Chapter 47 (Clash)

111 3 0
                                    


Dakong alas siete nang gabi ay tinawag na sila ng Brigadier General para simulan na ang pag-akyat sa bundok. Madilim kaya nagsuot sila ng night vision goggles para makakita sa dilim. Maingat ang bawat kilos nila.

"30 meters North men" narinig nilang sabi ng team leader.

Nang malapit na sila sa kuta ay natanaw nila ang mga bahay sa gitna ng bundok.

"Positive, more than 30 visible rebels."

Natunugan sila nang isang miyembro ng rebelde kaya nagkaroon ng palitan ng putok. Nagsimula na ang bakbakan ng mga militar versus sa tauhan ni Commander Al-amin ang leader ng grupo.

"Back me up here babe!" utos ni Venus habang pinagpatuloy ang pagpaputok sa mga kalaban.

"Nandito na ako."

"Shoot them, gumawa ka ng daanan ko Red. May nakita akong limang bihag na babae."

"Sige nasa likod mo lang ako."

Pinuntahan nila ang limang babae na nakatali. Nang kakalagan na nila ay may mga rebelde ang nakalapit sa kanila.

Malakas na hinampas ng baril ni Red ang lalake saka sinipa sa sikmura. He grab the other men and kick him using his knees saka tinulak sa mga kasamahan nito.

Samantala nailagan naman ni Venus ang suntok ng kaaway nang akmang may susugod sa likod niya. Napayuko siya saka binunot ang baril na nakaipit sa kanyang binti at ipinutok rito.

Nagsplit siya kaya imbes na siya ang kasamahan nito ang natamaan. Mabilis siyang gumulong at kinuha ang silya pagkatapos ay hinampas ito sa lalake. Nang mapatumba nila ang kalaban nilapitan ni Red ang kasintahan.

"I expect nothing from the Goddess."

"I also expect nothing from the Red beast."

Kinalagan nila ang mga babae saka pinoprotektahan sa mga rebelde hanggang naitawid nila ito mula sa kubo papunta sa armored car.

"Hide yourself here ladies. Babalik lang kami doon."

"No, stay here with them Venus. Ako na ang babalik sa kuta ng mga rebelde.

"But.."

"They need you here."

"Mag-iingat ka! Kapag may sugat ka ako ang lulumpo sayo Red."

A total of fifteen rebels ang sumuko sa mga militar at ang iba ay nagmatigas kaya sila nasawi sa labanan.

Pagkatapos tumulong sa 23 brigade ay bumalik na sila Red at Venus sa Maynila.

"Over 30 rebels within the area. 15 surrendrers and 5 civilians in the vicinity sir" ani Red kay Mr.Vistal.

"Good job Sandecker and Herrera. So are you up for another mission?"

"Kung ibibigay niyo ba bakit hindi" saad ni Venus.

"Well, sige pag-aaralan ko muna ang kasong ito babalitaan ko na lang kayo.

_________________________________________

Nang makalabas sina Red at Venus ay natiyempuhan nila na nagmemeryenda ang mga kasamahan.

"Uy congratulations sa inyong dalawa balita namin kay Brigadier Gen. Noel Gorlusa magaling daw kayo sa bakbakan ah" ano Castillo.

"Well,ang galing lang talaga namin umasinta 'di ba Venus?"

"Yeah."

"By the way, kain tayo" yaya ni Denisse.

"Sige salamat kayo na lang may pupuntahan pa kasi ako" ani Venus.

"Saan ka naman pupunta?"

"Dadalawin ko lang si tatay."

"Tatay? Nasa Cebu 'di ba ang tatay mo Ms.Venus?" tanong ni Dante.

"Kamakailan ko lang nalaman na ama ko pala si Lucas Ignacio."

"Wow! Really?" hindi makapaniwalang saad ni Castillo.

"Oo. Alam ko leader siya ng gang dati pero ko ama ko parin siya."

"Well,wala naman siyang kasalanan sa atin kundi iyong anak niyang si TJ which is your ex husband. Teka! TJ was your husband and brother?"

"Hindi ko siya kapatid. Si tatay lang ang nag-alaga sa kanya but we are not blood related."

"Ganoon ba. Pang teleserye naman ang buhay mo Venus."

"Sinabi mo pa Castillo. Siya sige I have to go. Red, kita na lang tayo mamaya."

"Sige,ingat ka."

Nang makaalis si Venus ay umupo si Red sa tabi ng mga kasamahan para kumain.

"Nga pala guys nabalitaan niyo na ba itong ArBraRusChi?" tanong ni Katerine.

"Ano naman 'yan?" ani Castillo.

"Well,sila ang emerge name ng apat na bansa para magdeliver ng mga flaka sa mga iba't ibang lugar rito and abroad."

"Anong bansa ang involved?" usisa ni Red.

"Napag-alaman ko na Argentina, Brazil,Russia at China. Isa silang grupo na kumukuha ng supply sa China."

"Flaka? They are cheap drug made of bath salts" pahayag ni Dante.

"Nothing to expect from a nerdy" biro ni Castillo kay Dante.

"Tigilan mo na nga si Dante, Castillo, this is a serious matter" saway ni Denisse.

"But for now wala pa naman kaso dito sa Philippines. Sir Vistal just wanted to highly alert us dahil ayon sa isang informante ay nakarating na sa Pinas ang flaka."

"Nagkaconduct si sir ng imbestigasyon ukol rito? Bakit hindi namin 'yan alam?" saad ni Denisse.

"Dahil ako muna ang inutusan niya para kumuha ng impormasyon sa informante habang hindi pa natin alam kung nadistribute na ba ang mga droga."

"Kung ganoon. One of this day sigurado ako na malalaman na natin kung natuloy ba ang distribution nila" pahayag ni Red na kanina pa nakikinig sa kanila.

Samantala ay masaya si Lucas na nadalaw siya ng anak.

"Heto 'tay dinalhan ko ho kayo ng prutas saka meron po akong pagkain na dala gusto ko ho kasi na pagsaluhan natin ito."

"Sure, ang rami mo naman dinala Thea."

"Wala ho iyan basta magkasama tayong kakain."

"Saan ka nga pala ngayon nakatira?"

"May apartment po ako. Actually kay mom 'yon I mean siya po iyong umampon sa akin."

"Sigurado ako na mahal na mahal ka nila."

"Oo naman po. Hindi niyo lang alam, si mom naku luluwas pa sana ng Maynila nang malaman na nahimatay ako. Si dad naman very supportive siya sa akin."

"I'm jealous."

"Sorry ho."

"It's okay hija I am glad na may pamilyang tumanggap sayo. Pasensya ka na nasa kulungan kasi ako kaya ikaw pa ang kailangan na dumalaw sa akin."

"Hayaan niyo ho pasasaan ba at makakalaya kayo. By the way, kain na ho muna tayo lalamig itong dala kong pagkain."

Masaya nilang pinagsaluhan ang dalang pagkain ni Venus.

"Nga pala 'tay ano ang gusto niyong ulam?"

"Gustong gusto ko ang estofado. Bakit mo naman natanong 'nak?"

"Ipagluluto ko ho kayo sa susunod na dalaw ko sa inyo."

"Talaga? Hmm...sige nga excited na tuloy ako."

"Hahaha na sinasabi ko sa inyo 'tay makakalimutan niyo ang pangalan ninyo."

"Aasahan ko 'yan Thea."

Hindi napansin ng dalawa na isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanila punong puno iyon ng galit.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon