CHAPTER 48: HOLY LIGHT
Erie's POV
"Talaga?! Pwede ako sumama sa Outlandish?" excited na tanong ko kay Zeque. Matagal ko na gusto makatulong sa kanila doon kaya hindi ako makapaniwalang tatanungin ako ni Zeque kung gusto ko sumama sa kanya.
"Yeah! May kapangyarihan ka na pangontra sa zombie at demon kaya kailangan namin ang tulong mo. Pero sa Black Academy ka lang! Hindi ka sasama sa amin makipaglaban. Ang gagawin mo lang siguradihing safe ang mga dadalhin namin doon."
"Walang problema. Ang importante makatulong ako sayo. Salamat Zeque pinayagan mo ko."
"Sasabihan ko si Jiro na wag aalis sa tabi mo palagi. Maghanda ka na," paalam niya sa akin saka ako iniwanan sa kwarto.
Masigla akong nagbihis. Hindi na ako makapaghintay na umalis.
"Totoo bang sasama ka kay Zeque? Paano ang mga anak niyo? Wag mo sabihing iiwan mo sila sa amin?" tanong ni Zera sa akin. Hindi na ito nag-abalang kumatok. Basta na lang siya pumasok sa kwarto at sunod-sunod akong tinanong.
Hinawakan ko siya balikat saka ningitian.
"Ikaw na muna bahala sa mga anak ko. Alam kong kaya mo silang alagaan. Wag ka mag-aalala kasama mo naman sila Flora at Zeya sa pag-aalaga," sambit ko. Napabuntong hininga ito.
"Fine! Alam ko naman na gusto mo talaga makatulong kila Zeque. Mag-iingat ka doon. Wag mong kakalimutang alagaan sarili mo. Buntis ka pa naman. Kung ayaw mong kainin ng demon ang baby, wag ka lalapit sa kanila."
"Naiintindihan ko. Salamat Zera."
"Kasama naman niya ako. Hindi ko siya pababayan," singit ni Jiro.
"Alam ko. Teka! Kanina pa ba kayo diyan?" tanong ni Zera.
"Kakarating lang namin."
"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Zeque. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Mag-iingat kayo doon lalo na kay Samael. Hindi maganda kutob ko," nag-aalalang sabi ni Zera.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasíaNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...