Nakarating sa kaalaman ni Venus ang misyon na ibinigay ng director kay Red at Dante."Kailan mo balak sabihin sa akin ang misyon mo Red?"
"Sasabihin ko naman dapat sayo noong isang araw kaso ipinagpaliban ko na lang muna."
"O talagang wala kang balak sabihin. Lumipas na ang dalawang araw Red may balak ka pa sa lagay na 'yan?"
"Calm down Venus. Alam kong magkakaganito ka kapag sinabi ko sayo."
"At ano sa tingin mo pipigilan kita sa misyon mo dahil sa galit ako kay Lileth? Ang baba naman pala ng tingin mo sa akin. I am professional Red!"
"I'm sorry, hindi naman sa mababa ang tingin ko sayo it's just that baka hindi mo ito magugustuhan."
"Akala ko may tiwala ka sa akin? May pasabi ka pa na kung may gagawin ako sasabihin ko muna sayo but you can't even do the same. Tsk.Scummy!"
"Please Venus, sana naman maintindihan mo ako."
"Oo sobrang naiintindihan kita, na kahit maliit na bagay hindi mo pwedeng sabihin sa akin."
"Don't be such a narrowminded babe!"
"Eh 'di ako na ang makitid ang utak. Mag-usap na lang tayo kapag pareho nang malamig ang ulo natin" at nilampasan niya ang binata.
Hinabol siya ni Red saka hinawakan ang kamay niya pero padaskol na binitawan ito ng dalaga.
"Hi, good morning beautiful" bati ni Castillo.
"Walang maganda sa umaga ko Castillo tumabi ka nga!" bulyaw ni Venus.
"Phew! Okay,okay,chill."
Nilapitan ni Castillo si Red.
"Oh anong nangyari sa girlfriend mo?"
"She was pissed! Hindi ko kasi nasabi ang misyon ko sa kanya."
"Nagalit siya dahil doon?"
"Hindi lang naman dahil doon. Anyway, sige aalis na muna ako."
-----------------------------------------------------------
May sariling kwarto sina Red at Dante sa bahay ni Lileth. Napagkasunduan na din nila na kailangan nasa tabi sila ng babae para mabantayan ito.
"Hey kain tayo, I cook for you este para sa inyong dalawa" anyaya sa kanila ni Lileth.
"Salamat Lileth, Dante halika na kain muna tayo."
"Yes sir."
"How's the food Red? Is it delicious?"
"Hmmm...yeah."
"Sige kain lang kayo. Yaya, pakikuha nga ng dessert na ginawa ko."
"Heto na po ma'am."
"Try niyo rin ang cake na bake ko."
"Ang rami mo naman niluto Lileth."
"Hehehe paminsan minsan lang naman 'yan. Sige kain lang kayo. May tatawagan lang ako saglit ah, excuse me" tumayo ang dalaga at lumayo sa kanila.
"Mukhang kursunada ka ng Lileth na 'yan sir Red naku kapag nakita 'yan ni Ms.Venus ewan ko lang kung 'di pilayan ang babaeng 'yan."
"Galit na nga sa akin si Venus dahil inilihim ko sa kanya ang misyong ito."
"Sa una lang naman galit si Ms.Venus, sir."
"Sana nga Dante."
Sa hapon ng Biyernes ay nagpaalam si Red kay Lileth na si Dante na muna ang bahala sa dalaga dahil may outing sila ng pamilya.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
AksiyonShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?