Ngayong gabi nagrequest si Venus sa manager nila na siya ang papalit bilang queen of the night dahil sa wala na si Myrna.Nagpalit na si Venus ng damit na susuotin nakasuot siya ng isang maiksing see through dress. She have a firm breast and a round hips. Hindi pa man siya lumalabas ay alam niyang maglalaway ang lahat ng kalalakihan sa kanya.
Nang lumabas siya sa stage ay napuno ng hiyawan ang bar. Sinabayan niya ng bawat indak ang tugtog. Bumaba siya ng stage at lumapit kay Red na kampanteng naupo sa isang mesa.
Nakita niyang nabigla ang lalake ng lumapit at pumulupot siya sa braso nito. She was giving him a sexy dance. Hindi alam ni Red kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ni Venus.
"Ganoon ba ako kaganda para matulala ka ng ganyan ha Red?" bulong ni Venus sa tainga niya.
He smirked. He knows na nakikipaglaro ang babae kaya pagbibigyan niya ito. Hinapit niya palapit sa kanya ang dalaga kaya ito naman ang naalarma.
"Now, you really want to play with me Milagrosa?" bulong ni Red sa tainga ng babae.
"What an unfaithful man" she hissed.
Bumitaw si Venus sa kanya at bumalik sa stage. Matapos sumayaw ay nagtungo si Venus sa cubicle para magretouch.
"Uy Milagrosa may customer na nagpapunta sayo sa room 178" ani ng isang dancer.
"Okay, papunta na."
Nagtungo siya sa room 178 pero wala siyang nadatnan na tao roon.
"Red, maging alerto ka" saad ni Venus.
Akma na niyang bubuksan ang pinto ng may matigas na bagay ang ipinukpok sa ulo niya dahilan upang mawalan ng malay si Venus.
Nagising na lang si Venus na may nakadagan na sa kanyang lalake.
Mabilis niyang binigwasan ang lalake. Nang makatayo ito ay isang malakas na sipa naman ang ipinatama niya sa mukha nito."Don't you dare fight with the Goddess, rascal"
"Bwisit kang babae ka,tingnan natin dito kung magiging matapang ka pa."
Naglabas ito ng isang baril at itinutok sa dalaga. Sinipa iyon ni Venus at sinuntok ulit ang lalake. Kinuha niya ang baril at ipinutok ito sa may binti ng lalake.
Nakarinig ng putok si Red kaya dali dali niyang tinungo ang room 178 nakalock ito kaya malakas na sinipa niya ito.
Nadatnan niyang hawak ni Venus ang baril."Venus,ayos ka lang ba?"
Tumango ang babae. Nang inilibot ni Red ang paningin nakita niya si Gardo na may tama sa binti.
"Did you shoot him?"
"Sort of" matipid na tugon ni Venus.
"Bakit?"
"Para magtanda siya na ilang buhay na ang pinatay niya."
"Hindi lisensya ang paghawak mo ng baril Venus para pumatay kahit kriminal pa 'yan.
"Pero sapat na ba ang galit ko para pumatay?"may diin sa bawat kataga ang binitawan ng dalaga.
Ibininigay ni Venus ang baril sa binata saka umalis.
Dumating ang mga police para hulihin si Gardo. Nagpasalamat naman kina Red,Dante at Venus ang manager ng bar.
"Naku,maraming maraming salamat sa inyo lalo na sayo Milagrosa" nakangiti nitong wika.
"Hoy baklang mukhang mandurukot 'wag mo akong matawag tawag na milagrosa dahil Venus ang pangalan ko."
"Ay nakakatakot siya" yakap nito kay Red.
Inikot ni Venus ang eyeball at nagtuloy tuloy sa kanyang motorbike. Naalala parin ni Red kung paano siya tingnan ni Venus kanina punong puno ito ng galit.
"Hmmm...thinking of something?" yakap ni Louise sa may leeg ni Red.
"Wala naman naalala ko lang ang nangyari sa misyon kanina."
"Sunod sunod na yata ang naging misyon mo ngayon ah. Nga pala bukas may seminar akong pupuntahan magpapasundo sana ako."
"Sure."
Kinabukasan, susunduin na sana ni Red ang kasintahan ng yayain siya ng mga kasamahan sa inuman.
"Guys, kailangan ko na talagang umalis."
"Ito namang si Red minsan na nga lang kung makasama sa atin hihindian na naman tayo ngayon" pangungusensya ng isang kasamahan niya sa Agila.
"Oo na pero by ten pm aalis na ako alam niyo naman baka magtampo ang girlfriend ko niyan."
Nalasing na ng tuluyan si Red kaya hindi niya na nasundo pa si Louise. Madaling araw nang may tumawag sa binata at nagbalitang naaksidente ang taxi na sinasakyan ni Louise.
Halos pagsakluban ng langit at lupa si Red nang marinig iyon. Pinacrimate ang katawan ni Louise dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya ng babae.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sinisisi ni Red ang sarili sa pagkamatay ng kasintahan kung nasundo niya lang sana ito at hindi nagpadala sa tawag ng alak ay hindi mangyayari ang lahat at sana kasama niya pa ang babae ngayon. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula gayong wala na ang pinakamamahal niyang babae.
Mula nang namatay si Louise ay gabi gabi na kung uminom ng alak si Red. Hindi na rin siya nagpapakita sa sa Agila.
He was very devastated.
He drowned his sorrows in liquor.Kung sa gabi ay alak ang umaalo sa kanya sa umaga naman ay kinukulong ni Red ang sarili sa kwarto. Ilang buwan din siyang ganoon.
"Son, you need to be strong kung makikita ka ngayon ni Louise ano na lang ang sasabihin niya" sermon ng kanyang ina sa video chat.
"Mom, kaya nga ginagawa ko ito dahil hindi na ako makikita pa ni Louise."
"Red, anak kailangan mo na rin magmove on hindi pwedeng ganito ka na lang lagi."
"Mom,I'm fine."
"You are fine,even you can no longer shave your mustache?"
"Sige na mom, may gagawin lang ako."
Red end the video chat at muling lumagok ng alak sa bote.
Dalawang buwan na siyang ganoon at tuwing gigising siya ay masakit parin sa kanya ang pagkawala ni Louise.
Nawalan na siya ng ganang mabuhay pa.Isang tanghali may kumatok sa pinto ng bahay niya.
"Sino 'yan?"
"Si Venus."
Anong ginagawa ng babae sa bahay niya? naitanong ni Red sa sarili.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?