Chapter 59 (Uncontrolled)

156 3 0
                                    


Sa sumunod na araw ay bumalik na sa Poseidon sina Red at Dante.

Muling sumisid sa dagat si Red but this time kasama niya na si Dante pati ang isang marine biologist.

Naghukay sila at sinundan kung saan papunta ang naturang pipe at hindi nga sila nagkamali sa direction ito ng isla nakalinya.

Umahon silang tatlo sa isla at nagtago sa mga shrub na naroon. Napansin ni Red na may mga armadong lalake ang nakabantay sa labas ng isang facility more on isang planta iyon.

"Anong planta iyan sir?"

"Hindi ko alam Dante" tugon ni Red.

"Planta ng illegal na pagawaan ng beauty products. Alam niyo kasi may nakapagsabi na sa amin na may planta nga daw dito sa isla dahil ang isang kasamahan ko ang nagsabi na napansin niya ang isang malaking bangka ang nagtungo rito at may mga dalang kahon ng mga beauty products pabalik" pahayag ng biologist.

"Hmm..kung ganoon sumugod na tayo dapat mapigilan natin ang distribution ng nasabing pekeng mga beauty products" suhestiyon ni Dante.

"We can't do that Dante. Kailangan natin pagplanuhin ang bagay na ito we can't make hasty action."

"Bakit hindi tayo makipag-ugnayan sa mga navy, sir?"

"We can do that. Sige, mamaya rin ay tatawagan ko si Commodore Carpio para humingi ng assistance sa mga tauhan niya."

Nang makabalik sa Poseidon sina Red ay agad niyang tinawagan ang kabigan ng ama niya at humingi ng tulong rito.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

On the other hand, napansin ni Venus na alam ng suspect ang pasikot sikot ng barangay at tila minamanmanan ang bawat galaw nila.

Tulad ng gabing iyon kung saang lugar sila nagroving ay hindi ito nagparamdam bagkus nasa ibang kalye ito nanakit ng isang dalagita.

"Isang conclusion lang ang pwede kong ibigay officers alam ng suspect ang mga pasikot sikot na pasilyo rito sa barangay. Hindi kaya nagpupunta lang rito ang suspect?" ani Venus.

"You have a point detective kaya mas paiigtingin natin ngayon ang seguridad rito sa barangay. Inilagay ko na rin sa red alert ang lugar na ito" ani SPO3.

Nang tanghaling iyon naglibot libot sa mga kabahayan si Venus ng mapansin niya ang isang delivery boy. Agad siyang naghinala sa katauhan nito. Chinito ito.

Ayaw niya naman magbintang gayong chinito ang suspect pero one fact ang nagpatindi sa hinala ng dalaga ay ang trabaho nito.

Kung isa itong delivery boy ibig sabihin laging pumupunta sa lugar ang lalake kaya hindi malabong alam nito ang bawat pasikot sikot sa barangay.

Nagtanong tanong din si Venus sa mga iilang bahay kung kilala nila ang naturang delivery boy.

"Opo siya po kasi ang nagdedeliver ng mga order namin na products sa isang cosmetic center" ani ng isang dalagita.

"May tanong lang ako. Kilala mo ba iyong mga namatay na dalagita rito?"

"Iyong dalawa kilala ko po."

"Bumibili din ba sila ng mga cosmetic products?"

"Opo."

Bingo! Iyon ang sagot na hinihintay ni Venus. Ibig sabihin ang pinupuntirya ng suspect ay ang mga dalagita na umuorder ng cosmetics.

At dahil kabisado nito ang lugar ay malaking advantage iyon sa lalake na isakatuparan ang krimen.

Isang gabi nagroving na naman silang tatlo sa area.

Habang naglalakad si Venus nakita niya ang suspect at sinusundan nito ang isang dalagita. Palihim na sinundan niya ang mga ito.

"SPO1 come in?" saad ni Venus sa walkie talkie na hawak.

"Yes go on detective."

"Pumunta ka ngayon rito sa kalye tres."

"Copy."

Natanaw niya si SPO1 Cayetano na kasama na ang dalagita habang umalis na rin ang sumusunod rito.

Sinundan niya ang suspect hanggang nakarating sila sa isang maliit na bahay. Pumasok roon ang lalake.

"SPO3 come in?"

"Ano iyon detective?"

"I found his location. Kalye trese. West."

"Sige, papunta na kami."

Hindi na hinintay ni Venus ang mga kasamahang police agad niyang sinipa ang pinto ng bahay nito.

Nadatnan niya sa isang upuan ang lalake at nasa harap ito ng laptop. Itinutok rito ni Venus ang pistol na dala.

"Taas ang kamay!" sigaw ng dalaga.

Nang lalapit na si Venus rito mabilis na inagaw nito ang baril niya. Nag-agawan silang dalawa. She kick her knee on his stomach kaya nabitiwan nito ang baril ng dalaga.

Dumampot ito ng stool at aktong ihahampas sa kanya ngunit naputok na ni Venus ang baril na hawak. Natamaan ito sa braso kaya nabitiwan nito ang stool.

Agad na lumapit si Venus rito at pinusasan ang suspect.

Nakita rin niya na may mga kuha ito ng CCTV sa lugar kaya pala hindi nila mahuli huli ang lalake.

At bukod sa isa itong delivery boy ay taga barangay lang din pala ang suspect kaya alam nito ang pasikot sikot sa lugar.

Nang makarating sina SPO3 at SPO1 ay isinakay at dinala na sa Police Station para makulong ang lalake.

"Good work Detective Herrera. Salamat sa pagsama sa mga police ko" ani Inspector Felix.

"Walang anuman sir. Basta kung kailangan ninyo ng tulong ko tawagan niyo lang ako sa Agila."

Bumalik na rin sa Agila si Venus kinabukasan dahil sa tapos na ang misyon niya.

∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽

Samantala dahil sa tulong ng mga navy ay nasugod nila Red ang planta na pagawaan ng mga pekeng beauty products. He use an assault riffle sa pagsugod nila sa planta.

Nang tuluyan nang mapasok nila Red ang pasilidad agad na tumambad sa kanila ang kahon kahong pekeng beauty products.

Matapos maaresto ang mga pirata ay minabuti ni Red at Dante na sunugin ang mga natitirang kahon ng beauty products. Isinara rin nila pansamantala ang nasabing isla.

Lulan na sila Red at Dante ng isang maliit na bangka pabalik sa daungan nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

"Sir, bumalik na kaya muna tayo sa Poseidon mukhang masama ang panahon."

"We can make it Dante at saka baka naman dadaan lang ang ulan na 'yan."

Pero nagkamali ang binata mas lumakas ang buhos ng ulan. Malakas at malaki na rin ang hampas ng alon isama pa ang kulog at kidlat.

Dahil sa malalaking alon hindi nakayanan ng maliit na bangka nila Red ang makipagbuno sa mga alon kaya tumaob ang bangka nila.

Nagkahiwalay sina Red at Dante.

Noong una nakaya pa ni Red ang lumangoy at hanapin si Dante pero dahil sa malakas ang alon ay nahirapan siya.

Isang malakas na hampas ng alon ang dumamba sa kanya dahilan upang mabagok ang ulo niya sa malaking bato. Then everything went black.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon