Chapter 18 (Hinala)

181 6 0
                                    


Maagang pumasok si Venus sa Agila at dumiretso sa shooting area. Doon nagpaputok siya ng sunod sunod.

"Oh maaga ka yata?" sita ni Red ng makalapit sa dalaga.

"May kasabihan nga tayo the early birds catches the first worm."

"Ayos na ba ang kamay mo bakit humahawak ka na ng baril?"

"Nasa kaliwang kamay lang ang sugat ko Red."

"May problema ka ba?"

"Wala akong problema" at nagpaputok ulit siya.

"You can tell me."

Tinignan siya ni Venus saka tumawa.

"Kaibigan ba kita?"

"Venus look, seryoso ako."

"Hindi mo ako matutulungan Red."

"Try me."

She sighed.

"Hanapin mo si TJ Masamayor kung gusto mong makatulong!"

"Sino si TJ?"

"Huwag ng madaming tanong basta hanapin mo na lang siya."

Biglang tumunog ang cellphone ni Venus.

"Hello?"

"Thea?"

"Ano na naman ba Bunny?"

Lumayo si Venus kay Red pero narinig niya na tinawag ni Bunny ng 'Thea' si Venus. May tinatago talaga ang babae sa kanya.

Nang hapong iyon ay inutusan sila ni Mr.Oh bumili ng tiles para sa renovation ng opisina.

"Aling Tasing,kumusta ho?" ani Red.

"Uy detective ikaw pala 'yan, anong atin?"

"Oorder sana ako ng 100 pieces of tiles magrerenovate kasi sa opisina."

"Walang problema. Teka,girlfriend mo ba ang kasama mo?"

"Ay hindi ho detective rin po siya. Venus come here, I want you to meet Aling Tasing."

"Thea? Ikaw nga Thea Ignacio" masayang wika ni Aling Tasing.

"Sorry ho pero hindi po ako si Thea, Venus Athena Herrera po ang pangalan ko."

"Pero kamukhang kamukha mo siya."

"Marami na hong magkamukha ngayon at minsan na rin ho akong nasabihan na may kamukha."

"Akala ko ikaw talaga si Thea."

"Red, sa kotse na lang kita hihintayin."

Nang makaalis si Venus ay binalingan naman ni Red si Aling Tasing.

"Aling Tasing kilala niyo po si Thea?"

"Oo kilalang kilala kapitbahay ko siya dati tapos naging asawa siya ng amo kong lalake."

"Asawa?"

"Oo kaso hindi maganda ang samahan ng dalawa lagi siyang sinasaktan ng kanyang asawa. Naaawa na nga ako kay Thea kaso wala naman akong magawa baka kasi ako naman ang pagbalingan ng galit ng amo ko."

"Bakit hindi na lang siya umalis?"

"Sinubukan niya na at bugbog lang ang inabot niya sa amo ko."

"Ano ang nangyari kay Thea?"

"Isang araw bigla na lang siya nawala. Kahit ang amo kong lalake ay galit na galit sa pagkawala ni Thea."

"At kamukha ni Venus si Thea Ignacio?"

"Oo medyo sopistikada at maangas lang ang kasama mo at mahinhin naman si Thea pero magkahawig talaga sila."

"Ganoon ho ba. Sige salamat ho sa pagkukwento Aling Tasing."

Mas dumoble tuloy ang hinala ni Red na si Thea nga ay si Venus gayong dalawang tao na ang nagsabi na kahawig nga ni Thea si Venus.

"Red,tapos ka na ba? Pwede na ba tayong umalis? May panibagong misyon daw si Mr.Oh."

"Wait! Sandali na lang ito."

Sa biyahe napansin ni Red na walang imik ang babae although lagi naman itong ganoon pero kakaiba ngayong araw. Nang makarating sa Agila ay dumiretso agad sila sa opisina ni Mr.Oh.

"Guys, alam kong nabalitaan niyo na ang pagkawala ng mamahaling kwintas sa museum kaya humingi ng tulong sa atin ang manager ng museum. Kung maaari alamin niyo kung sino ang nagnakaw nito."

"Areglado Mr.Oh."

"Saan kami magsisimula?" ani Venus.

"Sa Isla Bagong Paraiso. May informante kami na doon daw patungo ang lalakeng nagnakaw nito."

"Kailan kami magsisimula Mr.Oh?" tanong ni Red.

"Sa lalong madaling panahon. Anyway,napag-usapan na ng ibang team kung ano ang gagawin ninyo. Pansamantala gusto ko na kayo na muna ang magtrabaho sa bagay na 'yan. Si Dante ay ipinasama ko muna sa team nila Castillo at Denisse."

"Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Gusto ko na magpanggap kayong mag-asawa ni Venus at makihalubilo sa mga tao sa isla" pahayag ng director.

"Si Venus pa talaga ang ipapartner niyo sa akin Mr.Oh. Bakit hindi na lang si Denisse o si Katherine? " ani Red.

"Bakit Red,natatakot ka ba na mainlove sa akin?" at mapang-akit na nginitian siya ng dalaga.

"Natatakot ako baka patayin mo ako habang tulog ako. Hindi ko pa man talaga matansya iyang ugali mo" he smirked.

"Don't be such a worrywart kung papatayin lang naman kita gusto ko gising ka."

"Hey! Enough both of you! I wanted you to work with this mission and not to kill each other."

"Bakit hindi na lang sila Denisse at Castillo ang pinagawa mo nito?" ani Venus.

"Dahil gusto ko matuto din kayong dalawa na pakisamahan ang isa't isa. Lalo ka na Venus hindi naman lingid sa akin na iba ang pakikitungo mo sa ibang detective."

"And you think ang magpanggap na mag-asawa will work things out between me and Red?"

"Of course dahil kapag hindi, masisira ang misyon ninyong dalawa."

Nagkatinginan sina Red at Venus saka nag-iwasan ng tingin.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kinabukasan ay sinundo ni Red ang dalaga para simulan ang misyon nila. Hindi naman nila akalain na ang 'madaling panahon' na sinasabi ni Mr.Oh ay bukas din agad.

Nang lumabas si Venus sa apartment nito nagulat siya sa naging itsura ng babae. Ibang iba ito sa Venus na nakilala niya. Sexy at class ang mga suot nito. Hindi din nagmake-up ang dalaga pero mas lumabas ang natural nitong ganda.

Ilang saglit na hindi nakahuma sa kinauupuan si Red kung hindi lang nagsalita si Dante sa tabi niya.

"Si Ms.Venus ba talaga 'yan?" hindi makapaniwala nitong saad.

"Where are you jerks looking at? You two better look somewhere else" sigaw nito sa kanila ng makalapit.

Tsk. Venus and her mouth!

Sumakay na sa backsit ang dalaga. Inihatid sila ni Dante dahil na rin sa utos ni Mr.Oh.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon