Nalaman na lang ni Venus na naisugod na si Red sa hospital pero hindi naman malubha ang kalagayan nito."Nasaan ka Ms.Venus?" tanong ni Dante sa kabilang linya.
"Nasa apartment na ako."
"Hindi ka ba pupunta dito sa hospital?"
"Hindi na, balitaan mo na lang ako sa mga nangyari dyan."
"Sabi ni Katherine umalis ka daw noong nabaril si sir Red, ayos ka lang ba Ms.Venus?"
"Oo ayos na ako mabuti na lang nakahanap ako ng tranquilizer sa yate. Pakisabi na lang kay dad na hindi na ako nakasama sa inyo. Sige na kailangan ko ng magpahinga."
Alam ni Dante na may PTSD siya dahil nakita na siya nito minsan nagpanic nang makakita ng dugo.
Sa underground fight hindi talaga maiiwasan na may mga dugo pero hindi siya inaatake ng PTSD dahil hindi naman siya nakakaramdam ng takot.
Inaatake lang siya kapag nakaramdam siya ng takot kapag nakakita ng dugo and that was what happened in the yatch.
================================
Nakita ni Red sa mga mata ni Venus ang takot noong nabaril siya. Sa labis na takot ng babae ay hindi man lang ito nakalapit sa kanya. Hindi niya masisisi ang dalaga takot ito sa kanya dahil sa nagawa niya sa first love nito.
Hindi niya akalain na matatakot na naman sa kanya ang babae.
Hindi naman malubha ang tama niya kaya nakaduty na siya ulit sa Agila sa sumunod na araw.
"Talaga bang kaya mo Red?" ani Anton.
"Yes sir kaya ko po hindi naman malubha ang tama ko."
"Okay, but don't force yourself at work."
Kasalukuyan niyang binabasa ang mga kaso na kailangan nilang imbestigahan nang dumating si Venus.
Noong nasa Cebu sila kahit galit ang dalaga ay kinakausap parin siya nito pero ngayon ni kausapin siya ay hindi na nagagawa nito.
Even the next day ay hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Venus. Inabangan niya ang babae sa parking lot sa pag-uwi. Akma ng susuotin ni Venus ang helmet nang hilahin siya ni Red sa kotse nito.
"Get in."
"Uuwi na ako Red."
"You're not going home without talking to me first."
"Pwede ba wala na tayong dapat
pag-usapan pa."Itinulak ni Red ang dalaga sa loob saka lumibot sa driver sit. Inilock ni Red ang pinto para hindi pa magawang lumabas ni Venus.
"What the hell are you doing? This is kidnapping!" asik ni Venus.
"I just want to talk to you."
"Sinabi ko na sayo wala na tayong pag-uusapan pa."
Red started the car and hit the road.
"Saan tayo pupunta?"
"Just be quiet."
Hindi na kumibo si Venus at hinayaan na lang ang binata na magmaneho. Batid ng dalaga kung saan ruta ang tinutumbok ni Red. Papunta sila sa bahay nito. Pagdating doon ay hinila siya ng lalake sa loob locking the door behind.
"Ano ba ang gusto mo?"
"Ikaw."
"Aalis na ako" seryosong sabi ni Venus.
"Sit!"
"Hindi mo ako pwedeng utusan sa anong gagawin ko!"
"I can,dahil nasa pamamahay kita."
"Pwes! Aalis na ako."
"Venus! I am tired so please pakinggan mo muna ako."
Umupo si Venus sa sofa.
"Talk" utos niya sa binata.
"I know na may kasalanan ako kay Jake pero matagal ko na iyon pinagbabayaran dahil hanggang ngayon kinokonsensya parin ako tuwing iniisip ko ang araw na 'yon."
"Nakokonsensya ka? Huh! Wala ka ngang ginawa for eight years. For eight years hinayaan mo lang maagnas si Jake sa ilalim ng lupa without giving him a justice. Anong klaseng tao ka?!"
"Kaya nga gustong gusto ko mahuli si TJ dahil gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya."
"You don't thinks it's a bit too late, dapat sana noon mo pa 'yan ginawa pero naging duwag ka!"
"Sorry kung naging duwag ako! Sorry kasi hinayaan ko si TJ na patayin ang first love mo! Sorry,sorry! Pero hindi pa ba sapat na hanggang ngayon pinagbabayaran ko na 'yon?"
Ipinakita ni Red sa babae ang mga papeles na kung saan nakalagay ang kaso ni Jake na akala ni Venus ay nilimot na nang pulisya.
"How?"
"Simula ng maging detective ako sa Agila ay hinawakan ko na ang kasong 'yan. Hiniling ko kay Mr.Oh na buksan ulit ang kaso dahil hahanap ako ng pruweba na makakapagturo na sangkot si TJ sa pagpatay kay Jake. Hanggang ngayon hindi parin ako tumitigil hanggang nalaman ko na involved ka din kay TJ. I was selfish back then kaya hinayaan ko matulog ka sa bahay ng kaaway without thinking it might hurt you dahil ang nasa isip ko lang noon is to give justice to Jake."
"Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?"
"I don't have any reason to lie."
"I am sorry,hindi ko alam."
"Ako ang dapat sisisihin dito. Hindi dapat mangyayari ito kung hindi ako naging duwag. Hindi mo na din sana pinagdaanan pa ang pagmamalupit sayo ni TJ kung noon pa napakulong ko na siya."
"Kapag nangyari iyon hindi ko makilala ang pamilya ko ngayon. Hindi ako mapupunta sa Agila at higit sa lahat hindi kita makikilala."
"But I'm not good for you."
"Red, you've been a good partner to me at work kahit ganito ang pag-uugali ko. Kayo lang ni Dante at sa Agila ang tumagal at tumanggap sa tunay na ako kaya masaya ako kung anong meron ako ngayon."
"Sa yate, bakit hindi ka lumapit sa akin instead tumakbo ka Venus?"
"I was shocked! Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang dugo na umaagos mula sayo. I was so afraid ng dahil sa galit ko I might end up hurting you more, kaya lumayo na lang ako. Sorry" yumuko ang babae.
"Ganoon ka ba kagalit sa akin gusto mo akong saktan?"
"Oo galit na galit ako gusto kitang tuluyan that time but Katherine came up."
"Then sampalin mo ako ngayon, suntukin mo ako Venus. Ilabas mo lahat ng galit mo sa akin" utos ni Red.
Umigkas ang kanang palad ni Venus para sampalin si Red.
Magkabilaang sampal ang natanggap niya sa dalaga pero tiniis iyon lahat ng binata dahil gusto niyang mabawasan ang galit na nararamdaman nito.
Ngunit sa kalagitnaan ay huminto si Venus.
"I can't...." hinaplos nito ang pisngi ni Red.
"Venus?"
"I can't hurt you Red. Hindi ko kaya."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Hindi ko kayang saktan ka because its killing me more."
"Bakit?" he was starting to smile.
"I don't know! Hindi ko alam ano ba itong nangyayari sa akin."
"You really don't know?"
Umiling ang babae.
"Then I will tell you. Hindi mo ako kayang saktan it is because you love me!"
"No it can't be!"
"Yes, it can be Venus."
A/N:
Tuluyan na bang bibigay si Venus sa kanyang nararamdaman o patuloy parin siyang magmamatigas sa binata?
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?