Chapter 3 (His New Partner)

371 9 0
                                    


Maaga siyang pinatawag sa opisina ng araw na iyon. Nang makapasok ay agad niyang napansin ang isang babae. She was wearing one strap above the knee red dress at litaw na litaw ang mahaba at maputing legs nito. Kampante itong nakaupo sa mahabang sofa.

"Like what you are seeing buddy?" tinaasan siya nito ng kilay.

Tila nahismasan naman si Red sa biglang pag-alboroto ng kanyang libido.Tinalikuran niya ang babae at nilapitan si Mr.Oh.

"Bakit niyo ako biglang pinatawag Mr.Oh?"

"Dahil gusto kong makilala mo si Venus Athena Herrera. Siya ang magiging partner mo sa kaso ni Mr.Hernandez."

"What? I am sorry to say this baka naman puro pagpapaganda lang ang alam ng babaeng 'yan imbes na makatulong ay masira pa ang imbestigasyon Mr.Oh."

"Naririnig ko  ang mga sinasabi mo mula rito Sandecker. Masyado kang hot baka naman gusto mo palamigin muna kita nito?" itinaas ni Venus ang baril patungo sa kanya.

Nagulat si Red sa ginawa ng babae. Hindi niya napansin na may hawak itong baril kanina.

"Hahaha hindi ka parin talaga nagbabago Venus mahusay ka parin hija. Send my regards to your dad" wika ng director.

"Walang problema. Anyway Sandecker, pasalamat ka hindi ikaw ang kaaway ko kundi bang! Paglalamayan ka na" she  smirked.

May ibubuga ba talaga ang babae pagdating sa imbestigasyon?

"Red,siya si Venus anak ni Mr.Antonio 'Anton' Herrera isa sa mga board member ng Agila."

"Mr.herrera? Hindi ko alam na may anak pala siyang babae?"

"Antonio trained her mula sa paghawak ng baril. Nakadestino siya sa isang police station sa Cebu bago nagdesisyong sumali sa Agila. Venus, hija ito naman si Red Sandecker matagal na siya rito sa Agila. I hope that both of you will get along."

"It's fine Mr.Oh as long as it is work."

"Red, ikaw ang magmomonitor ng galaw sa loob ng opisina ni Mr.Hernandez at maging sa bahay nito. Si Venus ang magpapanggap na secretary ni Mr.Hernandez at siya na ang bahala kung paano niya makukuha ang tiwala nito" saad ni Mr.Oh.

"Copy that sir."

"Okay, bukas mag-aapply si Venus sa H-Group Company bilang secretary ni Mr.Hernandez gusto ko samahan mo siya."

"Walang problema sir."

Matapos ang pag-uusap ay lumabas na nang opisina si Red. Hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni Venus.

"Sandecker, can I have your phone number?" tinatamad niyang sabi rito.

"09378462724"

"Okay, I'll text you my address para masundo mo ako bukas."

Tumango siya rito bago talikuran ang babae.

May inis na nadama si Venus sa bagong partner. Ininsulto na nga siya nito bilang babae, hinamak pa ang kakayahan niya. Kung alam lang nito lahat ibinibigay niya sa imbestigasyon.

Nang nasa Texas siya sumali siya bilang undercover din kaya hasa siya sa mga halang na bituka ng mga bandido, gang at iba pa. Iba't ibang character na din ang nagagawa niya sa mga imbestigasyon pagiging pulubi na lang yata ang hindi niya nagagawa pa. At ginagalingan niya sa bawat character na ginagawa tapos ngayon iinsultuhin siya ng lalake?

'Watch me Sandecker, mahusay ako sa labanan at magsisisi ka sa pamamaliit sa akin,you moron' hiyaw ni Venus sa kanyang isip.

================================

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon