Inilabas ni Venus ang dalawang butcher knife na nakaipit sa kanyang mga leather boots.Mabilis na iwinasiwas ni Venus ang kutsilyo sa likod ng tuhod ni Mighty Hulk kaya napaluhod ito sa sakit. Nasugatan niya rin ang lalake kaya nagsimula ng umagos rito ang pulang likido.
Ilang sipa ang pinakawalan ni Venus hanggang napahiga ito sa sahig. Nilapitan siya ng dalaga at malakas na inapakan sa tiyan kaya napaigik ito.
"Lalaban ka pa ba Mighty Hulk o mas gusto mong lumpuhin kita dito mismo!" ani Venus.
"Hindi na ako lalaban pa Goddess."
"Ha? Talaga?" mahinhin na tugon niya.
"Oo"
"Pero gusto ko na labanan mo ako kaya tumayo ka dyan Mighty Hulk!"
Nang makatayo ang kalaban itinapon dito ni Venus ang baseball bat para magamit nito.
Hinampas ni Mighty hulk ang dalaga ng bat ngunit nagtatumbling siya palayo sa lalake. Nagtatumbling siya paikot rito hanggang naramdaman niya na tila nahihilo na si Mighty Hulk kaya mabilis siyang tumayo at sinipa ito sa mukha dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba.
Hindi na muli pang bumangon si Mighty Hulk kaya inanunsyo ang pagkapanalo ni Goddess Sting sa arena. Napuno ng hiyawan ang arena sa pagkapanalo ni Venus.
Matapos ang laban ay dinala ni Bunny sina Red at Dante sa kinalalagyan ni Venus.
"Hi everyone did you enjoy the show?" ngiting saad ni Venus sa kanila ng makapasok sa loob.
"Ms.Venus okay lang po ba kayo. May masakit ba sayo ha?" mangiyak ngiyak na wika ni Dante saka niyakap ang dalaga.
"Stop it Nerdy! Kapag hindi ako nakapagpigil ikaw ang masasaktan sa akin" banta niya.
Tila nahimasmasan si Dante kaya bumitaw sa dalaga at nagkasya na lamang sa pagtayo sa gilid.
"Dante bumili ka nga ng pagkain at nagugutom ako, please."
"Saan may nagbibenta dito?"
"Inutusan nga kita para ikaw ang maghanap ano ba naman 'yan Dante saan ba 'yang utak mo."
"Sorry po Ms.Venus."
"Sige na alis na, Bunny ang mabuti pa samahan mo na siya."
"Sige po Ms.Venus."
Nang maiwan sila ni Red napansin ni Venus na kanina pa ito tahimik.
"Oh bakit tahimik ka? Napipi ka na ba?"
Matalim ang tingin ng binalingan siya ni Red.
"Hey! Don't give me that kind of look."
Mariin siyang hinawakan ni Red sa kanang braso.
"Gusto mo ba talagang mamatay ha Venus?" sigaw nito na ikinagulat ng dalaga.
"Hindi ako mamatay dahil may dapat pa akong tapusin."
"Ganyan ka ba ka desperada at itatapon mo ang buhay mo?"
"Matagal ng patapon ang buhay ko Red pero nagbago iyon ng maging parte ako ng pamilya Herrera. At isa pa bitawan mo nga ako" pagpupumiglas niya sa hawak ni Red.
Binitawan ni Red ang dalaga at ng tingnan niya ito tama ba siya sa nakita niyang takot sa mga mata nito na hindi niya nakita kanina sa laban.
"S-Sorry."
"Uuwi na ako" mahina nitong saad.
Mabilis na iniligpit ni Venus ang mga gamit at umalis na hindi man lang lumingon sa binata.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?