Chapter 38 (The Secret)

142 5 0
                                    


Nang sumunod na araw ay bumalik na rin sila sa Maynila matapos makatanggap ng tawag kay Anton.

"Kailangan niyo na ba talagang bumalik ng Maynila?" tanong ni Hilarie.

"Kailangan kami sa Agila ngayon mom."

"Mag-iingat kayo" isang yakap ang pinagsaluhan ng mag-ina.

"Si Zeus ho?"

"Hi there sis."

"Here is your gift, pasensya na hindi ko naibigay kagabi."

"Thanks sis,I love you" niyakap siya ng kapatid saka hinalikan sa pisngi.

"Jeez! Brat let go!" sigaw ni Venus.

Malambing kasi talaga si Zeus sa kanya. Kaya kahit nabubugbog ito ni Venus ay ayaw niyang may ibang tao ang mananakit rito.

∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽

Nang makabalik sa Maynila ay agad silang tatlo pumunta sa Agila. Pinulong lahat ni Anton ang lahat ng mga agents na natitira para sa isang misyon.

"I call you for a meeting. Alam niyo naman ang ginawa ng wreck gang sa mga kasamahan natin sa Agila. Napag-alaman namin na may mga illegal na negosyo pala sa likod ng grupo na pinamamahalaan noon ni Lucas na ipinasa nito sa anak na si TJ Masamayor who is the current leader of the gang" pagpapaliwanag ni Anton.

"Natagpuan namin ang sentro ng kanilang negosyo. Sila ang taga export ng mga babae abroad for sex extortion" pahayag ni Castillo.

"So anong balak mong gawin sir?" tanong ni Red.

"May yate sila at doon nagaganap ang negosasyon at kasalukuyan ay may mga bihag parin silang mga pilipina. Kaya gusto ko salakayin ninyo ang nasabing yate" saad ni Anton.

"Copy that sir" saad ng lahat.

"Okay! Castillo, lead the team."

Sa gabi pinili nilang salakayin ang yate ng wreck gang.

"Katherine, nakahanda na ba ang mga sasakyan natin?" tanong ni Castillo.

"Yes Castillo, everything was ready."

"Good. Let's do it by two's. Kami ni Dante,Katherine and Dennise at syempre Red at Venus."

Sumakay sila sa isang speed boat para makapunta sa yate. Para hindi sila mahalata ay hindi na nila pinalapit ang speedboat at nilangoy na lang ang papunta sa yate.

Nang makapasok sa yate ay mabilis na kumilos sina Red at Venus. Sinipa ni Venus ang isang pinto ngunit walang tao doon.

"Negative" saad ni Venus kay Red.

"Sa baba ka sa taas ako."

"Roger!"

Nang makababa si Venus ay nakaencounter siya ng mga tauhan ni TJ. She fight with them. Susuntukin sana siya ng lalake ng nasangga niya ang braso nito at siya naman ang sumipa rito. Bago pa ito makahuma ay nabaril na niya ito.

Nang matumba na ang mga utusan na lalake ay sinipa ng babae ang isang pinto na may mga babae sa loob na nagsisigawan at nagkakagulo.

"Settle everyone! Ako si Detective Venus Herrera, safe na kayo" ani Venus.

"Venus? Sila na ba 'yan?" tanong ni Denisse.

"Oo,tulungan mo ako kalagan silang lahat."

"Sige."

"Castillo, come in" ani Venus sa kabilang linya.

"Naririnig kita Venus, ano 'yon?"

"Nasa baba kami ng yate may mga babae rito, call a back-up."

"Sige ipapadala ko si Katherine."

Nang makarating si Katherine sa ibabang bahagi ng yate ay umalis si Venus para hanapin si TJ. Ramdam niyang nasa yate ang dating asawa.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa pag-akyat ni Red sa roof deck ng yate ay nadatnan niya si TJ. Agad niya itong tinutukan ng baril.

