Chapter 44 (Clara Locson)

131 5 0
                                    


Umupo si Anton sa swivel chair.

"What is it dad?" saad ni Venus.

"Nagfile na ako ng divorse paper mo kay TJ Masamayor and he already sign it kaya officially hindi mo na siya asawa."

"Mabuti naman."

"Venus, I've talk to Lucas at ibinibigay niya na sayo ang pamamahala sa law firm. Gayong pareho na silang nakakulong ni TJ ay hindi niya na ito maaasikaso pa."

"Bakit hindi niya pahawakan sa abogado niya?"

"Sinabi ko na rin 'yan but he insisted. Wala pa daw iyon sa lahat ng ginawa ng anak niya sayo."

"Pag-iisipan ko muna dad."

"And one more thing. Hindi mo naman sinabi sa akin na kayo na pala ni Red."

"Red? Kanino niyo naman nalaman 'yan?"

"Kay Castillo."

"Jeez! Castillo and his mouth."

"Don't worry ayos lang naman sa akin hija. Mabait at maaasahan si Red sa lahat ng oras kaya he deserve someone like you."

"Thanks dad."

Nang papalabas siya nang opisina ng ama ay nakasalubong niya si Red.

"Hi,good morning babe" sabay halik nito sa pisngi niya.

"Morning" matamlay niyang sagot rito.

"Ano ang nangyari sayo?"

"Kinausap ako ni dad nasign na daw ni TJ ang divorse paper."

"Really? But what's with the long face? You should be happy."

"I am. May nasabi pa pala si dad tungkol kay Lucas."

"And what about him?"

"Gusto niya na pamahalaan ko ang law firm niya."

"That's weird."

"Yeah, for me too. Ano sa palagay mo tatanggapin ko ba ito?"

"Hmmm....wala naman masama kung tatanggapin mo. Why don't you give it a try."

"I give it a litte more thinking tonight."

"Ayos ka na? Sinabi sa akin ni Castillo na nakipaglaban ka daw sa isang applicant?"

"Yeah nasabi pala sayo ni Castillo. Sinubukan ko lang naman kung papasa siya sa Agila."

"Hinayaan mo na sana sila Castillo na gawin ang trabaho nila. You are still recovering."

"Don't treat me like a baby Red."

"I know pero nag-aalala lang naman ako sayo."

"Hindi mo naman kailangan
mag-aalala dahil maayos naman ako."

"Tsk.matigas talaga ang ulo mo."

"Hindi ka din makaintindi."

"Ako pa? O baka naman ikaw Venus?"

"Really? Ako talaga? Sinabi ko na sayo na ayos na ako ano lang ba ang daplis sa akin? Hindi ako mamamatay sa daplis lang Red."

"Oo sige na paniwalaan mo iyang baluktot mong katwiran."

"Baluktot kong katwiran? Huh? Jerk!"

Biglang pumasok si Dante.

"Oops! LQ ba ito? Sige aalis na muna ako guys" ani Dante.

"No Dante hindi mo kailangan umalis dahil ako ang aalis" ani Venus.

Umalis nga ang nangingitngit na dalaga.

"Sir Red, hindi mo ba susundan si Ms.Venus?"

"Hayaan mo, siya naman ang umalis."

"Akala ko ba mahal mo si Ms.Venus?"

"Mahal ko siya kaya nga ginagawa ko ito. Gusto kong maintindihan niya na nag-aalala lang ako sa kanya."

"Ganoon ba. Alam mo naman si Ms.Venus ang huling iisipin nyon ay may mag-aalala sa kanya. Hangga't kaya niya ay hindi siya hihingi ng tulong."

"I see, you know her that much huh?"

"Paano naman hindi sir eh lagi niya akong kasama noon. Kilala mo naman iyang girlfriend mo sir may pagkamaton."

"Hey girlfriend ko parin 'yang sinasabihan mo."

"Hehehe sorry. Nga pala umalis si  Katherine ikaw daw muna ang tumulong kay Castillo sa
pag-interview ng mga applicant."

"Sige."

Pinuntahan niya si Castillo. Marami rami parin ang nakapilang aplikante. Umupo siya sa tabi nito.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" pansin ni Castillo.

"Ano ba ang meron sa mukha ko?"

"Naku! Ganyan na ganyan ka kapag nag-iisip ka kumukunot iyang noo mo. Si Venus ba?"

"Nagkasagutan kasi kami. Ako na nga ang nag-aalala, napapasama pa ako."

"Parang hindi mo din kilala iyang girlfriend mo. Matigas pa sa bakal ang bungo niyan."

"Eh ano naman klaseng boyfriend ako kapag hindi ako nag-aalala sa kanya."

"Palipasin mo na muna. Makikita mo rin, si Venus rin ang kusang lalambing sayo. Sus! Ganyan talaga iyang mga babae."

"Pero iba si Venus she's not the typical woman."

"Ay oo nga pala made of steel si Venus."

"Hey!"

"Just kidding. Parang ikaw lang dati Red."

"What about me?"

"Red Beast, 'di ba matigas din ang bungo mo? Ayan may katapat ka na! Hahaha."

Napapailing na lang si Red sa sinasabi ni Castillo.

==============================

Samantala naisipan ni Venus na dalawin na lamang sa kulungan si Lucas. Nagtaxi lang siya dahil hindi niya dala ang motorbike.

"Lucas,may dalaw ka" ani ng jail guard.

"Thea?"

"Hello po. Alam niyo naman kung ano ang ipinunta ko rito. Bakit ako?"

"Ikaw lang naisip ko na pwedeng magpatuloy ng negosyo ko. Huwag ka mag-alala ibinibigay ko na iyon sayo alam ko kasing mabubulok na ako rito sa kulungan."

"Paano si TJ?"

"Wala siyang kinalaman sa itinayo ko na law firm. At isa pa binigay ko na sa kanya ang bahay at lupa ko."

"Pero si TJ ang anak ninyo."

"Hindi ko anak si TJ. We are not blood related. Anak siya ng kanang kamay ko dati pero namatay na ito kaya ako na ang tumayong ama niya."

"How about you? Wala ka bang anak?"

Napansin niya na biglang nalungkot ang lalake.

"I have a daughter pero inilayo siya sa akin ng ina niya nang malaman nito na leader ako ng isang gang. Natakot ito na baka sasaktan ko sila. Pero mahal na mahal ko ang mag-ina ko kung alam lang ni Clara iyon."

"Clara?"

"Si Clara Locson, ang asawa ko."

Hindi nakahuma sa kanyang kinauupuan si Venus. Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig sa lalakeng kaharap.

Sa pagtayo ni Venus ay biglang nagdilim ang kanyang paningin.

A/N:

Sino si Clara Locson? Ano ang kaugnayan niya kay Venus at ganoon na lang ang naging reaksyon niya pagkarinig sa pangalan nito?

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon