PROLOGUE
"Waaaaahhhhh!! Tigilan niyo na ako," sigaw ko habang tumatakbo.
"Pagkain! Masarap na pagkain!" sambit ng mga demon na humahabol sa akin.
"Ahh!"
Napasubsob ako sa lupa, pagkatapos ko matisod sa nakausling bato. Mabilis akong tumayo para muling tumakbo kahit na may nararamdaman akong kirot sa tuhod ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo, may malakas na hangin na humpas sa akin dahilan para madapa ako.
"Sa akin siya," sambit ng isang malalim na tinig sabay tapak sa likod ko.
"Waaaahhhh! Tulong," sigaw ng mga demon. Unti-unti silang kinakain ng higangteng demon. Ngayon lamang ko nakakita na demon na kumakain ng kapwa niyang demon.
"Ikaw na ang susunod," aniya pagkatapos ubusin ang mga demon na humahabol sa akin. Kinuha niya ako gamit ang malalaki niyang kamay saka tinapat sa mukha niya. May isa siyang mata at malaking bibig na may naglalakihang pangil.
"Bitawan mo ko! Aaahhh!"
Humigpit ang lalo ang pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko madudurog ang buto ko dahil sa pagkakahawak niya. Isusubo na sana niya ako nang biglang may dumaan na malakas hangin malapit sa harap ko at nakita ko na lang ang isang apoy na espada na humiwa sa braso ng demon. Napasigaw ito kasabay ng pagbitaw sa akin. Biglang may sumalo sa akin at inalayo ako sa higanteng demon.
"Zeque," gulat na sabi ko. Ibang-iba ang itsura niya kumpara sa school. Kulay pula ang mata nito na katulad sa isang bampira. May hawak itong nag-aapoy na espada.
"Dito ka lang," aniya saka ako iniwanan kila Levi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ash sa akin.
Tumango ako bilang tugon saka nilingon si Zeque. Hinampas siya ng demon gamit ang malaki nitong kamay.
"Zeque!" sigaw ko nang tamaan siya at tumalsik. Pagtingin ko sa kanya, mukha na siyang werewolf. Kinalmot niya ang demon sa kamay.
"Aahhh!" sigaw ng demon. Napatakip na lamang kami ng tenga dahil sa lakas ng sigaw.
"Umalis ka na bago pa kita gawing abo," banta ni Zeque na muli nanaman nag-iba ang anyo niya. Naging kulay rainbow ang buhok niya at mula sa kamay may iba't-ibang kulay na apoy. Kung hindi ako nagkakamali ayan ang anyo niya nung unang beses ko siya makita.
Hindi nakinig sa kanya ang demon. Galit na sumugod ito palapit kay Zeque ngunit pinangharang lang niya ang nag-aapoy niyang kamay. Unti-unting napalibutan ng apoy ang demon hanggang sa maging abo ito.
"Ngayon ko lang siya nakita makipaglaban ng ganyan," hindi makapaniwalang sabi ni Hazel.
"Kung titignan... mas malakas ang totoong anyo niya kumpara sa alter necklace," sabi naman ni Asher.
"Pero kayang pumatay ng alter sa isang tira lang. Kung isa siyang alter madali lang napatay yung demon," kontra ni Levi.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Isa lamang ang nasa isip ko, hindi basta-basta si Zeque. Kaya pala kakaiba ang kulay ng spiritual energy niya.
"Ano payag ka na bang tumulong sa amin? Pangako poprotektahan ka namin," tanong ni Zeque. Ngayon ko lamang siya natignan ng malapitan. Napakaganda ng kulay ng mata niya na katulad ng isang rainbow.
"Malakas na kayo. Hindi niyo na kailangan ng tulong ko. Kita niyo naman diba? Wala akong laban sa mga demon kaya wala akong maitutulong sa inyo?" tugon ko.
"Kailangan namin ng mata mo. Kaya mo makita ang spiritual energy o aura."
"Ano naman makukuha ko kapag tinulungan ko kayo?"
"Hmmm. Kapag tinulungan mo kami maibabalik namin ang mga kaklase mo na nawawala."
"Ayoko pa rin. Wala akong oras para iligtas ang mga kaklase ko. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay."
"Babayaran ka namin. Bibigyan ka din namin ng trabaho."
Tinignan ng may halong pagdududa. Baka mamaya balak nila akong ibenta ang katawan ko.
"Ano namang trabaho?"
"Server ng cafe na itatayo namin at siyempre kailangan mo din sumama sa akin sa pag-iimbistiga tungkol sa mga kaklase mo," nakangiting sagot niya.
"Magkano naman bayad sa akin?"
"P25,000."
"P25,000?!" gulat na sabi ko. Hindi na rin masama para sa isang part time job. Pero kaya ba talaga nila ako bayaran ng ganun kalaki? Saan naman sila kukuha ng pambayad?
"Alam ko na iniisip mo. Wag ka mag-alala may maibabayad kami. Sa mundong pinanggalingan namin mayaman kami. At siyempre may iilang business din si Papa dito," paliwanag ni Asher pero hindi pa rin sapat yun para maniwala ako.
"Ano? Payag ka na ba?"
"Hmm. Sige pero kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo, isusumbong ko kayo kay Master," banta ko sa kanila.
"Okay. Okay," nakangiting sabi ni Zeque.
"Sige. Maiwan ko na kayo. Bye," paalam ko saka tumakbo dahil may trabaho pa ako. Sigurado sesermunan nanaman ako ni Master.
I'm Erelah Gail Sanchez. Pangarap ko maging isang exorcist katulad ni Master kaya kasalukuyan ako nagtatrabaho bilang assistant exorcist.
Simple ang buhay ko sa kabila ng trabaho ko bilang assistant exorcist. Nagbago lang iyon simula nung pumayag ako sa offer ni Zeque.
Sa pagkasama ko sa kanila, unti-unti akong nadadala sa kakaibang mundo.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasyNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...