CHAPTER 15: GODDESS OF PEACE
Erie's POV
"Jasmine! Wait!" sigaw ko nang masalubong ko siya sa school pero tumakbo siya bigla.
Nagtunggo na lang ako sa room dahil mag-uumpisa na din yung klase namin. Ayoko naman mahuli. Pagkapasok ko, nakita ko si Zeque na nakatingin sa bintana. Tumingin din ako doon at nakita ko si Jiro na nakaupo sa taas ng puno.
"Morning," bati ko kay Zeque. Lumingon ito sa akin saka ngumiti.
"Morning," bati niya pabalik sabay sulyap saglit kay Jiro.
"Nasubukan mo na bang yayain si Jiro na pumasok sa school?" tanong niya bigla sa akin.
"Hindi pa. Bakit?"
"Naisip ko lang. Lagi naman siya sumasama sayo dito. Bakit hindi na lang siya pumasok katulad ko."
"Susubukan ko siya kausapin."
"Kapag hindi pumayag, itapat mo sa apoy yung kwintas. Sigurado ako mapapa-oo yun," bulong niya sa akin. Umayos na siya ng upo dahil dumating na yung teacher.
Maaga kami pinauwi dahil may seminar daw yung mga teacher. Paglabas namin ng room, naghihintay na doon si Rhys.
"Pupunta daw sila Steph sa isang exhibit sa may museum. Kasama nila si Jasmine. Pwede ba kayo ngayon? May naisip kaming plano," bulong niya sa amin habang sinasabayan kami sa lakad.
"Okay," sagot ni Zeque. Hindi na muna kami nagpunta sa Magical Cafe, dumuretso agad kami sa sinasabi nilang exhibit.
Free entrance ngayon kaya medyo madami din yung tao. Habang hindi pa namin nakikita sila Jasmine, tumingin-tingin na muna ako sa mga painting hanggang sa mapansin ko ang isang painting ng isang magandang babae. Maganda ito pero hindi yun ang napansin ko. Parang pamilyar sa akin yung suot nitong kwintas.
"Goddesses of Peace," basa ko sa ibaba. Walang nakalagay na pangalan.
"Kamukha mo siya," sambit ni Zeque na ikinagulat ko.
"Lahat na lang ba kamukha ko? Nung una si Persephone, tapos ngayon yung goddess of peace. Mas maganda siya kaysa sa akin," sambit ko.
"Of course. Mas maganda siya sayo," pagsang-ayon niya naman na ikinainis ko sa halip na matuwa.
"Alam ko. Hindi mo na kailangan ipamukha sa akin," inis na sabi ko saka tumuloy sa paglalakad.
"Nakita ko na sila Steph," tawag sa amin ni Rhys. Sinundan namin siya hanggang sa matanaw na namin sila Jasmine. Natingin sila ng mga nakadisplay na lumang gamit.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasíaNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...