Chapter 48 (AlBraRusChi)

101 3 0
                                    


Nang umuwi si Venus ay nagulat siya nang madatnan si Hilarie at Zeus sa apartment.

"Mom?"

"Hi sweetie, lumuwas na kami ni Zeus para bisitahin ka rito sa apartment. Naku anak ano ba naman itong bahay mo magtatayo ka ba ng kulto or what?"

"Narinig ko na iyan kay Jelay at Anna. What's wrong with my house?"

"What's this all black stuff hija. Naku wala ka na ngang lovelife, ang boring pa ng kwarto mo."

"Mom,actually sorry kung ngayon ko lang ito sasabihin pero ..."

She stop when someone rings her doorbell.

"Zeus, pakibuksan nga ang pinto" utos niya rito.

Nabigla si Venus ng nakasunod na sa  likod ng kapatid si Red.

"Hi babe I brought some pizza. Hindi ko alam na nandito pala sina tita."

"Babe? Oh my God! May relasyon kayo ng anak ko?" gulat na gulat si Hilarie sa narinig.

"Yes tita. Hindi pa po ba nasasabi sa inyo ni Venus?"

"Athena?" baling ng ina sa dalaga.

"I know,I know mom. Iyon na nga sana ang sasabihin ko kanina."

Awkward.

"Sige hijo, maupo ka. Athena, ipagtimpla mo na siya ng juice dali."

"Yes mom."

Nagkaroon si Red ng instant Q and A portion sa mommy ni Venus.

"Kailan ka niya sinagot hijo?"

"A week after pumunta po kami ng Cebu."

"Ah,hindi ka naman ba pinapahirapan ni Athena? Alam mo naman ang babaeng 'yan ang tigas ng ulo."

"Actually yes tita."

"Hey! Wanna do a one on one?" at ipinuwesto ng dalaga ang kamao.

"Athena!" saway ni Hilarie.

"Nagbibiro lang po hahaha" naupo siya sa tabi ng binata saka ito niyakap.

"Sige maiwan ko muna kayo" ani Hilarie sa dalawa.

"Kumusta ang lakad mo?" tanong ni Red rito.

"Ayos lang, ayun natuwa si tatay dahil nagsalo kami sa mga pagkain na dala ko."

"Mabuti naman. Ano pala ang ginagawa dito nina tita?

"Dinadalaw daw nila ako. Ewan ko ba sa dalawang 'yan ngayong nasa Cebu na si dad siya naman ang iniwan ng dalawa."

"Baka namiss ka lang nila, hayaan mo na."

Nagkibit balikat na lang ang dalaga.

"Nga pala tinawagan ako ni Katherine kanina she was talking about this AlBraRusChi thing."

"Iyon ba it was an emerge nation na nagdidistribute ng flaka sa iba'i ibang bansa."

"Flaka?"

"Sabi ni Dante it was a cheap drug made of bath salt."

"Huwag mong sabihin nadistribute na dito sa ating bansa ang flaka?"

"Apparently, ayon sa informante ni Katherine ay wala pa sa ngayon but we don't know kumikilos na sila."

"Tsk.nangangamoy bagong misyon na naman ito panigurado."

Kinabukasan ay nabalitaan ni Venus na nasa hospital si Lucas sinaksak daw ito habang tulog ni TJ.

Mabilis na pinuntahan niya ang hospital kung nasaan ito nakaadmit. Nadatnan niya na nagpapahinga ang ama ng dumating siya. May pulis sa labas na nakabantay.

"Itay?"

"Thea? Bakit narito ka?"

"Nabalitaan ko ang nangyari sayo. What happened?"

"Nagalit si TJ sa akin kaya niya ako sinaksak kagabi habang tulog."

"That bastard!"

"I'm okay hija. Nagrequest na rin ako na ilipat ng selda si TJ."

"Magandang balita 'yan. Baka kasi kung magtagal pa si TJ sa selda na kasama ka ay hindi lang 'yan ang gawin niya. Kilala niyo naman 'yon halang talaga ang kaluluwa."

"Huwag ka na mag-alala anak. Hindi niya na ako magagalaw pa."

"Dapat siguro ay asikasuhin ko na ang kaso ninyo 'tay."

"Naku Thea no need to do that. Alam ko sobrang busy mo na ayaw ko ng dumagdag pa."

"It's okay. Sige ho magpahinga na ho kayo babalik na lang ako bukas kailangan ko pa kasing pumunta sa law firm."

"Sige hija, ingat ka."

Habang binabasa ni Venus ang mga reports ng mga kaso na hinahawakan ng kanilang law firm ay biglang sumulpot sa opisina niya si Lileth.

"How dare you to barge in my office Lileth" ani Venus.

"Ikaw ang kapal ng mukhang magpakita rito matapos mong ipakulong si TJ. Wala ka ng karapatan pumunta rito gayong divorse na kayo ni TJ!" asik ng dalaga sa kanya.

Tinawanan lang ni Venus ang babae tila hindi pa nito alam kung sino siya.

"Hahaha hindi ka yata nainform na ako ang anak ni Lucas Ignacio, Lileth. So bago ka sumugod dito alamin mo muna ang lahat. Nagmumukha ka tuloy tanga sa ginagawa mo."

"Damn you!"

"Get out."

"Ito ang tatandaan mo Thea o Venus o kung sino ka man kung kinakailangan na patayin kita sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko."

Hindi niya na lang pinansin ang sinabi ng babae. Nagfocus na lang siya sa trabaho.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Isang hapon ay nabulabog na lang ang buong ka Maynilaan sa ilang grupo ng mga tao na hinahabol ang sinumang makasalubong nila saka nagpapakita ng aggresibong pagkilos. Kinakagat at nananakit sila ng kapwa tao na tila mga zombie.

Sa simula ay hinuli sila ng pulisya pero panibagong grupo ng mga tao ang gumagawa na naman ng gulo.
Ipinatawag sila Red,Venus at iba pang miyembro ng Agila ni Mr.Vistal.

"Nabalitaan naman ninyo ang nangyayari ngayon dito sa sentro. Hindi natin alam kung bakit nagiging aggresibo at tila nagiging zombie ang ilan sa mga tao" pahayag ng director.

"Zombie? Eh sa horror film lang naman iyon napapanood sir" tawa ni Castillo.

"Hindi zombie pero kilos zombie Castillo" sabad ni Dante.

"Ano ang ibig mong sabihin Dante?" ani Venus.

"Base sa ginawa kong research ang flaka ay mayroon hallucinogenic properties ito ang dahilan na kilos zombie ang mga tao."

"What? So what are we going to do?"

"Pigilan ang distribution ng flaka. Kaya kailangan natin malaman kung saan ang kuta ng mga taong may kinalaman dito" saad ni Red.

"What about the people na apektado na sa flaka?" ani Denisse.

"Dante,sigurado naman may alam ka?" tanong ni Katherine.

"Well, there are pharmacological treatment for hallucinations."

"Kung ganoon kailangan na natin kumilos bago pa mapuno ng zombie ang Maynila" ani Castillo.

Agad silang bumuo ng team para mahanap ang kinaroroonan ng AlBraRusChi group.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon