Chapter 14 (Milagrosa)

181 4 0
                                    


Isang umaga kararating lang ni Red nang pinatawag siya sa opisina ni Mr.Oh.

Inabutan niya sa loob ang kampanteng nakaupo na si Venus,umupo siya sa tabi nito.

"Nariyan na pala kayong dalawa. We have another mission guys. Nga pala dumating na ba si Dante?"

"Speaking of the devil.." ani Venus.

Naupo si Dante sa isang sofa at nilapag nito ang isang brown envelope.

"Nakuha mo ba lahat ng pinagawa ko hijo?" tanong ni Mr.Oh kay Dante.

"Yes, Mr.Oh. Napag-alaman ko na may murder nga na nangyayari sa Hot Night Bar. Ayon sa napagtanungan ko may mga araw na meron na lang silang natatagpuan na bangkay ng mga dancer nila."

"How about the CCTV?" saad ni Red.

"Too bad hindi kita sa CCTV ang suspect dahil nakatakip ang mukha nito ng isang mask at nakabonet pa ito. So far ay wala pa silang suspect na pwedeng ituro at kung ano ba ang motibo nito para gawin ang krimen."

"Rape" mabilis na tugon ni Venus.

"Yes pwede, pero ayon sa autopsy ng mga police ay hindi ginalaw ang mga babaeng namatay. May mga kiss mark na nakita bukod doon wala na" paliwanag pa ni Dante.

"Hindi madali ang susunod niyong misyon dahil hindi niyo kilala ang suspect. Pero ang gusto ko ay alamin ninyo kung sino ba talaga ang gumagawa ng krimeng ito" ani Mr.Oh.

Gumawa ng plano sila Red,Venus,Dante at Mr.Oh.

"Bakit hindi ako mag-apply bilang waitress doon?" ani Venus.

"Pwede Ms.Venus" pagkumpirma ni Dante.

"What about being a dancer? Mas magiging madali para sa atin na hulihin ang suspect kung ganoon." suhestisyon ni Mr.Oh.

"Paano ang seguridad ni Venus?" saad ni Red.

"Kaya ko Red. Sanay akong maging pain sa kalaban at ayon nga kay Mr.Oh mas magiging madali ang trabaho natin."

"Sigurado ka?"

"Oo kaya ko ang sarili ko Red."

Tumungo na silang tatlo sa Hot Night Bar. Maingay ang paligid at halos karamihan ng naroon ay lalake. Kahit ungas at walang ngipin naroon yata sa nasabing bar.

Nagtungo si Venus sa cubicle kung nasaan ang iba pang dancer.

"Hi, bago ka?" lapit sa kanya ng isang babae.

Tumango lang siya rito.

"Ako nga pala si Myrna. Ikaw?"

"Milagrosa."

Nakita niyang tumawa ang kaharap. Ang bantot naman kasi ng pangalan niya para sa 21st century. Ngali ngali tuloy niyang sakalin si Dante dahil ito ang nakaisip na pangalanan siyang ganoon.

"Anyway, Milagrosa heto ang damit na susuotin mo."

Binigyan siya nito ng isang palda na maiksi at bra na napaliligiran ng laces. Nang isuot niya ito ay napangiti siya sa sarili.

_________________________________________

Lumabas si Venus para hanapin ang mga kasama. Natagpuan niya na nakatayo sa isang gilid si Red at nakasalikop ang dalawang kamay nito.

"Hi handsome" nakangiti niyang bati rito portraying the character of a dancer.

"Kumusta sa loob?"

"Ayos lang, si Dante?"

"Ayun lumabas hindi yata kinaya ang mga umaaligid na mga babae sa kanya."

"Hahaha nerdy! "

"By the way, you look sexy" he complimented.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon