Chapter 9 (La Bailada)

196 6 0
                                    


Isinama nga nila si Zeus sa lakad nila. Pinuntahan nila ang isang bar. Para hindi mahalata ay nagbihis lamang sila ng pamparty para hindi maiba sa mga customer doon.

Venus wear a maong skirt at ipinares niya ito sa isang white off shoulder blouse. Si Red naman nakarug pants at plain black shirt. Si Dante naman ay nakajumpsuit at syempre with his eyeglass on. Nagsuot ng wig si Venus to cover her identity.

Nang makarating sa isang bar agad na nilapitan ni Zeus ang isang employee at itinanong dito ang records ng mga regular customers.

Dalawang bar at tatlong casino na ang napuntahan nila ng araw na iyon pero bigo parin sila na mahanap ang puganteng si Miller.

Lucky enough na wala sa bahay sina Anton at Hilarie kaya hindi nila alam na wala pa sa bahay si Zeus maghahating gabi na.

"One bar and we are going home" anunsyo ni Venus sa mga kasama.

Pumasok sila sa isang bar that is famous for the name La Bailada but unlike sa mga napasukan nilang bar tila kakaiba ito. Napansin nila na puro elite na tao ang naroon hinarang pa sila sa information desk dahil sa mga kasuotan nila kumbaga they were out of place.

Nang tanungin ni Zeus ang record ng logbook ay mahigpit itong hindi pinahintulutan.

"Sis, I smell something fishy is going here" sabi ni Zeus.

"Bueno. Zeus stay in the van. Dante maiwan ka na din dito kami na ni Red ang papasok sa loob."

"But sis..."

"Stay here brat kung ayaw mo mag-alala pa ako."

"We need to blend Venus para makapasok tayo sa loob" ani Red.

"Good thinking."

Pumasok sila sa isang katabing boutique bago dumiretso sa La Bailada.This time hindi na sila sinita sa information desk.

Nagtuloy tuloy sila sa loob.The lights were dim kaya aware sina Venus at Red na mahihirapan sila mahanap si George Miller.

"Can you dance?" out of the blue bulong ni Venus kay Red.

"Well, let's see."

"Sumayaw ka muna or makipagsayaw, kukuha lang ako ng drinks."

_________________________________________

Nagtungo si Venus sa drinks section at umupo doon.

"One white wine spritzer please."

"Heto na po ang order niyo miss" anang bartender.

"Can I ask something?"

"Ano iyon miss?"

"Well, may kilala ka ba na George Miller na nagpupunta dito?"

Umiling ito.

"Hmmm pwede mong tingnan ang record ng log book dito?" at ngumiti si Venus dito ng kay tamis.

"Sorry miss, hindi ko maaaring gawin 'yan."

"Sige na pogi, kailangan ko kasi siyang makita dahil son in law siya ng ermat ko."

Nagsisimula ng mainis si Venus kanina pa siya ngumingiti sa kaharap at nangangawit na siya kung hindi niya lang talaga kailangan ng impormasyon kanina niya pa binigwasan ang bartender.

"Sige na pogi, please"pagpapacute niya pa.

Dahil sa ayaw parin bumigay ng bartender ay walang choice si Venus kundi gamitin ang alas niya. Hinila niya ang kwelyo ng bartender saka hinalikan sa pisngi.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon