Nagising si Red ng marinig ang sigaw ni Venus."Venus? Venus gising!" niyugyog niya ang balikat nito.
"H-Huwag! Ha? R-Red?" napaiyak ang dalaga ng makita siya.
"What's wrong?" yakap ni Red rito.
"Sasaktan niya ako Red! Sasaktan niya ako! Nagmakaawa ako sa kanya pero..."
"Sino?"
"Si TJ sasaktan niya ako" sinisinok na saad ni Venus.
Kumuha si Red ng tubig at pinainom sa dalaga. Ngayon niya lang nakita naging ganito ang babae. Ngayon niya lang nakitang umiyak ang babae buhat ng makasama niya ito sa Agila.
Tila ibang tao ang nasa harap niya ngayon at hindi ang Venus na marahas at tanyag na Goddess sa underground fight.
Ilang saglit pa ay nahimasmasan na rin si Venus matapos i-inject ang kanyang sarili.
"What's that?"
"Iniinject ko ang sarili ko para kumalma. It was just a tranquilizer."
"Para saan?"
"(Sigh) I have PTSD. And everytime na nangyayari ito I just need to inject myself to calm."
"Post traumatic stress disorder? Paano ka nagkaroon ng ganyan?"
Biglang tumayo si Venus binuksan ang katabing bintana. Lumapit si Red sa tabi nito.
"Sinabi ko naman sayo kahit hindi kaibigan ang tingin mo sa akin you are still free to tell me pero kung hindi ka pa talaga handa sabihin sa akin.."
"No,siguro dapat niyo na din malaman kung sino ako" putol ni Venus sa iba pang sasabihin ng lalake.
"Alam mo na 'di ba na ampon ako ng mga Herrera? Sa katunayan ay nakita lang nila ako sa labas ng bahay nila dati tapos nagdesisyon sila na ampunin ako."
"Paano ka napunta sa labas ng bahay nila?"
"Tumakbo ako sa gitna ng
pag-aagaw buhay. Ang nasa isip ko ng mga oras na iyon siguro pwede na akong mamatay dahil wala naman pamilyang naghihintay sa akin.""Sino nagtangka sa buhay mo?"
"I don't know at hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino. Binaril niya ako in my right breast pero tinulungan ako ng mga Herrera makaligtas sa kamatayan lalo na si dad he trained me abroad para mas lumakas ako. Pinag-aral niya ako doon ngunit sa kabila ng pagkaroon ko ng pamilya hindi parin maiaalis ang galit..ang galit ko para sa mga taong gumawa sa akin ng kahayupan" nagpupuyos sa galit na bulalas ni Venus.
"At ano ang kinalaman ni TJ Masamayor sayo? Bakit mo siya pinapahanap sa akin?"
"Dahil a-ako si T-Thea Ignacio ang asawa ni TJ."
"Just what I concluded from the first place" he whisper.
"Hahaha ang laki kong mangmang para hinayaan si TJ na gawin ang lahat ng kahayupan niya sa akin" she bitterly laughed.
"Venus..."
"Pero hindi na mangyayari iyon dahil hahanapin ko siya para pagbayarin sa lahat ng kahayupan niya at sisiguraduhin ko na luluhod siya sa mga paa ko at magmamakaawa sa buhay niya."
"Venus...."
Bawat kalamnan niya ay gustong patayin si TJ. Naalala niya noon kung paano nalapnos ang balat niya nang sabuyan nito ng mainit na likido buti na lang sa tulong ng bagong pamilya ay nagawa nitong ibalik sa dati ang ganda ng kanyang mukha.
Tiniis niya ang ilang buwan na pilat sa kanang bahagi ng pisngi bago ito naghilom.
"Madaling araw na pala magluluto na ako dahil maaga pala akong pupunta sa resort."
Akma ng tatalikod si Venus when Red hug her from behind.
"What are you doing?" pagpupumiglas ni Venus.
"Stay still" bulong niya rito.
"Bakit ba? Ano ba! Sinabi kong magluluto na ako."
"I know you're not okay."
"Okay ako! So pwede bitaw na!"
Hindi parin siya binitawan ni Red. Napikon na si Venus kaya inapakan niya ang paa ng lalake saka buong lakas na hinawi ang braso ni Red.
Pero bago pa man siya tuluyang makawala ay nahablot siya nito at pareho silang bumagsak sa kama. Nasa ibabaw si Venus, aalis na sana siya ng mas hinigpitan ni Red ang pagkakayakap rito.
"Red! Ano ba!" she hissed.
"Maganda ka pala sa malapitan Venus" anas ng binata.
May pagkachinita ang mga mata ni Venus, matangos ang ilong at manipis ang labi nito.
"Nahihibang ka na ba ha Red?"
"Call me anything pero pagkatapos ng halik kagabi ay hindi na ako pinatulog ng letseng halik na 'yan!"
"It was just a game for petty's sake.The Goddess sting remember?"
"I don't care! Wala akong pakialam kung ano ang tawag mo sa halik mo but one thing is for sure I want more of your sting!"
Kung iniisip niyo na nababaliw na si Red 'wag kayong mag-alala iniisip niya na rin iyon. After that kiss they shared alam ni Red na laro lang iyon pero ibang iba ang dulot niyon sa kanya tila lason ito na unti unting kumakalat sa buong katawan niya.
Hindi niya akalain na ganito ang dulot ng Goddess Sting ni Venus. Habang gulat na gulat si Venus sa sinabi ng binata ay kinuha iyon ni Red na pagkakataon para ipagpalit ang kanilang posisyon. He was on her top now.
"Red!" banta ni Venus.
"Sabihin mo na laro lang ang halik na 'yon at hindi mo nagustuhan Venus, pagkatapos itong gagawin ko sayo."
Dahan dahang ibinaba ni Red ang mukha saka ginawaran ng banayad na halik ang babae. At first he was teasing her at hindi naglaon naramdaman niya na tumugon si Venus sa mga halik niya.
Ilang saglit pa ay bumaba ang halik ni Red sa leeg nito.
His kiss her hungrily but softly.
Pagkatapos ay nagsimula ng hubarin ni Red ang blouse ng dalaga next her bra exposing her full breast. Nabigla si Red ng makita ang peklat sa kanang bahagi ng dibdib ni Venus.Naalala niya ang sinabi nito na binaril siya sa kanang bahagi ng dibdib. Hinawakan ng binata ang peklat pero mabilis na hinawi ni Venus ang kamay niya.
Agad na kinuha ni Venus ang bra saka isinuot at nagtuloy tuloy sa kusina. Sinundan siya ng binata.
"Venus.."
Itinaas ni Venus ang kamay giving him a sign to stop. Inabala ni Venus ang sarili sa kusina habang nakamasid lang sa tabi niya si Red. Mayamaya may kumatok sa pinto.
"Ligaya,gising ka na ba halika na naghihintay na sa atin si Jelay sa pwesto" tawag ni Anna.
"Sandali nariyan na."
Tiningnan lang siya ni Venus bago ito lumabas ng pinto.
Gustong suntukin ni Red ang sarili bakit ginawa niya iyon kay Venus alam naman niya ang pinagdaanan nito sa kamay ni TJ pero nakuha niya pa na muntik angkinin ito.
Damn man!
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
AkčníShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?