Chapter 42 (Goddess met Red Beast)

135 5 1
                                    


TJ ripped her clothes living just her undies. Napapaliyad ang dalaga at napapaungol sa ginagawang paghaplos sa kanya ng lalake.

Galit na galit si Red sa nasaksihan.

"Oh nandyan ka pa ba Red? Hahaha sige hindi ko na muna gagalawin si Venus. Gusto kitang pagbigyan. I'll send you my address pero huwag na 'wag ka magsama ng taga Agila kundi magpaalam ka na kay Venus."

Nareceive ni Red ang location nila TJ. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na pinuntahan ang address na sinasabi nito.

Nakarating na siya sa area.

The lights were off and no one was around-just the way he like it when entering a facility where everyone inside wanted to kill him. The feeling was so familiar. Red once known to be the most dangerous man on Agila.

Malupit siya sa bawat laban na ginagawa niya pero nagbago lang siya nang makilala si Louise. Ngayon ipapakita niya kay TJ na nagkamali ng kinalaban ang lalake.

May tauhan ang humarang sa kanya kaya marahas niya itong sinipa sa mukha. Akmang susugod ang isa pang kasamahan nito pero nasangga niya ang suntok nito saka siya naman ang sumipa rito.

"TJ! Saan ka hayop ka?!" sigaw ni Red.

Pero walang sumagot.

Mayamaya ay may dumating pa na grupo ng tauhan ni TJ. He beat them all at only three minutes. Hindi niya hinayaang makatayo pa ang mga ito.
Agad na hinanap ni Red si Venus. Natagpuan niya ang dalaga sa isang kwarto sa second floor.

"Venus? Venus!" niyugyog niya ang balikat ng babae.

"Hmmm... Red? Ano ang nangyari? Pagkatapos nila akong pinainom ng juice na may drugs I was totally blank."

"Are you okay?"

"I'm fine."

Kinalagan niya si Venus saka hinubad ang polo para isuot ng dalaga pagkatapos ay binuhat ito,aalis na sila sa lugar na 'yon.

"Oops! Sinasabi ko na talaga at ililigtas mo talaga ang babaeng 'yan!" ani TJ na nakatutok ang baril sa kanila.

"Get out of are way TJ!" banta ni Red.

"Hahaha 'wag mo akong itusan Red."

"Kumapit ka ng mabuti babe" bulong ni Red kay Venus.

Mabilis na sinipa ni Red ang baril na nakatutok sa kanila kaya tumilapon ito sa sahig akma itong kukunin ni TJ pero maagap na naiputok ni Red ang baril sa tiyan ng lalake.

Bumaba na sina Red at Venus pero ng malapit na sila sa pintuan ay napapaligiran na sila ng wreck gang.

"Put me down" utos ni Venus.

"Ano ang binabalak mong gawin?"

"I will fight with you."

"Don't be silly Venus may sugat ka pa sa binti."

"Konting sugat lang 'yan kaya ko pang lumaban."

Napabuntonghininga si Red matigas talaga ang ulo ng dalaga kaya pumayag na rin siya sa huli. They stand back to back.

Unang sumugod si Venus agad niyang tinadyakan ang lalakeng nasa harap bago binigwasan ang nasa kanan. She roll down the floor then shoot the enemy, naagaw niya kasi rito ang baril.

Inilagan naman ni Red ang bawat suntok ng kaaway bago pinatid ito saka tinadyakan sa tiyan. They put all the enemy on the floor with just the two of them.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga kasamahan nila sa Agila at sila na ang humuli sa mga natitira pang miyembro ng wreck gang.

Nang makita ni Venus si TJ ay nanumbalik na naman ang galit niya para sa binata hindi niya napigilan na hindi bigwasan ang mukha ng lalake.

"Venus,tama na 'yan."

"Masaya ka na Venus?" saad ni TJ.

"Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo sa akin TJ. Ngayon sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan. Matutulog ka sa malamig na bakal ng selda at doon ka mamamatay na
mag-isa!" duro ni Venus rito.

Ipinasok na sa mga sasakyan si TJ at mga miyembro ng wreck gang.

"Venus, ayos ka lang ba hija?"

"Dad? Opo,ayos lang ako daplis lang ito."

"Oh my goddess daughter look at you righ now. Nasaan ba iyang si TJ at makakatikim siya sa akin" galit na saad ng ama.

"Dad,calm down ayos lang ho talaga ako konting pasa lang ito."

"Siya sige, Red pwede mo ba samahan muna si Venus please pakigamot muna ang mga sugat niya matigas ang ulo niyan alam kong hindi 'yan pupunta ng hospital kahit na sabihin ko pa" bilin ni Anton.

"Yes sir."

"Salamat,ako na ang bahala sa kaso ni TJ so just rest at home Venus."

Tumango siya sa ama.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Si Red na ang naghatid kay Venus sa apartment nito.

"Saan ang emergency kit mo?"

"You should go home, kaya ko na ito."

"Hindi mo naman kailangan solohin lahat Venus,nandito na ako."

"Hindi lang ako sanay. Alam mo naman matagal na panahon na ako lang mag-isang kumikilos."

"Then sanayin mo na ang sarili mo dahil kasama mo na ako ngayon" ginagap niya ang kamay nito.

"Thank you for salvaging me from TJ."

"Welcome babe" saka pinisil ni Red ang tungki ng ilong nito.

Matapos gamutin ay nagpaalam na si Red sa dalaga para umuwi.

"Babalik na lang ako rito bukas."

"What for? Sabi ko sayo Red na kaya ko na ito. Pumasok ka na lang sa Agila I'm sure kailangan ka doon."

"Say all you need to say I will still go here tomorrow."

"Stubborn" she hissed.

"Nagsalita ang hindi."

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Venus rito. Inignora lang siya ng binata at nagtuloy tuloy na pumasok ng kotse.

"Did you just turn your back on me?" sigaw nito.

"Magpahinga ka na Venus. Sige na aalis na ako."

Inismiran siya ng babae saka ito pumasok sa loob.

Kinabukasan tulad ng pinangako niya sa dalaga ay nagtungo nga si Red sa bahay nito.

"Hmmm...tinutuo mo pala talaga ang sinabi mo kagabi."

"I told you."

"Oo na. Did you already have your breakfast?"

"Just coffee."

"Tamang tama nagluluto ako ng breakfast. Why don't you join me?"

Umupo si Red sa mesa at minamasdan lang ang dalaga sa ginagawa nito.

"Need a hand?"

"No,umupo ka lang dyan."

Mayamaya nabigla si Red  hinawakan ni Venus ang butcher knife at malakas na hinampas sa chopping block o chopping board. Halos mahati ang kawawang chopping board.

"Hey! Don't stare me like that hindi ako nakakaconcentrate dito" ani ng babae.

"Hindi mo yata sinusunod ang
No-Using-of-Violence babe."

"Whatever. Naikwento nga pala sa akin ni Castillo ikaw pala si Red Beast?"

"Ah iyon ba."

"Bakit malayong malayo si Red Beast sayo?"

"Matagal ko ng tinalikuran ang pangalang 'yan."

Marahas siya bilang Red Beast. Marami na siyang napatay sa mga kamay niya. Sumali na rin siya sa mga underground fights dati at wala siyang sinasanto.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon