Chapter 17 (Bloodstained)

176 3 0
                                    


Isang araw inutusan sila ni Mr.Oh pumunta sa farm house para sa isang misyon. Doon nila nakilala ang may edad na may-ari na si Mang Gusting.

"Nalintikan na! Hindi ko naman alam na ang misyon pala na gustong ipagawa sa atin ni Mr.Oh ay manghuli ng takas na biik sa putikan!" pagrereklamo ni Venus.

"Ms.Venus sa harapan ninyo!" sigaw ni Dante.

"Oo nakikita ko ang biik Dante! Leche!"

Nang akma ng huhulihin ni Venus ang biik ay nadulas siya kaya nasubsob ang katawan niya sa putikan.

"Bwisit na biik! Huwag kang magpapahuli sa akin at kakatayin kitang hayop ka!" nanggagalaiting saad ni Venus.

Hindi na napigilan nina Red at Dante na hindi matawa sa sinapit ng dalaga.

"Tsk.Bakit hindi mo bigyan ng Goddess Sting ang biik baka sakali ay mahuli mo na" pang-aasar ni Red na sinabayan pa ng malutong na halakhak.

"Ano ang tinatawa tawa mo dyan ha Red? At ikaw din Dante, gusto mo dito kita ilibing sa putikan kasama ang bwisit na mga biik na 'yan!"

"Hindi po ako tumatawa Ms.Venus" pagkakaila pa ni Dante.

Dumukot ng putik si Venus sa kamay saka ibinato kina Red at Dante. Hanggang silang tatlo na ang nagbatuhan ng putik.

Nang makauwi ay nagbabad ng ilang oras si Venus sa bathtub. Aminado siya na nag-enjoy siya makipagbatuhan ng putik kina Red at Dante. Ngayon lang ulit siya tumawa at naging masaya simula ng nangyari sa kanya.

Mayamaya tumunog ang kanyang cellphone. Inabot niya ang tuwalya at nilagay sa hubad na katawan para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Ms.Venus?"

"Ano ang kailangan mo Bunny?"

"Tumawag ako para sabihin na nasa Pinas na si TJ."

"Nasaan ang walang hiyang 'yan?" punong puno ng pait na saad ni Venus.

"Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang lokasyon niya."

"Tawagan mo na lang ako ulit kapag may balita ka na. Bye."

Kumuha si Venus ng tubig para mahimasmasan ang kanyang galit.

"Hayop ka talaga TJ! Sinisigurado kong magbabayad ka sa lahat ng kahayupang ginawa mo sa akin."

Hindi napansin ni Venus na nabasag na ang basong hinahawakan niya mayamaya umagos na ang dugo sa kamay niya.

Biglang naalala ni Venus ang araw na may nagtangka sa buhay niya hanggang nagdilim na ang kanyang paningin. Pero bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin ay nasagot niya pa ang tawag ni Mr.Oh.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Kasalakukuyang ginagawa ni Red ang mga naiwang files sa kanyang mesa ng lumapit si Mr.Oh.

"Red,alam mo naman 'di ba ang bahay ni Venus. Pakisuyo nga ako hijo puntahan mo nga ang apartment ni Venus tila kasi may nangyari sa kanya. Pakicheck na lang kung pwede may narinig kasi akong kalabog sa bahay niya."

"Sige po."

Agad siyang pumunta sa apartment ng babae. Pagkarating ni Red ay tila walang tao kaya minabuti niyang subukang buksan ang pinto at mabuti na lang hindi parin kinakalawang ang galing niya sa pagbubukas ng pinto kahit walang susi.

"Venus?" tawag niya sa dalaga.

Walang sumagot, kaya nagtungo siya sa kwarto nito wala doon ang babae. Babalik na sana siya sa Agila nang mahagip ng kanyang peripheral vision si Venus.

Natagpuan niyang nakahandusay si Venus at duguan. Binuhat niya ito sa sofa saka kumuha ng gauze at bandage sa emergency kit na nasa dingding. Ginamot niya ang sugat ng walang malay parin na babae.

Mayamaya,naramdaman niya ang paggalaw ng dalaga.

"R-Red? Ano ang ginagawa mo dito?"

"Mr.Oh ask me to be here, nag-alala siya sayo nang makarinig siya ng kalabog rito. Hindi ko naman alam na balak mo pala magsuicide" he smirked.

Naalala ni Venus ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Naikuyom niya ang kamao pagkatapos.

"Huwag mo masyadong pinupwersa iyang kamay mo kung ayaw mo mawalan ng kamay."

"Ayos na ako pwede ka ng umalis" malamig na saad ni Venus.

"Tsk. You should be working out your manners Venus.

Ni hindi man lang nagpasalamat sa kanya ang babae, ibang klase talaga.

"Siya sige aalis na ako 'wag kang magsuicide ulit ah."

Sinuntok lang naman siya ni Venus sa tiyan matapos sabihin iyon saka nagtuloy tuloy sa kwarto at binalibag pasara ang pinto.

"You're welcome Venus!" sigaw niya rito.

Napailing na lang si Red at saka lumabas ng apartment ng dalaga.

*flashback*

Binilisan ni Thea ang paglalakad dahil alam niyang uuwi na ng mga oras na iyon ang amain.

At tama nga siya sa hinala pagkarating pa lang niya sa may tarangkahan ay naghihintay na ang kanyang amain. Nanginig siya sa takot pero lumapit parin siya dito para magmano.

"Mano ho tiyong."

"Kaawaan ka.....lintek kang bata ka!" at isang sampal ang dumapo sa pisngi niya

"Tiyong bakit ho?"

"Bakit? Bakit! Hindi ba sinabi ko sayo na itigil mo 'yang pag-aral-aral mo na 'yan. Imbes na gugulin mo ang oras sa walang kwentang bagay na 'yan ay tumulong ka maghanap buhay."

"Pero tiyong nagtatrabaho din naman po ako bago pumasok sa eskwela."

"At talagang mangangatwiran ka pa. Hala pasok!"

Nang makapasok ay isang sampal na naman ang dumapo sa pisngi ni Thea at sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang sumadsad sa sahig.

"Ano Thea, mangangatwiran ka pa? Ang mabuti pa magluto ka na at nagugutom ako" utos ng amain.

"Opo,tiyong."

Mabilis na kumilos si Thea ayaw niyang pagbuhatan ulit siya ng kamay ng amain. Mula nang mawala ang kanyang ina ay nagbago na ang pakikitungo sa kanya ng amain.

Nagpapasalamat na lang siya hindi pa siya nito pinapalayas. Titiisin niya na lang muna ang pag-uugali ng lalake.

"Tiyong,kain na ho tayo" tawag niya rito.

"Sardinas na naman? Ay bwisit na buhay naman 'to. Iyan na lang ba lagi ang ipapakain mo sa akin ha bata ka?!"

"Eh tiyong 'yan lang kasi ang mura sa tindahan ni Aling Tasing."

Isinaboy ng amain sa kanya ang ulam na sardinas saka ito umalis ng bahay. Naiwan si Thea na umiiyak at pinupulot ang sardinas na sana'y kanilang ulam ng gabing iyon.

*end of flashback*

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon