakaramdam ng takot si Venus mas umiral parin sa kanya ang galit sa binata. Hindi niya pinairal ang init ng ulo para makapag-isip ng tamang gagawin.
"Katatapos ko lang magpasalon tapos sisirain mo naman ang buhok ko" katwiran niya.
Binitiwan nito ang buhok niya. TJ and his temper!
"When will you want me to start?"
"Tomorrow. Magbihis ka na muna dahil pupunta tayo sa opisina."
"Okay,Danny? Are you there?"
"Yes Ms.Thea. Ano po ang kailangan ninyo?"
"I need you to prepare my dress to wear for today" utos ni Venus.
"Ano ang ginagawa ng PA mo dito?!"
"Ah may spare room ka naman rito so doon ko na lang pinapatulog si Danny wala na kasi siyang matitirhan."
"Okay."
Nakahinga ng maluwag si Venus dahil hindi na siya pinagdudahan pa ni TJ tungkol kay Dante. Nagbihis siya ng elegante at dinala siya ni TJ sa law firm.
"Hi everyone ladies and gentlemen allow me to introduced to you my wife Thea Masamayor. From now on she will going to be your boss" pagpapakilala ni TJ.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?