Kasalukuyan nilalagyan ni Louise ng cold compress ang putok na labi ni Red."Ano ba talaga ang nangyari at may mga pasa ka?"
"Sinabi ko naman sayo na dahil sa sparring lang ito."
"Sparring? Simula ng naging tayo hindi ka pa nagkapasa o pumutok man lang ang labi mo sa kakasparring.This time sino ba ang naka sparring mo at sumusobra naman yata siya."
"A certain Venus Herrera."
"Venus? Babae lang ang may gawa nito sayo?"
"Kahit ako hindi ako makapaniwala na ganoon kalakas si Venus. She really has something Louise."
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Habang walang misyon si Venus ay naglalagi siya sa training area sa Agila na mayroong shooting corner at iba't ibang kagamitan na pwedeng pang-ensayo. Sa araw na iyon ay pinagbubutihan ni Venus ang paggamit ng katana na dinatnan ng kanyang ama.
"Venus, hindi ka ba magpapahinga anak? Hindi naman puro pakikipaglaban na lang aasikasuhin mo baka magkasakit ka niyan" ani Anton.
"Dad, I want to do this."
"Why are you doing this to your dad? Nagkamali ba ako sa pagtuturo sayo kung paano makipaglaban?"
"Dad hindi mo ito kasalanan ako ang humingi nito sayo in the first place."
"Yes, pero ngayon pinapabayaan mo na ang sarili mo anak. Paano kung mapahamak ka? Mabibigat na tao ang kalaban mo Venus, we can't assure your safety 24/7."
"Kaya ko ang sarili ko dad, you trained me remember? I will never die, minsan na akong muntik mamatay at hindi ko hahayaan na muling mangyari iyon."
"How about your mom? Gusto mo ba na mag-alala si Hilarie sayo?"
"Your daughter is strong dad. Gusto mo makipaglaban sa akin dad?" she wiggled her eyebrows.
"Hahaha I wanted to pero kailangan ko ng bumalik sa Cebu alam mo naman namimiss agad ako ng mommy mo."
"Tsk.Curse you lovers."
"Hahaha I want to meet your boyfriend soon hija."
"I wish I have."
Bago nagpaalam ang amang si Anton ay nagbilin pa ito kay Venus na dalawin ang ina sa Cebu. Hindi niya tunay na ama si Anton pati ang inang si Hilarie. Naging mabait sa kanya ang pamilya Herrera at inampon pa siya ng mga ito.May anak silang lalake bago pa siya inampon ng mga ito.
Nang mga oras na ramdam niya na katapusan niya na sa mundo ay binigyan siya ng pamilya ng bagong buhay at pamilya.Tinulungan siya ng mga ito na kalimutan ang bangungot niyang nakaraan.Tuwing naalala niya ito ay nag-uumapaw ang galit sa kanyang dibdib.
Kumuha siya ng tubig at nilagok ang laman ng baso upang payapain ang nararamdaman. Hinawakan niya ang nananakit na dibdib.
"Are you okay?"
Hindi napansin ni Venus na nasa tabi niya na si Red.
"Sorry about yesterday."
"Iba ka talaga, ikaw pa lang ang ginawang punching bag ang gwapo kong mukha."
"Gusto mo dagdagan ko 'yan?"
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?"
"Pwede ba Sandecker stop acting that we are close. Excuse me."
Iniwan siya ng babae. Nagtataka parin siya kay Venus kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya pati na rin sa ibang kasamahan niya ay pansin niyang aloof ang babae.
Hindi niya na lang pinansin at mas nagfocus sa ginagawang report.
Umalis si Venus sa Agila at pumunta sa isang racing facility."Uy Venus?"
"Hello Mr. Agustin."
"Kailan ka pa dumating?"
"Ilang linggo pa lang. Anyway may bago?"
"Hmmm....mabuti pa at tingnan mo ang bagong model namin."
Dinala si Venus sa isang area kung saan nakahilera ang iba't ibang klase ng Kotse. Pinili ni Venus ang isang pulang kotse para isabak sa car race.
Ibinigay ni Mr. Agustin ang ang susi ng kotae at mabilis na ipinarada ito ni Venus. Matapos magsuot ng protective gear ay pumirma siya ng form para sumali sa car racing. As usual nanalo na naman si Venus sa car racing.
"Paano ba iyan boys ako na naman ang nanalo ngayon.Talaga bang nag-ensayo kayo habang wala ako?"
"Ms.Venus baka pwede magpatalo ka naman kahit minsan."
"Dream on."
Napakamot na lang sa ulo ang binatilyong nakalaban niya sa racing. Minsan nakakabayad ng apartment si Venus dahil sa perang napapanalunan niya sa racing.
Dahil wala pang nakakatalo sa kanya sa racing ay malalaking event na lang ang sinasalihan ni Venus at minsan nakikipagracing na lang siya kapag gusto niyang makapag-isip-isip.
"Hindi ka parin talaga nagbabago Venus. Wala parin kupas ang galing mo pagdating sa car racing."
"Anyway, I have to go Mr.Agustin.Tawagan niyo na lang ako kapag may bagong car racing event."
"No problem."
Nagmamadaling bumalik si Venus sa Agila ng dapit hapon dahil may mahalagang sasabihin sa kanila ang director.
"Ano ang meron?" tanong ni Venus ng makapasok sa lobby.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing?"
"Do I need to tell you?" taas kilay niya sa lalake.
"Hindi naman kasi sa lahat ng oras kami na lang ang maghihintay sayo Venus."
"Settled down guys" they were interrupted by Mr.Oh.
"Bakit niyo po ba kami pinatawag dito Mr.Oh?" wika ni Dante sabay ayos sa eyeglass nito.
"Well, gusto ko lang i-inform na kayong tatlo ang inaatasan ko sa isang panibagong mission."
"Balak ko sanang umuwi sa Cebu this weekend kaya hindi yata ako makakasama sa misyong ito director" ani Venus.
"You can still Venus dahil sa Cebu ang location ng next mission ninyo. A certain Australian citizen George Miller who wander on every bar in Cebu. Well, he is a fugitive."
"And you want us to catch that person?" she asked.
"Absolutely, gusto kong mahanap at mahuli niyo siya sa Cebu. I have his photo pero wala akong hawak na anumang impormasyon sa kanya."
"Copy that sir" saad nilang tatlo.
________________________________________
Napagkasunduan nila na magkita na lang sa airport kinabukasan para sabay sabay na pumuntang Cebu.
"Ang layo naman ng lokasyon ninyo ngayon. Mga ilang araw naman kayo doon Red?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon pero tatawag ako sayo lagi."
Narinig niyang napabuntonghininga ang kasintahan.
"Nagtatampo ka ba love huh?" niyapos ni Red si Louise.
"Slight, but I know this is your work kaya susuportahan kita just bring me some souvenir."
"Hahaha of course."
"I love you."
"Me too."
"Ay I wanted to hear it."
"I love you too."
Ang just a second he end it with a kiss on her lips.
BINABASA MO ANG
Goddess Sting
ActionShe fears no one kahit mapahamak pa ang sarili.Hindi siya magdadalawang isip na iputok ang gantilyo ng baril sa kaaway.She is sexy and beautiful at ginagamit niyang alas iyon.Kaya pa ba na paamuhin ang matigas niyang puso?