Pinagpatuloy ni Venus ang pagsama sa paggawa ng kwintas na gawa sa seashells. Ang sabi ni Anna sa katabing resort daw nila dinidisplay ang mga gawang kwintas. Inanyayahan nga siya ng dalawa na sumama sa kanila"Ay naku ang yummy talaga ni Marcelo ano?" palatak ni Jelay.
"Uy asawa ko 'yang pinagpantasyahan mo ha Jelay gilitan kita ng leeg dyan."
It came out naturally on her mouth tila mag-asawa talaga sila ni Red.
"Wala naman akong balak na agawin siya sayo noh. Baka ang isang 'yon pa ang may balak" turo nito sa babaeng
nakikipag-usap kay Red."Sino siya?"
"Naku hindi mo ba kilala 'yan? Iyan ang magaling na ampon ni Aling Mina kung umasta akala mo taga syudad" ani Jelay.
"Bakit tila mainit ang dugo mo sa babaeng 'yan?"
"Naku Ligaya ang ulupong na Selya na 'yan ang nang-ahas sa boyfriend ko" gigil na saad nito.
"Ang blood pressure mo dai" paalala ni Anna rito.
"Kung makashort wagas oo siya na ang maputi at ako maitim!" mangiyak ngiyak na bigkas ni Jelay.
"Hindi ka maitim sadyang mas maputi lang siya."
"Ikaw Ligaya matalas din talaga iyang dila mo."
Of course she is. Hindi lang matalas ang dila niya nanlulumpo din siya.
Napansin nga ni Venus na malayo ang suot ni Selya sa ayos nila. Nagmumukha tuloy itong dayo sa lugar.
Lumapit sa kanila si Red."Hi ladies."
"Marcelo, ano ang sinabi sayo ni Selya?" usisa ni Jelay animo ito ang asawa.
"Magpapatulong lang sa akin ngayong linggo dahil may sira daw iyong pwesto niya sa resort."
"Naku kung alam mo lang may gusto lang 'yon sayo. Hindi ba alam ng Selya na 'yon na may asawa ka na. Ayos lang iyon sayo Ligaya?'
"Ha? Ako? Bakit ako?" gulat na tanong ni Venus.
"Syempre ikaw ang asawa" saad ni Anna.
"Ganoon ba? Ahm oo naman ayos lang naman" kaswal na sabi ni Venus.
"Ano? Ligaya naman hindi mo dapat hinahayaan si Marcelo na malapit sa ulupong na Selya na 'yon."
Tila nanghinayang si Red ng marinig ang sagot ni Venus sa kaibuturan ng puso niya gusto niya pigilan siya ng babae. Nawiwili na yata siya sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa.
Hapon nang makauwi sa kubo ay agad na isinandal ni Venus ang pagal na katawan sa upuan at ipinikit ang mga mata.
"Tired?" asked Red.
"Yeah."
"Want some massage?"
"Make it light."
Habang minamasahe minabuting tanungin ni Venus si Red tungkol kay Selya.
"That woman earlier paano mo siya nakilala?"
"Ah nakita ko siya sa tindahan. Doon ako bumili sa kanila ng ulam noong unang araw natin dito."
"I see."
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang."
"Are you jealous asawa ko?"
"Huwag ka masyado magpadala sa emosyon mo Red" babala sa kanya ng dalaga.
"Bakit?"
"Baka hindi mo ako kayanin" she smirked.
Biglang bumangon si Venus kaya itinigil ni Red ang pagmamasahe rito.
"I'll just take my nap. Gisingin mo na lang ako mamaya."
Habang tulog si Venus ay tinawagan niya si Dante.
"Hello Dante, kumusta na kayo dyan sa Davao?"
"So far so good. Natapos na namin sir ang misyon at sa ngayon dahil hindi pa pwedeng bumalik sa Agila ay napagpasyahan ng grupo na dumito na muna kami sa Davao."
"Mabuti iyon at least dyan safe kayo."
"Kumusta naman ang pagpapanggap niyo ni Ms.Venus bilang mag-asawa dyan sa isla?"
"Naku 'wag mo ng tanungin nerdy malamang nawiwili na iyang si Red" sabat ni Castillo.
"Uy Castillo itikom mo iyang bibig mo!"
"Sus!Ako pa lokohin mo Red. Kung ako ba naman may katabing magandang babae sa kama eh hindi ako tigasan."
"Puro ka talaga kalokohan Castillo."
"Magtapat ka nga sa amin Red may nangyari na sa inyo ni Venus ano?"
"Harmless ako bro."
"So hindi ka pa nga nakascore kay Venus? Naku malamig sa isla bro marami ang pwedeng mangyari."
"Hindi ako katulad mo Castillo."
"Hahay ako na naman! So balik tayo,wala pa talaga?"
"Wala nga, parang hindi mo din kilala si Venus baka tangkain ko pang halikan 'yon uuwi ako ng Maynila na nakasaklay."
Bumunghalit ng tawa si Castillo sa kabilang linya.
"Tsk.kawawang detective malamig ang gabi. Oh ikaw na ang kumausap dyan Dante gagala muna ako."
"Tsk.Sino ba may sabi sayo na kunin mo sa akin ang cellphone" ani Dante.
"Dante,nagawa mo na ba ang pinagagawa ko? Nahanap mo na ba kung sino si TJ Masamayor?"
"Yes sir."
"Bueno, send the email now."
"Sige sir. By the way sir kamukha talaga ni Ms.Venus si Thea" ang huling sinabi ni Dante.
Binaba ni Red ang cellphone para buksan ang laptop. Ilang saglit pa ay natanggap na ng binata ang email.
Nalaman niya na isang bilyonaryo si TJ Masamayor ang napangasawa ni Thea. May-ari ito ng isang malaking law firm.
Ikinasal ito kay Thea Ignacio sa America. May mga photos na ibinigay si Dante. At laking gulat niya na kamukha talaga ni Venus si Thea although simple lang manamit ang babae.
Ngayon mas malakas ang hinala niya na si Venus ay walang iba kundi si Thea ngunit ano ang dahilan at hindi sila magkasama ngayon?
Kung si Venus nga ay si Thea ibig sabihin asawa nito ang bilyonaryong si TJ Masamayor.
Si TJ na kaklase niya noon sa highschool?
Naging tahimik siya sa nagawa nitong krimen dati at akala niya hindi na muling magkucross pa ang landas nila but as of now their destined to see each other again.
Habang siya nakokonsensya parin sa nangyari sa lalakeng pinatay ni TJ tapos ang lalake nagpakasasa lang sa yaman at tinatakasan ang nagawang krimen.
Hahanap siya ng pruweba para tuluyan ng makulong si TJ para mabawasan na rin ang bigat ng nararamdaman ni Manang Lita.
Just hang on there Manang Lita sisiguraduhin kong makukulong si TJ ang naisaloob ni Red.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?