"Who are you?!" sigaw nito.

"Red, si Red Klee Sandecker siguro naman naaalala mo na ako,TJ."

"Long time no see brother" ngiting saad ni TJ.

"Huwag na huwag mo ako matawag tawag na brother dahil wala akong kaibigan na mamamatay tao!"

"Hahaha hindi ko kasalanan na kalabanin ako ni Mr.Oh."

"Hayop ka!!! Marami kang pinatay sa mga kasamahan ko sa Agila at ngayon sisiguraduhin ko na magbabayad ka sa batas sa lahat ng mga kasalanan mo."

"Nakalimutan mo na ba ang lahat ng pinagsamahan natin noong nasa highschool pa tayo? Pare..."

"Na sobrang pinagsisihan ko hindi ko alam na ganoon ka pala kawalang hiya."

"Hahahahaha are you still holding a grudge about sa nangyari kay Jake Legazpi? Matagal na siyang patay Red magmove-on ka na."

"Oo matagal na siyang patay dahil pinatay mo siya TJ, demonyo ka!"

"Hahahahaha bakit mo ba kinakampihan ang lalakeng 'yon nagawa mo pa akong traydorin!"

"Dahil si Jake ang nagmulat ng mga mata ko kung gaano ka kasama! Pinagsisihan ko bakit wala akong nagawa noon para pigilan ka pero ngayon sisiguraduhin ko na magbabayad ka sa ginawa mo!"

"Kilala mo si Jake?" ani Venus na nasa likod na pala ni Red.

"Venus?"

"Sagutin mo ang tanong ko! Kilala mo ba si Jake?!"

"Oo."

"At alam mo kung bakit namatay siya pero hindi ka man lang nagsalita?" nakita ni Red ang paglandas ng luha ng dalaga.

"Dahil pinagbantaan ako ni TJ na papatayin niya ang pamilya ko kapag nagsalita ako. I was young back then Venus."

"At hinayaan mong hindi makamit ni Jake ang hustisya na nararapat sa kanya? Kilala mo ba si Jake at ano siya sa buhay ko ha Red? Siya ang first love ko pero hinayaan mo siyang mamatay!" sigaw ng dalaga.

"Patawarin mo ako Venus."

"Patawarin? Mabuti na lang pala hindi kita minahal dahil baka magsisisi lang ako sa huli."

"Hahahahaha what a lovely scene!" halakhak ni TJ.

Hindi nila napansin na may hawak na baril na pala si TJ. Mabilis ang mga pangyayari babarilin na dapat ni TJ si Venus pero mabilis na naiharang ni Red ang katawan at siya ang nabaril. Pagkatapos ay mabilis na umalis si TJ sakay ang speedboat.

Samantala napahandusay naman sa sahig si Red. Natamaan siya sa may kanang bahagi ng tiyan. Maraming dugo ang umagos mula sa binata. Hindi naman nakagalaw si Venus sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa binata.

Nang makita ang mga dugo na umaagos sa binata ay naalala niya ang oras na akala niya ay mamamatay na talaga siya.

"Red! Oh my God. Ano ang nangyari?" pagsaklolo ni Katherine kay Red.

"TJ shoot me,nakatakas siya Katherine" nahihirapan na sa pagsasalita si Red.

"Huwag ka na munang magsalita. Venus, bakit nakatayo ka lang dyan? Lumapit ka muna dito please pigilan mo muna ang pag-agos ng dugo at tatawagin ko sila Castilllo."

"A-ano...." nauutal na saad ng dalaga.

"Venus,ano ba ang nangyayari sayo?"

"P-patawad!"

Agad na tumakbo paalis si Venus.

Nanginginig ang mga kamay niya. She was so shocked and she began hyperventilating.

Mabilis na humanap siya ng emergency kit sa yate at swerte naman na nakahanap siya. Naghanap siya ng tranquilizer saka ininject sa sarili.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon