Chapter 10 (Goddess Sting Encounter)

217 6 0
                                    


Balik Maynila na sila Venus, Red at Dante sa sumunod na araw dahil sa nahuli na nila ang puganteng australiano.

"So is this a goodbye kuya?" ani Zeus kay Red.

"We will see each other again someday man" tugon ni Red rito.

Nang magyakapan sina Zeus at Red naitirik na lang ni Venus ang mga mata sa kadramahan ng dalawa.

"And to my beautiful sister, do visit us here if you have spare time" baling ni Zeus.

"Okay. Huwag ka maging magulo dito at mag-aral ka ng mabuti Zeus. No bar hopping! This time I have eyes everywhere."

Tumango sa kanya ang kapatid saka nakipagfistbump sa kanya ang dalaga.

Nang makabalik isang araw lang naging pahinga nila at balik trabaho na naman sila sa Agila.

"You want to go somewhere later, love?" tanong ni Red kay Louise.

"May assembly meeting kami para sa mga parents sa school baka malate ako sa pag-uwi.

"How about tomorrow?" paglalambing pa niya sa nobya.

"Hmm...kailangan ko magreport sa faculty dahil may taga division office ang pupunta para tingnan ang mga cards ng mga bata. I'm sorry."

"It's fine, papasok na lang din ako sa Agila. Text me later susunduin kita."

"Yes,love."

Matapos maihatid si Louise sa school na pinapasukan nito ay dumiretso na sa Agila si Red. Nadatnan niya doon sina Venus at Dante.

"Come on Dante kick higher man!" sigaw ni Venus rito.

"Pwede magpahinga muna ako saglit Ms.Venus?"

"One more round nerdy and then you can rest."

Napangiti si Red sa nakita. Halos naliligo na sa sariling pawis si Dante habang si Venus ay kampanteng naupo sa isang stool.

"Good morning guys!" bati niya sa dalawa.

"Walang maganda sa umaga ko sir" humihingal na saad ni Dante.

"Focus Dante!" sigaw muli ni Venus.

"Chill Venus ke aga-aga mainit ang ulo mo."

"Tigilan mo ako Red at isa pa makikita mo din ang maging progress ni Dante at the end of the the day."

"Talaga lang ah? Or you'll send him on his early grave."

Matalim na tingin ang ipinukol ng dalaga kay Red.

"Ms.Venus tapos na ako."

"Alright! Dismiss!"

Napahiga si Dante sa boxing ring at tila nanalo sa lotto kung makangiti sa kawalan.

"Pull yourself together Dante" sita ni Venus.

Nagpunta si Venus sa sariling cubicle at saka binuksan ang sariling laptop. She was engrossed when her phone ring off the hook. Hindi niya ito pinansin hanggang muli itong tumunog.

"Hindi mo ba sasagutin?" ani Red.

Kinuha ni Venus ang cellphone sa bag.

"Hello."

"Uy Ms.Venus kumusta?"

"Ano ang kailangan mo Bunny?"

"Gusto mo lumaban? May laban sa underground mamaya."

"Busy ako Bunny."

"Isang million ang premyo Venus sayang naman."

"Sige, darating ako."

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon