Chapter 49 (Flaka Drug Invasion)

95 2 0
                                    


Kanina pa sila paikot ikot ngunit hindi talaga nila makita ang kuta ng AlBraRusChi.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakita sila ng informante. Isa itong empleyado noon sa nasabing grupo at itinuro nito ang hideout nila.

"Dante, ready na ba ang mga injections?"

"Yes Ms.Venus."

"Bueno. Let's go inside."

Kailangan nilang lakarin ang nasabing building dahil malayo ito sa highway. Medyo liblib ang papasok rito. Nang matanaw nila ang gate ay maraming naglalakad na tao malapit dito.

"Fourty infected are visible" saad ni Red na may hawak na sniper.

"Fuck you AlBraRusChi! Ganyan na karami ang nabigyan nila ng flaka?" ani Venus.

"Hindi tayo pwedeng sumugod sa ganyan ka rami na tao. They were aggressive and fast" wika ni Dante.

"Call the others Dante" suhestiyon ni Red.

Nang makarating sina Castillo, Katherine at Denisse sa location ay agad din nila binigyan ang mga kasamahan ng injection na isang tranquilizer para pansamantalang mapakalma ang mga tao.

Imbes na mga bala ng baril ay tranquilizer ang laman ng kanilang bullet bag. Tinawagan na rin nila ang medical team for assistance.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Nang handa na ang lahat agad na pumasok sila Red,Venus at mga kasamahan sa gate. Mabilis silang sinugod ng mga infected. Hindi sila gumamit ng baril dahil isinaalang-alang parin nila ang kaligtasan ng mga infected.

Si Red ang unang sumugod kasunod si Venus. Nagkaroon ng mga habulan, suntukan at sipaan against the infected people.

"Red, may extra injection ka pa?" tanong ni Venus habang nakatago sa isang drum.

"Heto may isang bag pa ako" at ibinigay sa dalaga.

"Red sa likod mo!" sigaw ni Venus.

Agad na tinusok ito ng injection ni Red. Ilang sandali pa ay hindi napansin na napapalibutan na silang tatlo ng mga infected.

"Ms.Venus anong gagawin natin?" ani Dante.

"Stick to the plan. Labanan natin sila then inject them with the tranquilizers."

"Kapag bibilang ako ng tatlo sabay sabay tayong susugod" saad ni Red.

Nang maturukan nila ng tranquilizer ang mga tao roon ay kinuha na sila ng mga medical team. Ayon rito ay ilalagay muna sila sa isang safe facility para gamutin bago ipasok sa rehabilitation.

"Ano Castillo may nahanap ba kayo na taga AlBraRusChi?" tanong ni Red.

"Negative. Sa palagay ko dito lang nila dinidistribute ang mga flaka pero sa ibang lugar nilalagay ang stock ng droga."

"Don't worry tinawagan ako ng isang informante. Nakita niya daw ang sasakyan ng AlBraRusChi sa isang exclusive subdivision" ani Denisse.

"And where the hell is this subdivision?" ani Venus.

"Sa Quezon."

Ipinaalam nila kay Mr.Vistal ang kanilang nakuhang impormasyon upang simulan ang pagsugod sa nasabing subdivision.

At sa kabutihang palad ay natagpuan na nila ang mga tauhan ng AlBraRusChi at umamin na rin ito kung sino-sino ang mga nasa likod ng nasabing distribution ng mga flaka.

Ang tunay na layunin pala ng grupo ay guluhin ang bansang Pilipinas para aayusin ito ni Congressman Emil Guzman ang tumatakbong presidente para sa 2019 at isang plataporma nito ay sugpuin at gamutin ang mga infected na tao para siya ang iboboto ng mga karamihan sa darating na eleksyon.

"Cong.Emil Guzman, you are under arrest!" ani Red.

"Sino kayo? At alam niyo ba trespassing itong ginagawa ninyo!"

"May warrant arrest kami congressman kaya kung ako sa inyo sumama na kayo ng tahimik."

"Hindi ako sasama. Men!"

Akmang haharangan sila ng mga tauhan ng congressman pero nagpaputok ng baril si Venus.

"Walang lalapit kung ayaw ninyong idamay ko kayo rito! At ikaw ungas na congressman pinapainit mo talaga ang ulo ko. Sasama ka o pasensyahan tayo lulumpuhin kita dito bago ipasok sa selda!" ani Venus.

Natakot yata ang congressman nang makitang hindi nagbibiro si Venus kaya sumuko na rin ito sa huli. Samantala ay binabagtas na nila ang daan pauwi nang magsalita si Red.

"Tinakot mo naman si Cong.Emil, babe" Red chuckles.

"Eh nagmamatigas pa, nakikita niya na may warrant of arrest na tayo."

"Hey! Chill okay, ang importante eh napigilan natin ang distribution ng flaka."

"Nakakainit kasi ng ulo."

"Hmmm...Siya sige palamigin natin 'yan. May alam akong bagong bukas na restaurant nagsiserve daw sila ng strawberry shake, 'di ba paborito mo 'yon?"

"Sino may sabi sayo?"

"Nakita ko kasi iyong icecream na binili ni Zeus para sayo. So I concluded na strawberry ang favorite mong flavor."

"Geez!"

"Bakit? Mali ba ako?"

"Nope, masaya lang ako kahit maliit na bagay ay napapansin mo."

"Hahaha paano ba iyan mas mahal mo na ako ngayon kaysa mahal kita."

"Suhol pala ang strawberry?"

"Biro lang babe"at saka niyakap ang dalaga.

"Umayos ka Red,nanununtok ako ng boyfriend."

"Sige nga" hamon ni Red.

"At talagang hahamunin mo ako? Pwes!"

Akmang susuntukin na ni Venus ang lalake nang masalag nito ang suntok niya. Inihinto ni Red ang sasakyan pagkatapos hinawakan nito ang kamay ng dalaga saka mahigpit na inilagay sa likod pagkatapos hinalikan ang dalaga sa labi pero kinagat siya ni Venus.

"Ouch! What the...damn it babe!"

"Oops! Sorry napalakas ba? Oh my gosh babe it's bleeding" natatarantang tugon ni Venus.

"Paano hindi dudugo iyan eh kinagat mo."

"Sorry I was just teasing you pero napalakas yata."

"Sadistic girlfriend."

"Sorry talaga. Ikaw naman kasi nanghahalik ka dyan agad."

"Ngayon kasalanan ko pa?"

"Hindi,what I mean is....tsk. 'di bale na nga."

He was not mad. He was just trying to play a game at alam niya bibigay rin si Venus sa huli. Ilang saglit pa ay kwinelyuhan si Red ng dalaga saka hinalikan sa labi.

She was tasting the little stain of blood in his lips yet ipinagpatuloy niya ang paghalik sa binata. Napangisi si Red sa ginawa ni Venus. He deepened the kiss when he heard her moaned.

Game over.

"You are a pro babe!" bulalas ni Venus.

"A-huh! Sinasabi ko sayo Venus stop tempting me."

Inayos ni Venus ang gusot na damit.

"Magmaneho ka na kisser boy" kindat ni Venus rito.

"Roger!"

He was manly pero natatawa si Venus kapag lumalabas ang pagiging kengkoy ng boyfriend.

A/N: Sana all romantic! Hahaha😂

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon