Matapos ang robbery case which Red handled ay agad silang nagreport sa Agila."Hahaha Good work men. I expect nothing less from you guys kaya alam ko magtatagumpay kayo" ngumingising saad ng director.
"Thank you sir. Anyway, uuwi po sana ako ngayon ng maaga dahil alam niyo na lalambingin ko pa si Louise" at kinindatan niya ang director.
"Hahaha hindi lang sa pakikipaglaban tuso ka Red kundi pati sa ngalan ng
pag-ibig!""Hahaha Siya, sige exit muna si lover boy guys" paalam niya sa mga kasamahan.
Sinundo niya sa pinagtatrabahuhang paaralan si Louise.
"Hi" bati niya rito.
"Hello. Bakit nandito ka?"
"Ayaw mo ba na nandito ako?"
"Hindi naman sa ganoon pero 'di ba may trabaho ka pa?"
"Natapos ko na kaya nga nagpaalam ako sa Agila na uuwi ng maaga para masundo kita."
"Good."
"May klase ka pa?"
"Wala na, katatapos ko lang
i-dismiss ang mga bata.""Okay. So saan mo balak kumain?"
"Hmmm...sa bahay na lang kaya. Alam ko na magluluto ako ng bago kong putahe."
"Copy that!"
Nang makauwi ay agad na nagluto ang kasintahan.Tumayo si Red sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Louise, niyakap niya ito mula sa likod.
"Hmm...smell so good?"
"Ako o iyong pagkain?"
"You" anas ni Red sa tainga nito.
"Hahaha sus bolero."
"Should I eat you tonight love?"
"Tumigil ka nga ang mabuti pa tulungan mo ako i-set ang mesa para makakain na tayo."
Ngumiti siya rito. Louise was not an easy girl kahit ilang buwan na silang magkasama sa bahay ay minsan lang may nangyari sa kanila.
Napakaunderstanding ng dalaga lalo na sa pinili niyang trabaho. Being a detective was not easy,it's a life risk. Any moment pwede siyang mamatay but he love his work. At laking pasasalamat niya sa nobya na kasama niya ito.
Naputol lamang ang pagmuni muni ni Red nang ilapag ni Louise ang niluluto sa harapan. Nanunuot sa kanyang pang-amoy ang pagkain kaya bigla tuloy siyang nagutom. Nasiyahan naman si Louise nang makitang ganadong ganado si Red sa pagkain kaya sinabayan niya na ito.
"Nga pala may three day seminar kami sa Batangas okay lang ba kung sumama ako?"
"Oo naman."
"Ayos ka lang ba dito kapag wala ako?"
"Maaasahan mo ako sa lahat ng bagay kaya no worries and the end I wanted you to enjoy."
Tumayo si Louise sa kinauupuan at tumayo para yumakap sa binata.
"Thank you."
_________________________________________
The next day, inihatid ni Red ang nobya sa terminal bago pumasok sa trabaho. As usual pagdating sa trabaho ay sandamakmak na paperworks na naman ang hinarap ni Red. He was so engrossed writing his report in robbery case.
Ilang saglit ay nilapitan siya nang isang kasamahan niyayaya siya magbar hopping.
"Sige na Castillo kayo na lang at kailangan ko pang tapusan 'to."
"Sus mamatay kang loyal lover boy" tudyo nito.
"Huwag mo kasi akong itulad sayo Castillo ikaw din baka mamatay kang may AIDS sa rami ng babae mo baka pati mukhang binabae pinapatulan mo."
"Hahaha syempre gwapo eh kaya habulin."
"Baka liparin ka niyan Castillo" kantiyaw ni Dante rito.
"Tigilan mo ako nerd! Siya sige aalis na kami."
Nerd ang bansag ng ibang detective kay Dante dahil sa salamin nito sa mata.
"Oh bakit hindi ka sumama sa kanila?"
"Ayaw ko lang mamatay sa AIDS sir."
"Hahaha gago. Anyway, since nandito ka na lang din pakisend na lang ang ibang data ng robbery case sa account ko."
"No problem."
Nangangawit na si Red sa kinauupuan. Sumasakit na din ang daliri niya sa kakatipa sa harap ng computer. Sumandal muna siya saglit at ipinikit ang mata.
"Nagugutom ka na sir? Gusto mo magpapadeliver ako ng pagkain?"
"Mabuti pa nga Dante."
Sir ang tawag sa kanya ni Dante dahil senior siya nito sa Agila. Pagkatapos kumain matapos makapagpahinga ng kaunti ay mabilis na bumalik sa trabaho si Red. Kailangan niyang tapusin ang report para mai-submit sa director.
"Sir, ipinapatawag ka ni Mr.Oh" wika ni Dante.
"Bakit daw?"
Nagkibit balikat lang sa kanya ang kasama. Inilagay niya sa flashdrive ang report bago tumuloy sa opisina ni Mr.Oh.
"Sir, pinatatawag niyo daw ako?"
"Yes. Have a sit."
May pinakita sa kanya ang director na blue envelope.
"What's this?"
"It's a data about Vice President Hernandez in H-Group Company."
"And what about him?"
"There's a rumor saying na lahat ng nagiging secretary niya ay bigla na lang nawawala for unknown reasons."
"Rumors? Dalawa lang ho 'yan maaaring totoo o 'di kaya kasinungalingan lang."
"Mismo. Kaya gusto ko manmanan mo si Mr.Hernandez."
"Sige ho sir pupuntahan ko lang si Dante para mabrief sa bagong kaso."
"No. May pinagawa akong ibang kaso kay Dante. Ipapartner kita sa iba but for now nasa Cebu siya kaya ikaw na muna ang kumilos."
"Ah ganoon ba. Sige sir, just call me kung nandyan na ang bagong partner ko."
Matagal ng nagtatrabaho sa Agila si Red kaya minsan sa kanya talaga binibigay ang mga kaso. He is Red Klee Sandecker. Ang dad niya ay isang Navy officer na nakabase sa Chicago kaya naroon na din tumira ang pamilya nila. Sa magkakapatid siya lang ang bumalik sa Pilipinas.
Minsan dinadalaw siya ng mga ito sa bahay pero bihira lang. Ayos lang naman din iyon sa kanya dahil pinalaki siyang independent ng magulang. He is half American kaya namana niya ang American feature sa ama.
Sa paglipas ng panahon ay naging tan na siya kaya hindi malaman na may half siya maliban sa matangos na ilong. His sisters have blue eyes siya lang yata ang nagmana sa ina na kulay itim ang mata. But he love his eyes isang patunay iyon na Pilipino siya.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?