Chapter 55 (Video Tape Secrets)

107 4 0
                                    


Nilapitan ni Venus ang lalake.

"Alam ko na kilala mo ako Rafael."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Huwag ka na magkaila Rafael. Si Lileth kilala mo siya hindi ba?"

"Paano ko makakalimutan ang pangalan ng may gawa nito sa akin."

"Kaya ibigay mo na sa akin ang video tape para magbayad na ang babaeng 'yon sa lahat ng kahayupan na ginawa niya."

"Iyon na nga wala na sa akin ang video tape."

"Ha? Kung wala sayo na kanino?"

"Kay Lileth. Niloko ako ng babaeng iyon. Hayop siya binaril pa ang paa ko kaya hindi na ako nakakalakad ngayon!"

"What? Ano pala ang laman ng tape?"

"Kuha ito ng pagkakabaril sayo."

"Shit! So siya pala ang nagtangka sa akin" naikuyom ng dalaga ang kamao.

Galit na galit si Venus sa nalaman. Since ang babae ang nagtangka sa buhay niya, nakaisip siya ng plano para makuha ang video tape na hawak nito. Kailangan niya ng kumilos.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa gabing iyon si Red ang nakatoka sa pagbabantay kay Lileth, lalo na ngayon nakatanggap ng pagbabanta ang dalaga sa isang texter.

Nasa Agila kasi si Dante at babalik rin ito bukas sa bahay ng dalaga.

Nagmonitor ang binata sa labas ng bahay nito. Alas dyes nang umakyat na siya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na rin.

Nagulat si Red nang pagpasok niya sa kwarto ay nakahiga sa kama niya si Lileth at nakaroba lang ito.

"Hi Red."

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito Red?"

Nilapitan siya ng babae saka hinila paupo sa kama. Umupo ito sa kandungan niya. Sobra sobra ang pagpipigil ni Red sa sarili. Nang akma siya nitong hahalikan ay nakarinig sila ng kalabog sa baba ng bahay.

"Ano iyon?"

"Titingnan ko lang. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na sa kwarto mo Lileth."

Bumaba si Red sa may sala. Napansin niya ang anino na nagroll sa likod ng sofa.

"Sino 'yan?"

"Sshhh..ako ito."

"Babe? Ano ang ginagawa mo dito?"

"Red, ano iyong kalabog na narinig ko?" ani Lileth na nakatayo sa hagdanan.

"Ay wala pusa lang pala."

"Pusa? Wala naman kaming pusa."

"Stray cat."

"Well, sige maiwan na kita matutulog na ako. Mamayang gabi ko na lang itutuloy ang business ko sayo" at saka ito pilyang kumindat sa kanya.

Nang nasa kwarto na si Lileth ay lumabas na sa gilid ng sofa si Venus.

"Stray cat really? Bwisit naman oh, nanakit yata ang tagiliran ko" reklamo ni Venus nang makatayo.

He chuckles.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"

"May hahanapin lang ako rito sa bahay ng bruhildang si Lileth."

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon